Chapter 5

6.5K 202 7
                                    


A/N :
         Please vote and like po para malaman ko kung may nagbabasa ba
nang story ko . Kamsahamnida 😘😘Oloy

                     Daphnie's POV

   Pinilit ko talagang pinapauwi si Adrian kahit na labag ito sa kalooban niya .
Hindi naman ito pwedeng tumambay sa apartment ko dahil sa landlady namin.
Naglakad na ako patungo sa apartment ko . Hindi ko alam pero kinakabahan  ako.
Habang nagluluto ako biglang tumawag si Nanay Rose dinampot ko agad ang aking cellphone  .

" Nay , bakit po kayo napatawag?tanong ko kay nanay . Nanlamig bigla ang kamay ko . Pakiramdam ko may masamang nangyari.

"Anak , patawarin mo kami hindi namin nabantayan nang maayos si Nathalie. Ni lagnat siya anak . Pang anim na araw na namin dito sa hospital. Ayaw sana naming sabihin sayo pero lumala na Ang Akala naming lagnat lang  . Patawarin mo  kami anak " umiiyak na sabi ni Nanay . Ramdam ko ang labis niyang pagsisisi sa kanyang sarili 

" Papunta na po ako diyan nay , text niyo na Lang ang address nang ospital ." Sabi ko kay Nanay habang nagliligpit nang Mga gamit  .

Kailangan  kong makapunta agad dahil nakasalalay ang buhay nang anak KO .
Pag may nangyaring masama sa anak ko hindi ko mapapatawd ang sarili ko.
Ako ang ina ako dapat ang magbabantay sa kanya pero wala .
Pinasa ko ang responsibilidad ko sa magulang KO .
Sumakay agad ako ng taxi papunta sa address na tinext ni Nanay . Pagdating ko doon ay ang doktor agad ang hinahanap KO .

"Dok , kumusta po ang anak ko?"kinakabahan kong tanong sa doktor. Ang lakas ng kaba nang aking dibdib
" Sad to say Misis, lumala na talaga na ang lagnat nang anak niyo. Naging dengue na , kailangan na talaga nang blood donor at isa napakahirap hanapin ang klase ng dugo ng anak niyo . " mahabang paliwanag ng doktor
"Ako dok , handa akong magbawas ng dugo para sa anak KO ."desperada kong sabi sa doktor
" Type AB ang pasyente misis napaka rare na yon. Wala na kaming stock para sa Mga type AB . Kung hindi kayo mag ka match sa anak niyo pwede naman ang ama ng bata ang kukunan natin ng dugo ." Sabi ng doktor, ang lakas ng pintig ng aking puso.

Hindi ko alam ang gagawin ko . Kung si Adrian ang magsasalin nang dugo ay malalaman niya na may anak kami .
Paano kung kukunin niya ito sa akin ?
Paano kung tanggalan nila ako nang karapatan bilang ina ?
Hindi ko kakayanin kung ganon.
Pero ang anak ko. Paano na lang ang anak ko . Ang kaligtasan niya , uunahin ko ba ang nararamdaman ko o ang kaligtasan ng anak ko.

Hindi ako pumasok sa trabaho dahil binabantayan ko ang anak ko.
Umuwi kasi si Nanay para kumuha ng iilang mga damit. Nag isip isip ako kung ano ang dapat kong gawin ng biglang pumasok si Nanay Rose dala ang mga gamit na kinuha niya sa bahay namin.

" Ano na ang plano mo Daphnie para kay Nathalie?  Panahon na sigurong malaman ni Adrian na may anak kayo . Hindi naman pwede nating hintayin ang mag dodonate ng dugo para kay Nathalie abutin tayo ng siyam siyam kung ganon. " paliwanag ni Nanay sa akin 

"Yun na nga Nay eh pag iisipan ko pa,  panahon na sigurong ipapagamit ko kay Nathalie ang apelyedo ng kanyang ama . Hindi naman pwedeng habang buhay kong itatago kay Nathalie ."sabi ko kay Nanay Rose.

"Mama, ano pong kailangan kong malaman."sabi ni Nathalie
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Nathalie dahil nag aalinlangan pa ako baka magalit ito sa akin .

"Baby , sasabihin ko sayo kapag magaling kana okay . Ma worry kasi si Mommy pag hindi ka pa magaling . Okay ba yon ?"sabi ko kay Nathalie matalino ang anak ko at alam kong maiintindihan niya ako .

"Okay,Kailan ba ako makakalabas dito mama ?"tanong ni Nathalie
"Pag nakahanap na ng dugo si mama . Promise gagawin lahat ni mama para sa baby ko kasi love na love ko si baby.
I love you baby."maluha luha kong sabi kay Nathalie

                   Adrian's POV

Maaga akong pumasok sa trabaho dahil excited na akong makita si Daphnie. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa tuwing magtatagpo kami .

Late na naman siguro si Daphnie dahil 8 na nang umaga at hindi pa ito dumarating. Hindi naman ganito ka late si Daphnie.
Nag alala na ako baka merong nangyaring masama sa kanya kagabi ang dami kayang tambay don  .
Nag half day ako at pumunta sa apartment niya .
    Pagdating ko doon hindi ko inaasahan ang balitang natanggap ko...

A/N:
         Abangan sa next Chapter.
            Lovelots Oloy 😘😘

A Wife's  Secret Where stories live. Discover now