Chapter 20

2 1 0
                                    

Don ko lang narinig si mama na sobrang galit kaya kahit bukas pa yung uwi namin, sinabihan ko nalang din si tita veronica sa kanya lang ako nagpaalam ayaw ko din naman magpaalam kay Jared dahil narin sa nangyari at umuwi nalang ako kasama ko yung kapatid ko ngayon naka sakay sa taxi patungong bahay..

Hindi ko alam nung pagkarating ko don ay parang kinakabahan ako kahit wala naman akong ginawang kasalanan,wala naman talaga diba? Pinayagan naman ako ni dad..

Pagkabukas ng pagkabukas ko sa pintuan bumungad naman sakin yung mga platong puro basag ano ba nangyari dito?

"Ate anong nangyari? Bat maraming basag na Plato?"

Tiningnan ko bawat sulok ng bahay kung meron bang may nagtangka na kahit ano sa amin..pero wala naman akong nakita..tiningnan ko din ang room ni papa at mama wala naman sila don kaya pinapasok ko muna si MJ sa kwarto nya at sinabihan ko syang e lock yun..

Dumaretyo naman ako sa baba at dahan-dahan kong niligpit ang mga nabasag na plato hindi ko maiwasang masugatan dahil sa mga pinaggagawa ko hanggang biglang narinug ko ang pag bukas ng pintuan kaya lumingon naman kaagad ako Baka sina mama na yun..at tama nga ako

"Ma.."magmano na sana ako nung bigla nya akong sinampal kaya naiyak naman ako..

"Bakit hindi ka nagpaalam sakin na pupunta ka don na kasama yung pamilya nila?"

"Ma pamilya lang naman po yun nina Jared e,pinayagan naman din ako ni papa at tyaka po magkaibigan naman kayo diba?" Yumuyuko ako habang sinasabi yun para hindi mahalata ni mama na umiiyak na ako.

"Wala akong paki, hindi mo alam ang pamilya nila Lea! Pinayagan na nga kitang makipagkaibigan diba? Sa mga anak nya? Tyaka bat ka ba sumama don?"

Hindi nalang ako sumagot para hindi pa mas malalong maging malala yung sitwasyon ni namin ni mama nung napansin seguro ni papa yung hikbi ko nilapitan nya ako at dinala ng kusina at binigyan ng tubig

"Pasinsya ka na anak ha, ako naman talaga ang may kasalanan dahil pinilit kitang sumama kahit ayaw mo naman talaga.."

"Ano ka ba pa, okay lang po yun tyaka thank you pala na pinasama niyo ako dahil naging masama naman yung buhay ko" pagsisinungaling ko, alam naman naging lahat kung gaano din ka saklap ang nangyari don diba? Kaya medyo okay lang din na umuwi ako dito kahit ganito din lang naman ang napala ko

"Ate okay lang po ba kayo? Bakit ka ba sinaktan ni mama?" Hindi ko napansin nandito pala si MJ

"Okay lang si ate tyaka hindi ako sinaktan ni mama noh naglalaro lang kami ng sampalan para practice don sa role playing namin sa school..maayos ba yung arte ni ate?" Hindi sya sumagot at tumingin lang sa mga mata ko na parang sinusuri yun kung ano ba talaga ang katutuhanan kaya nag iwas nalang ako ng tingin.."sege na pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga kana magpapahinga nadin si ate.."

Nakita ko si mama na parang malalim padin ang iniisip..ano ba talaga meron sa pamilya Nina Jared? Bakit sabi niya na hindi ko pa alam ang pamilya nila? Bakit ano ba ang pamilya nila?"

The Truth UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon