Malalang Hypnotismo

24 2 0
                                    

5:00pm na nang makauwi ako ng bahay. Anak ng!?! Wala nanamang tao? San kaya pumupunta yun si Nanay at si Tatay. Nag date siguro. Nandun siguro yun sa Sine, nagsusubuan ng popcorn. Haaaayyy. Ayoko kasing naiiwan ako sa bahay ng mag isa. Ewan ko kung bakit. Duwag yata.

Habang kumakain ako, katext ko si Clarissa. Miski sa text napakabait niya. Yung genre niya sa music ang pinaguusapan namin. Pop/rock, Alt. Rock. Punk/Rock pala mga tipo niyang tugtugan. Pero minsan nakikinig din siya ng klase ng tugtugan ko, impluwensiya daw ng pinsan niya.

Pagkatapos ko kumain, nagpaalam na muna ako kay Clarissa, maliligo muna kamo. Pero imblis na maligo. Nag open muna ako ng Facebook. Hmmmmmm. Ano kayang bago? 12 Notifs, 2 friend requests. Mga notifs muna tingnan ko, karamihan, mga likers sa page ng FiveNinety. Yung iba mga invitation sa application slash games.

Ayaw ko pa sanang i open yung friend requests ko dahil gusto ko na munang maligo. Pero..... What the hell. Iopen ko na muna.

Whaaaaaaaaaat the Efffffffff?!? Do my eyes deceive me? Prank ba ito? Wahahahaha. Hindi ako makapaniwala na si Samantha Nicole Valdes, nasa friend request ko! Bukod sa kanya nagrequest din si Clarissa. Grabe ang ngiti ko ngayon, abot hanggang kisame ng bahay. Daig pa yung ngiti ni Joker sa The Dark Knight. Di ko alam pero para akong lalagnatin sa tuwa. Haha. Gay talaga.

Isinantabi ko muna yung request ni Clarissa, at dali daling inaccept si Nicole. Pagka-add na pag ka-add ko sa kanya. May nag message saakin. Palagay ko siya yun. Nag TFTA siguro.

"Thanks." Antipid naman neto 'for the add' na lang ang idadagdag, tinipid pa.

"Akala ko ba ayaw mong i-add kita?" Sungit sungitaaaaaaaan!

"Ayoko nga."

"Oh eh, bakit mo ako inadd?"

"Kaya nga ako ang nag request sa'yo eh kasi ayokong ikaw ang magadd sakin." Pilosopo. Pero may katwiran.

"Ahh. Bakit ka wala kanina?" Oo nga, bakit ba siya wala?

" May pinuntahan ako."

"Saan?"

"Ano bang pakialam mo?" Hahahaha! Barado aketch. Ang sungit nanaman niya.

"Ahh. Okay. Next time punta ka na ah."

Typing......

Antagal naman neto magtype, mahaba yata yung sasabihin. 5minutes na. Hmmmmmm. Intayin ko pa ng konti. Tumungo ako sa harap ng Mac dekstop ko sa kwarto, nung una nagfifinger-tapping pa ako, pero maya maya, at eto nakatulog na ako kakaintay.

~

Isang madilim na gabi. Tumutugtog ang banda ko sa PitchStop. May mini moshpit, may mini wall of death. Masaya ang crowd. Tinutugtog namin yung dalawa naming bagong kanta. "Kami po ang bandang FIVENINETY! Last Song po!" Last song, cover song siya. Todo headbang. Todo rakrakan. Sa gitna ng pag kanta ko naka aninag ako ng kakaibang liwanag sa audience, sa gitna ng moshpit. Yung parang liwanag nubg una kong nakita si Nicole. Papalapit ng papalapit. Sabay may bumulong na... "Paboritong kanta ko yan... Ever." Sabay naglaho yung liwanag. Kasabay nun naramdaman kong kinakalabit ako ng tatay ko mula sa pagkakatungo sa harap ng computer .

"Juls, magdamit ka nga. Mapupulmon ka niyan. Dun ka sa kama mo." Kadadating lang yata nila, nakabihis pang alis pa eh.

"Dad, anong oras na po?" Nakatulog yata ako ng mahaba sa harap ng PC.

"It's ten in the evening. Get dressed. Matulog ka na."

"Opo." Mahaba-haba din pala ang tulog ko dito, may four hours din. Ayyyy! Iniintay ko nga pala yung reply ni Nicole! Ginalaw ko yung mouse ng PC at umilaw yung monitor, may reply na siyaaaaa!

"Goodight! :*"

May emoticon ng kiss?! Waaaaahh! Sobrang sayaaaa. Haha. Halos magwala na ako sa sobrang galak. Namumula ang mukha ko, nanlalambot tuhod ko, hindi ako makatayo, hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, di ako makapag-isip, shit, grabe ang epekto. Isang simpleng emoticon lang mula kay Nicole kaya na akong iparalyze ng ganito. Gusto kong sumigaw, pero walang lumalabas na boses. Hanggang, maya maya, lumabas din yung sigaw ko! "Waaaaaaaaaaaaaaahh!?!?!" Mga 3seconds na scream out loud!

"Juls! Shut up. Natutulog na kami!" Ayy, tulog na pala sila.

"Sorry!"

Kasalukuyang tumutugtog sa loob ng utak at ulo ko ang kantang 'I can't smile without you' ni Barry Manilow. Habang nakahimlay ako sa higaan. Iniisip ko si Nicole. Ano kayang ibig sabihin nun? May parte sa sistema ko na nag sasabi, 'wala lang yooon, malamang pag naggu-goodnight yun, laging included yung emoticon na yun.' Ang nega naman nitong System Number 1 ko. Tumigil tuloy yung kanta sa ulo ko. Tsktsk. Ayan at umentra ba si System Number 2. 'Diba? Sabi sa'yo eh. Makukuha mo rin kiliti nyan. Just do the right moves.' Ehehehehe. Why do i always get the feel na manyak yung system 2 ko? Hahahahahahahahhaa. Weird.

Si Samatha Nicole Valdes. Tourism Student. Estimated 5'6 sa height. Maganda ang hubog ng katawan, saktong sakto lang sa edad namin. Short haired, fair skin. Soft lips. Mapungay na mga mata. Nakakasilaw na ngiti. Grabe, ang lakas ng tama ko. Hahahaha. Shabu pa bh3. Anung oras na, pero di pa rin ako matulog. Patay ako sa Major ko neto bukas.

Open PC. Stalk, stalk, stalk.

Wall, Photos, About, Groups, Likes, Sports. Lahat ng sulok ng facebook ni Nicole hinalungkat ko. Hindi siya gaanong nagpopost ng photos, o kahit naga-update ng status. Bihira lang. Nag download ako ng mga anim na pinaka-magaganda niyang pictures at sinave sa iPod, iTouch tska sa Smartphone ko. Hihi. Mai-wallpaper nga. Hahahahahaha.

Konti lang ang nakalagay sa about section niya. She was from Centro Escolar, and recently lang siya nagtransfer sa Bradley International.

Ayyy! Nalimutan ko yung request ni

Clarissa! Tsktsk!

Your Words, My Lyrics.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon