Chapter 13

6 1 0
                                    

LEA POV.

Medyo okay-okay na yung katawan ko ngayon dahil sa pagkain na nakain ko at busog na busog pa ako pero ngayon kakain na naman kami

"Tita Kelly, it took 20 years para magkita ulit tayo e nung dati 2 years old lang ako pero tanda ko pa yun,
E sa pagkaka tanda ko nun wala ka pa namang dyowa nun e pagkatapos ilang araw nalaman nalang namin na meron ka na palang anak at bigla kayong umalis sa Paris alam niyo po ba nag-alala si mom sayo nun.."

Teka..Paris? Parang wala namang sinabi si mama tungkol dito o nabanggit man lang..don ba sila nagkakilala ni dad?

"Its complicated.."matipid na sagot ni mom

Hindi ko alam pero bigla akong na curious dahil don,parang may mga bagay na hindi sinasabi si mom e pero parang complicated nga seguro yun kaya ayaw na nyang pag-usapan

"Masyado na po ba akong madaldal tita? Sorry po miss ko lang po seguro kayo.." Masayang sabi ni Jared, hindi ko naman alam na may side pala sa pagkatao nya yung sweet ang alam kk lang kasi na demonyo sya at possessive person..

~*~

"Nagdala na ako ng pagkain kaya Sabay na tayo, ako nagluto nyan"

Simula nung araw na tinulungan nya ako parati na syang ganyan pati dito sa school at hinayaan ko nalang din kasi may utang na loob din naman ako sa kanya tyaka okay narin para meron akong kausap kasi si Ethan busy sa CHILDHOOD BESTFRIEND NIYA na MATAGAL NA NYANG MAHAL, sino ba naman ako diba? Isa nya nalang naman akong kaibigan..na may gusto sa kanya pero baliwala lang yun sa kanya

"May iniisip ka naman a"singit naman ni Jared

"Wala kang pake" pagsusungit ko, wala talaga ako sa mood ngayon lalo na nakita ko sila umupo don sa di masyadong kalayuan dito sa mesa namin, masaya nga silang nag-uusap, parati nalang and I don't care and I just rolled my eyes at Pag harap ko nakita ko si Jared na naghanda sa mga pagkain namin...pero may napansin ako sa kamay nya agad

"Ano yan?!" Nag-alala Kong tanong kasi naman ang daming paso sa kamay nya at tyak ako na sobrang ang sakit pa nyan bakit kasi nagluluto pa e alam nya naman na hindi nya kaya yun..!

"Wala yan basta kumain ka lang.." Sabi niya Sabay ngiti at itinago na yung kamay nya sa bulsa nya

"Kamay" utos ko

Bigla naman syang nagtaka pero tumingin ako ng masama sa kanya kaya naman bumuntong hinga na sya at ibinigay nya yung kamay nya sakin..

Umiling ako dahil sa mga yun..kawawa naman ng kamay nyang napakalambot na kahit sabon ng plato ay mahihiya...
Napatigil agad ako ng narinig ko syang tumawa ng mahina kaya inangat ko yung mukha ko at handa na sanang magmura pero Napa atras agad ako dahil sa lapit ng mukha niya sakin at parang may karerang nangyayari sa loob ng puso ngayon

"Ang cute mo.." Sabi niya Sabay ngiti at mas lalo pang lumakas yung tibok ng puso ko parang kanina lang nagkakarera sila, ngayon parang nanalo na ako  dahil sa walang tigil na kabog ng dibdib ko, at sobrang init na ng mukha ko...

"Bwesit mo talaga!!!!" Sigaw ko at naalala ko pala na nandito kami ngayon sa canteen at napatingin ako sa mga tao dito at sila din napatingin sakin at nakita ko si Ethan na nakikilaglandi na don kay Elise

Makaka-alis na nga

Pero hindi pa nga ako nakakalayo bigla agad akong tinawag ni Jared nambwe-bwesit na naman sya e noh!
Lumingon na ako sa kanya at bigla nyang tinaas yung mga libro nya

"Baka nakaka limutan mo! E matagal-tagal ka din wala.."sabi niya pa

Hindi pa nga ako nakahabol sa lesson namin Ito na sya nagpapaturo! E hindi na nga sya marunong magluto tapos Ito pa?

"Bwesit" pagmumura ko at Ito na naman sya bumitaw na naman ng mga ngiti niya na parang naging inosente syang pagkatao..
Umupo na ako sa harap nya pero ngayon nakipag pakit ako ng upuan para hindi ko na makita si Ethan na kasama nya si Elise, alam ko na mabait pero hindi nya din ako masisi kasi nga NAGSESELOS AKO NA MAY KASAMA SYANG IBA!!!

"Bago tayo mag-aral kain ka muna gusto ko matikaman mo pinagpaguran ko..Baka kasi sasabihin mo na naman na chicken soup lang kaya ko kaya ayan gumawa ako ng ibat-ibat soup my shirmp, isda at pork"

Bumuntong hinga nalang ako, parang may sakit uli ako dito sa mga kalokohang pinaggagawa nya...

"Tikman muna"masiglang sabi niya at wala din man lang akong nagawa kasi naman pinaghirapan niya pa at  nagkasugat-sugat pa yung kamay nya at kawawa naman paghindi ko kinain diba?

"Masarap diba?"

Tumango naman ako, masarap naman kung papano talagang pinaguran talaga ng gagong to....

Matapos lahat ng mga pinaggagawa namin kanina at sa wakas malapit na yung dismissal medyo magulo lang yung lesson na sinaaabi ng mga prof namin kasi ikaw ba naman umabsent ng ilang araw diba!? E namo-moblema nga ako kung San ako hihiram ng notes wala naman akong ibang kaibigan dito kundi si Ethan lang at kung si Mark? Wag ka nang mag expect na may notes yan parating walang paman yang bag nya kundi mga kalandiang pinaggagawa nya sa buhay niya...

"Ms. Cruz humiram ka nalang ng notes sa ka-klase mo" biglang sabi ng prof namin, e alam ko naman yun!"Okay Class Dismissed" dugtong nya pa

"Lea, you want to borrow my notes? Its okay to me"

"No thanks, I don't need your help.."
Hindi ko mapigilan ang pagtaray sa kanya ngayon ko lang to nailabas, tumayo narin ako at umalis na at bigla akong tinawag ni Ethan pero hindi ako nakinig at medyo malayo na ako at wala na masyadong tao dito at bigla na nalang nya hinalbot yung kamay ko

"Bakit ganun yung asta mo kay Elise, wala namang ginawa yung tao sayo ah"

"E sorry hah hindi ko naman kasi napigilan e!"

"Ang ano?"

"Wag na! Ewan mo nalang ako Sanay na ako e nandyan na naman yang childhood best friend na mahal mo, e nung dumating lang yan kinalimutan mo na ako" bigla naman akong natuwa ng mapait " e sino ba naman ako diba? Diba kaibigan mo lang ng ilang buwan...tyaka pinagtanggol lang naman kita don kay mark kasi gusto ko malapit sayo.....kasi gusto kita! E Ewan ko nga kung bakit?" Hindi ko na mapigilan ang maiyak

"Pero Lea hind–"

"I know...and you will never be, nagbabasakali lang naman ako na Baka ganun ka din...sorry kung nakigulo ako sa buhay mo ngayon..sorry dahil yung inasal ko sor–"

"Stop it Lea..."

Palingon ako sa likod ko nakita ko naman si Jared na hindi maipinta ang mukha..

"Wag kang makiki-alam Jared.."

Hindi nya ako pinakinggan at hinila nya yung kamay ko at niyakap nya ako ng mahigpit

"Are you happy right now Ethan na meron ka na namang napa-iyak?"

"Tama na Jared walang kasalanan naman si Ethan e, kasi ako yung umasa"

"Hindi..nakak-ilan natong gago nato"

"Jared!!!! Sabi ko tama na!!" Hindi ko mapigilan na masigawan sya

"Ano? Ngayon pinagtatangol mo to? Bakit ba lahat kayo mas pinipila sya? Anong meron nyan hah!?"

"Tama na Jared..." Pagamamakaawa ko at umalis narin sya, aakma na sanang hahawakan ako ni Ethan pero umalis na agad ako habang umiikbi....

Ang sikip ng dibdib ko ....

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon