You Only Live Once (Part II)

12 1 0
                                    

"Bakit gusto mo baguhin?"

"Di ko alam Boogie eh, parang hindi ko kasi ramdam yung last song naten."

"Eh di natin praktisado yun!"

"Oo nga Juls." Dagdag ni Marko.

"Pero, kaylangan pa ba praktisin yun? Haha! Gamay na gamay na natin yunneh!" Pagmamayabang ni MJ.

Sus, kasi nandyan si Gracy! Hahahahaha. Pa impress ka pa.

"Sabagay, oo gamay na gamay na nga naten. Mahirap yung piyesa, komplikado, pero high school pa lang, tinutugtog na natin yan eh." Paliwanag ni Jacob.

"So... Ano? Payag na kayo? Ikaw Boogie?"

"Eh parang sang-ayon na kayo lahat eh. May magagawa pa ba ako? Haha. G!"

"All good. Ayos. Salamat mga man."

Ayos! All set ang plano ng kahibangan. Haha.

10:30pm.

"Wala pa din si Clarissa." Nakahibi si Jacob. Nalulungkot talaga.

"Oh eto number, text mo."

"Ikaw na magtext Juls! Di tama yung ibibigay mo sakin yung number niya."

Sus, pakipot.

"FIVENINETY! Next set na kayo!!"

Sabi ng Prod staff. Next na pala kami.

"Text mo na si Clarissa!"

Imblis na itext tinawagan ko na lang si Clarissa. Ilang minuto na lang kasi, set na namin.

"Clarissa!? Hello?!"

"Juls! Padating na kami!"

"Kami? May kasama ka nga?"

"Oo, pinsan ko. Ayaw pa nga sumama eh, kaya natagalan. Sorry. Sumalang na ba kayo?"  Tanong niya.

"Di pa. Pero next na. Dalian niyo! Ingat. Hi daw pala sabi ni Jacob. Haha."

"Sige. Bye. See you later."

Hahahahaha. 'Hi daw sabi ni Jacob.' Hahaha.

"Huy! Bat mo sinabi yun. Makakahalata yan eh." Hahahaha. Asar talo!

" Okay lang yun, wala naman akong sinabi. 'Hi' lang."

"FIVENINETY! Tara dito! Huddle!" Opo! Boss Boogie Ransid!

"Ibigay niyo lahat. Special event ng PitchStop 'to. Para sa Loyalty nila, sa pagkupkop sa banda. Give your best!" Dapat ako nagsasabi ng mga yan eh. Ako kasi ang Vocalist! Hmp.

"Game!"

"G!"

"Goodluck!"

Kanya kanyang sigaw ang magbabanda, pampawala ng kaba. Actually ako, mejo nararamdaman ko na ang kaba, pero hindi ako natatakot. Alam ko kasi kapag akyat ko sa stage, mawawala na ito. Sana lang wag pumalya boses ko.

Umakyat na ang banda sa stage. Si Marko, sunod si Jacob, si Mj, tapos si Boogie. Tinugtog nila yung Soundcheck namin. Pag ganito hindi muna ako pumapasok. After na ng soundcheck ang grand entrance ko.

Wow. Ang ingay ng crowd. Kilala nila kami. Sabagay, mejo maingay na din pangalan ng banda sa underground scene.

Hinga ng malalim! Takbo sa gitna ng stage! Kuhain ang mic!

"Magandang gabi po sainyo, kami ang bandang FiveNinetyyyyyyyyyy!"

Sabay sigaw ng madla.

"Happy 4rth anniv sa PitchStop, dapat lahat tayo masaya! First song.... title nito, IN DIVINE!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Words, My Lyrics.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon