Clarissa

17 1 0
                                    

"Sorry, late ako Alex. Hihi." Nag-aga na nga ako ng punta sa school, nalate padin ako dito sa IP. Anak ng tupa naman oo. Tsktsk.

"Okay lang. 5minutes lang naman. Tara na dito. Ayusin natin yung chart... Siya nga pala eto si Clarissa, yung kulang samin kahapon." Uy, dumating na pala yung absent kahapon.

"Hi, ako si Juls." Ngiting aso, ngiting aso.

"Hi, Clarissa pala." Ang lambing ng boses. Infairness, maganda si Clarissa, parang up one level lang sakanya si Nicole. Maganda din yung mata niya, mejo singkit. Yung kutis, tsaka sa tingin ko... Mas sexy siya kesa kay Samantha Nicole! Haha.

"Nice to meet you." Ngising aso nanaman.

"Nga pala si Gracy nasan?" Tanong ni Lynn.

"Padating na siya, naghugas lang daw ng kamay sa CR." Haaay, Gracy. Lagi na lang.

"Sorry! Late ako." Speaking of the devil. Hmmm.

"Oh andyan ka na pala, tara, tapusin na natin 'to para makapasok na tayo sa susunod na klase."Alex said. Hindi ko alam kung nao-awkwardan siya sakin pero bakit panay ang tingin sakin nito ni Clarissa? Yung tipo ng tingin na panakaw tapos pag tinignan mo siya eh, mahihiya tapos titingin sa iba. Haha. Ano kayang meron? Baka may dumi ako sa mukha? May kulangot? Muta?

"Haaaayy, salamat! Tapos na tayo!" Sabi no Lynn. Ha? Tapos na? Eh nasan si Nicole?

"Natapos na natin kaagad. Ayos. Pero si Nicole, bakit parang hindi dumating." Tanong ko.

"Anung parang, hindi talaga siya dumating bungog. Hahahaha." Baliw ka talaga Gracy. Tsk.

"May pinuntahan siya eh. Di rin yata papasok sa klase niya mamaya." Dagdag ni Clarissa. Wow. Nagsalita din siya.

"All right. Let's wrap this up and let's go." Alex said. English eh. Haha.

Hindi ko na napansin na hindi dumating si Nicole ngayon, dahil sa kanina pa naming pagtitinginan ni Clarissa, medyo nacoconcious na nga ako, kaya dumiretso ako sa CR at tumingin sa salamin. Wala naman. Pogi pa rin naman. Walang dungis sa mukha.

"Hmmmm. Bakit kaya?" Tanong ko sa sarili ko.

Paglabas ko sa CR. Nandun si Clarissa. Nakatayong naghihintay sa labas. Tayong conservative, yung parang pang Maria Ozawa, errr, Maria Clara pala. Hihihi.

"Clarissa, o'bat ka nandito." Tanong ko.

"Eto oh, naiwan mo." Malumanay talaga ang boses niya, sabay abot mg panyo ko na naiwan ko pala sa SciLab.

"Uy, salamat ha? Di ko napansin. Hihi."

"Okay lang. May klase ka pa ba?" Tanong niya.

"Ah, wala na. Wala akong pasok kapag Tuesday, yung IP lang sinadya ko dito. Eh ikaw?"

"Wala na din, wala din kasi akong pasok kapag Tuesday." Parehas pala kami. Anung oras na ba? Hmmmm. 1:20. Ilang minuto na lang rehearsal na namin.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Haha, wala nga eh. Baka umuwi na lang ako."

"Ayyy. Nakakatamad yann. Ganto na lang! Sama ka sakin ngayon." Wala naman siyang gagawin, baka pwede namang isama ko na lang siya sa rehearsal. Tsaka para makilala ko pa siya lalo.

"Saan naman?" Tanong niya, yung tanong na parang nahihiya. Look away question.

"May rehearsal kasi ang banda ko ngayon. Diyan lang sa malapit. Bahay ng kabanda ko. Ano G ka?"

"Sigi. Tara. Wala naman akong gaawin sa bahay eh. Hihihi." Bakit parang ang gaan ng loob ko dito sa babaeng 'to. Haha. Ambait kasi ng itsura, ng pagsasalita niya Sana si Nicole. Ganito.

Naglalakad kami papunta sa bahay nila Boogie. All good lang naman kay Clarissa. Sa itsura kasi niya parang hindi siya papayag maglakad sa ganitong sikat ng araw. Parehas sila ni Nicole. Mukhang mayaman. Mga mukhang anak ng executives o ng CEO ng isang kompanya.

"Oh nandito na tayo. Ring mo na yung doorbell." Sabi ko kay Clarissa.

"Eh ba't ako? Ikaw na. Haha."

"Sige na, di ka naman kakainin nyan eh." Bandang huli ako pa rin ang nag doorbell.

"Boogie!" Sigaw ko. Halos 15minutes na kami dito sa labas. Badtrip.

"Oy pare! Sorry, nasa CR ako. Tuloy kayo!" Sigaw ni boogie.

Sa wakas. Napagbuksan din kami. Buti na lang airconditioned ang bahay ni Boogie. Mejo rich kid nga kasi.

"Man, si Clarissa. Schoolmate ko." Pagpapakilala ko kay Boogie.

"Uy hi. Kamusta. Boogie pala." Introduction naman ni Boogie. Si Clarissa, mejo natawa nung nagpakilala si Boogie. Ewan kung bakit.

"Oh bat ka tumatawa diyan? Baliw ka na?" Sabi ko sa kanya. Inilapit niya yung mukha niya sa tenga ko, tapos may binulong.

"Natatawa kasi ako sa pangalan niya. Boogie. Hahahaha." Sabagay. Ganyan din reaksyon ko nung una kong nakilala si Boogs. Ballroom dancer naman kasi ata nanay at tatay neto, ewan ko ba.

"Baliw ka talaga." Sabay tawa niya ulit.

"Ano daw yon?" Tanong ni boogs.

"Wala, yung nadaanan namin kanina." Depensa ko.

Tinitignan kami ni Boogie na para bang nag sususpetsiya siya na siya yung pinagtatawanan namin. Haha.

Maya maya, nagsidatingan na sila MJ, Marko at si Jacob.

"MJ, Condolence brad. Kamusta probinsya?" Tanong ni Boogie.

"Okay lang man. Mejo malungkot."

Mejo matagal din naming di nakita si MJ. Kaya ayun. Konting kwentuhan lang. Introduction, pinakilala ko si Clarissa. Tapos rehearsal!

Di ko maintindihan pero sa bawat tingin ko kay Clarissa, hindi ko maiwasang maikumpara siya kay Nicole. Masasabi ko namang hindi ako nagkakagusto sa kanya, kasi ibang ibang ibang ibang iba yung naramdaman ko nun kay Nicole. TL daw yata yun brad! Hihi.

"Clarissa, bukas, punta ka ha. Panoorin mo kami. Magsama ka na rin ng mga kaibigan mo." Pagyaya ni Boogie.

"Sige. Ang gagaling niyo pala tumugtog. Punta ako bukas." Sabi ni Clarissa.

"Nice, sigi. Disperse na tayo. Takits na lang bukas."

"Juls! Teka." Oh anyare Jacob?

"Man?" Tanong ko.

" Ahh, kase... Ano sanaa.." Utal utal si gago.

"Ano yun?" Bago 'to ah. Parang may kakaiba kay Jacob.

"Lakad mo naman ako kay Clarissa." Haaaaaaaaaaaaaaa!?!! Hahaha. Komedyante pala to eh.

"Hahahahahaha! Brad alam mong wala akong alam sa ganyan. Diskartehan mo na lang mag isa. Kaya mo yan man!" Totoo naman eh, olats ako sa panliligaw.

"Osige, pero ganito na lang gawin mo, pabanguhin mo yung pangalan ko sakanya ha? Para magustuhan niya ako. Haha." Haaaaayy, Jacob baliw.

"Sige brad, hatid ko pa 'to. Wag ka magselos ha? Hahahaha. Si Jacob binata na! Haha." Pangaasar ko.

" Baliw. Sige boy. Clarissa! Ingat!" Sus  gentleman kunware. Hihi.

"Sigi, bye."

Sumakay na kami ng FX kasi medyo malayo daw yung bahay ni Clarissa. Pagdating namin dun. Waaaaaaaaaaaahh. Ang laking bahay nila. Mansion!

"Ang laki ng bahay niyo! Wow!" Sa pagkamangha. Jaw dropped like shit.

"Sa Auntie ko yan. Nasa ibang bansa kasi nanay at tatay ko kaya dito muna ako." Paliwanag niya.

"Kahit na, mala-mansion pa rin yan dude."

"Hahahaha. Oo na, sigi na. Oh pano? Bukas na lang?"

" Sigi. Bye. Bukas punta ka ha."

"Okay sige. Ingat ka Juls. Salamat!"

Your Words, My Lyrics.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon