You Only Live Once

19 2 0
                                    

~

Napanaginipan ko nanaman yung weirdong panaginip nayun. Kaso putol nanaman. May ibig sabihin kaya yun?

8:30am. Wednesday.

May pasok pala ako ngayon. Tinext ko si Alex, para magtanong kung may meet-up ang mga IP members ngayon...

"Wala, pahinga muna tayo. Natapos na din naman natin yung chart."

Reply niya.

Di ko alam kung malulungkot ako o matutuwa dahil walang IP ngayon. Tsk. Di ko kasi makikita si Nicole. Dalawang araw ko na siyang halos di nakita.

SYSTEM NUMBER 2:

"Buang! Sa Bradley din nagaaral yun. Sa school mo! Makikita mo siya pag hinanap moooo!! HAUNT! Bwahaha."

Hmmmmmm. May point! Oo nga! Di naman kalayuan yung room ng mga tourism samin. Bwahaha. Makikita ko siya mamaya.

"Juls!" Uy! Si MJ. Balik eskwela na pala siya galing probinsya.

"Man! Sabay na tayo."

"Haha, isang linggo din akong nawala ahh, nakamiss."

"Oo nga Mj. Namimiss ka na din ni Gracy! Hahahaha!" Si MJ, Ang first and only love ni Gracy. Mahaaaal na mahal ni Gracy si Mj kahit todo deny siya sa feelings. Para sakin sila ang pinaka-cute na loveteam dito. Hihi.

"Miss ko na din naman yunneh. May pasok siya ngayon diba?"

"Oo meron, text ko?"

"De, ako na lang. Para magulat siya. Hihi."

"So... Mahal mo na talaga? Hahaha." Yiiee, binata nadin si MJ. Lumalandi na!

"Di ah! Hanggang friends lang talaga kami!" Sus, choosy pa'to. Maganda naman si Gracy ah!

"Utut mo. Mamaya boy, kita kits nalang. Pasok  na ako. Haha."

Papasok na sana ako sa room, nang marealize kong nauuhaw pala ako. Haha. Punta muna akong drinking fountain, maaga pa naman.

Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad nang nakita ko si Nicole. Hihihi! Jaaackpooot men! Nakatayo siya sa harap ng coke vending machine, inaantay yata mahulog yung coke niya. Unti unti akong lumapit, kunwari sa coke din ako uhaw, hindi sa tubig. Hihi.

"Nicoke, errr Nicole!" Pagbati ko.

"Hi." As usuaaaaaaaaaal.

"Kamusta? May IP ba tayo ngayon?" May maitanong lang.

"Meron daw eh. Sabi ni Alex. Hmm." Whoa!! Sabay ngiti niya. Nakakatunaw talaga. Hihi. Eh akala ko wala?

"Ah, meron ba? Anung oras daw?" Ang sabi ni Alex wala. Hmmm.

"Mamayang 10am?" Tsk. May pasok ako! Badtrip.

"Pupunta ka?"

"Oo, ayoko pumasok ng Hygiene. Di ko na kailangan nun. Haha." Whoaaa! Tumawa siya!!

"Hahaha. Tama ka diyan. Di na talaga." Badtrippppp. May pasok ako. Para tuloy gusto ko nang mag-cut. -_-

"Shit, di pa din lumalabas yung coke ko." Ngayon humibi naman siya, parang bata! Ang kyoooooooooot! Pwede na akong mamatay ngayon! Pwede na talaga!!

"Ganto lang yan. Wait. Tabi ka muna." Pagmamayabang ko. Haha. Tatry kong gawin yung mga napapanood ko sa mga movies na dudunggulin lang ng konti yung vending machine may malalaglag nang coke. Sana gumana. Fingers crossed. Pogi ko kapag gumana 'to. Hihihi.

*Blagaaaag!*

"Ayan, nalaglag na! Hihi." Yeeeeesssssss! Gumana! Haha!

"Uy! Thankyou!" Yung ngiti niya talagaaaaaaaaa. Haaaaayy.

Your Words, My Lyrics.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon