Elena's Pov
Naglalakad na ako pauwi pero napatigil ako ng may nagkukumpulan estudyante . Hindi ko naman kase dapat papansinin kase wala akong panahon makitsismis pero nagulat ako ng may mga sumigaw ng
"Go Prince Drake"
"Red Mylove kaya mo yan"
Habang pumupunta ako sa kinaroroonan nila ay hinihiling ko na sana hindi nga sila yun. Dahil ayokong nagaaway ang mga taong importante sakin.
Nakikipaggitgitan,tulakan na ako para lang makapunta sa kanila pero nagulat ako ng makita ko sila na nagpapalitan ng suntok. parehas palaban parehas ayaw magpatalo.
Kaya naman pumagitna na ako. Mukhang nagulat naman sila sa ginawa ko.
Kaya agad kong hinatak si Drake.
"Elena! Saglit lang!!" Narinig kong sabi ni Red pero hindi ko na siya pinansin magpapaliwanag nalang ako mamaya.Mas mahalaga si Drake ngaun.Nagdudugo kase yung sa ibaba ng labi niya.
Bigla siyang huminto at tinabig ng malakas yung kamay ko
"Bat kaba nangingielam ha?!!Papansin masyado tch" Mangiyak ngiyak na ako ng sinabi nya yun.Aalis na sana sya ng bigla kong hawakan yung kamay niya
"Kaya ko lang naman ginawa yun. dahil gusto kita drake at nagaalala ako sayo" Pinipilit kong wag tumulo ang luha ko.
"So?! Wala akong pakealam. Get Lost!!!!" Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil kusa na itong bumagsak.At iniwan nya na akong nagiisa
Grabe ang sakit :( :( :( Hindi to ang inaasahan ko.Dahil sa kauna-unahang pagtatapat ko eto pa ang nangyari.
Para akong zombie na naglalakad bukod kase sa gulogulo na ang buhok ko. Namamaga pa yung mata ko.Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mapahinto ako sa isang convenience store.
Pumasok ako sa loob para tumingin kung anong makakain kahit wala nman akong ganang kumain.
Bumili lang ako ng noodles.Kase gusto kong mahimasmasan.Mainit na sabaw lang naman ang nakakapagpagaan ng loob ko.
*Ringg Ring Ringg
Napaso yung dila ko sa gulat dahil nagring yung phone ko. Bwisit naman ohh -_-
Ang init init ng sabaw napaso tuloy akoo . Masakit na nga puso ko pati ba nman dila koo -_-
Tinignan ko kung sino yung tumatawag.
Si ashley.Malamang importante sasabihin neto hindi naman tatawag to kung hindi mahalaga eh.
"Oh baket?Problema mo ha?"
"Pedeng magHELLO? Bastos ka talaga"
"Sorry naman. Bakit ba?"
"Nandto si lolo kakausapin ka daw"
BINABASA MO ANG
What?! My Fiance??
Roman pour AdolescentsAnong mangyayari kapag pinakasalan mo ang lalaking simula pagkabata palang ay Mortal mo ng kaaway ?