Chapter 8

6.1K 105 2
                                    


                        Adrian's POV

Kinabukasan, ay nagpunta kaagad ako kina Daphnie dahil namimiss ko na ang anak ko . Mamaya na lang ako papasok sa trabaho dahil kung pwede lang sanang umabsent ulit ay ginawa ko na,  kaso ang dami ng nakatambak na paper works hindi naman yata pwedeng i asa na lang sa sekretarya ko ang lahat .
Nag doorbell kaagad ako at si Daphnie ang nagbukas ng pinto ng naka night dress lang , kagigising pa lang siguro ni Daphnie.
"Bakit ganyan ang suot mo? Paano na lang kong rapist ang napagbuksan mo?"galit kong sabi kay Daphnie
Hindi ko alam at bigla na lang uminit ang ulo ko ng makita ang suot niya .
"Oh , nandito ka pala,si Nathalie ba ang hanap mo?"casual na sabi ni Nathalie
Hindi ko alam kong maiinis ako sa sagot niya .
Pinapasok niya ako sa kanila at pinaupo sa sofa na naroon.
" Diyan ka lang magbibihis lang ako sa itaas hintayin mo ako diyan."sabi ni Daphnie at umakyat na sa taas.

                
                        Daphnie's POV

Hindi ko inaasahan ang maging bisita ko ng umagang iyon . Ang aga naman ni Adrian na pumunta dito . Nakakahiya nakita niya ang suot kong night dress hindi pa man ako nagsuot ng bra. Matapos kung maligo at nagbihis ay bumaba na ako at nadatnan ko si Adrian na binuklat ang album na puro picture namin ni Nathalie. Nagtaas siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin .

"I'm sorry kung nakialam ako wala kasi akong ibang magawa habang naliligo ka at pagtingin ko sa ilalim ng center  table ay may album akong nakita and curiosity push me ."mahabang sabi ni Adrian
"Its okay, you have the rights to see that but please don't take my daughter away from me . Ikamamatay ko yon . Pwede naman tayong maging magulang sa kanya ng hindi kailangang magsama sa isang bahay."sabi ko kay Adrian habang siya ay nakatingin ng malalim sa akin.
"Ikaw kung yan ang gusto mo. Basta pwede ko siyang ilabas kasama ko kung kailan ko gusto."sabi ni Adrian sa kin .
"Why don't we set a schedule kung sino ang mag aalaga kay Nathalie . Ikaw sa Lunes hanggang sa Miyerkules at ako naman sa Huwebes hanggang linggo . Okay ba yon sayo ?"sabi ko kay Adrian
Napagkasunduan na namin ni Adrian ang paghahati sa pag aalaga kay Nathalie . Masasanay rin ako at isa pa kampante ako sa pangangalaga ng kanyang ama.
Tumingin- tingin siya sa picture ng bigla siyang nagtanong sa kin .
"Ito ba ang first birthday niya ?" tumingin ako sa tinuro niya at naalala ko ang unang birthday niya
"Oo, ito din yung kanyang unang salita. At alam mo ba kong ano ang kanyang unang salita? Sabi niya P-ap-a at pumalakpak pa . Papa ang unang lumabas na salita sa bibig niya." sabi ko kay Adrian at tiningnan ko siya habang nagpupunas ng luha
"I wish I was there when she say it . Ano kaya ang pakiramdan ng ako mismo ang nakarinig. Base kasi sa kwento mo ang saya saya ni Nathalie ng sabihin niya yon." sabi ni Adrian na ngayon ay umiiyak na
"Hindi mo man nasubaybayan ang paglaki niya ipangako mo na lang na babawi ka sa kanya." sabi ko sa kanya .

Hindi namin namalayan na inabot kami ng apat na oras sa pakipag kwentuhan namin. Namalayan na lang namin ng nagising na si Nathalie at umiiyak na hinahanap ako kahit na nandun  naman si Nanay Rose .

" Umiiyak at hinahanap ka" sabi ni Nanay Rose habang kalong niya si Nathalie.
"Dadddyyyyy, you're here." sigaw ni  Nathalie at tumakbo papunta sa daddy niya . Ngayon ko lang nakita si Nathalie na sobrang saya . Makikita mo talaga sa kanyang mukha .
"Dahan - dahan lang sa pagtakbo baka madapa ka" sabi ni Adrian at sinalubong ng yakap.
Umalis muna ako at nagpunta sa kusina para magluto ng agahan.
"Kung meron man kayong kailangang pag- usapan ay gawin nyo na dahil maapektuhan ang bata . Sinabi ko sa yo to bilang ina dahil ang bata pa ni Nathalie para masaktan."sabi ni Nanay Rose, nakalapit na pala siya hindi ko man lang naramdaman.
Mabuti na lang at dumito muna si Nanay para may makaalaga kay Nathalie habang may trabaho ako. Si Tatay Jordan muna ang nag iisa sa bahay namin sa probinsya . Malapit naring uuwi si Nanay sa probinsya kung gagaling na ng tuluyan si Nathalie.
Tinawag na namin ang mag-ama para kumain.

A Wife's  Secret Where stories live. Discover now