Chapter 7

6.3K 134 4
                                        

                      Daphnie's POV

"Pwede bang paglabas mo na lang baby at sasabihin ko sayo lahat ,Okay ba yon?"sabi ko sa anak ko habang papalapit ako sa kama niya .
"Okay po Mama" sabi ng anak ko
Nag uusap kaming tatlo ng biglang pumasok ang Doktor.
"Misis , nakahanda na ang mga gagamitin para sa blood transfer . Kayo na lang ang hinihintay sa Laboratory."pagbibigay impormasyon sa amin
"Baby, handa ka na ba?"tanong ko sa anak ko . Baka kasi matakot ito at biglang aayaw.
"Handa na ako Mama dahil gusto ko nang gumaling. I hate hospital so ayaw ko dito ."matapang na sagot ni Nathalie.
Hindi naman ako takot sa hospital , kanino kaya nagmana itong si Nathalie.?
Tiningnan ko si Adrian at alam ko na kung saan nagmana ang anak ko .
Sumabay kami sa doktor palabas at nagtungo sa Laboratory .

                        Adrian's POV

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang kausap ko ang anak ko. Ang gaan ng loob ko sa kanya . Maybe this is what they called "luksong dugo". Kahit ayaw ko sa hospital ay titiisin ko para sa anak ko.
Gusto ko nang hilahin ang oras para matapos na ito at makafocus na ako sa anak ko.
Pumasok kami sa Laboratory at napatingin ako sa kamay ni Daphnie na humawak sa kamay ko. Tiningnan ko at ngumiti siya para palakas loob .

Pinahiga kami sa magkabilang kama at kinunan na ako ng dugo . Sa buong durasyon ay nakatitig lang ako sa anak ko. Namana niya ang ilong ko,  sa mama naman niya ang hugis ng kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan nilang mag ina .
Wala ako sa tabi nila noong binyag at mga kaarawan ni Nathalie.

Pinapangako ko ngayon na nasa tabi lang nila ako palagi. Gagawin ko lahat makabawi man lang nila .
Matapos ang dalawang bag ng dugo na nakuha nila sa akin ay agad na nagpahinga  ako .
Sa sobrang dami ng dugo na nakuha ay nakatulog na ako. Pag gising ko ay natanaw ko si Daphnie na natutulog sa couch. Bumangon ako at ginising siya  para hindi siya mahirapan sa paghiga.
"Daph, lumipat ka dito sa kama  sumasakit na yang likod mo "sabi ko kay Daphnie. Dumilat siya at naramdaman ko na naman yong  feelings na matagal ko nang tinatago sa loob ng mahabang panahon.
"Adrian, Ikaw pala . Okay na ba ang pakiramdam mo?"tanong ni Daphnie sa akin
"Oo, mabuti na, Asan na pala si Nathalie?"tanong ko kay Daphnie
" Binabantayan ni Nay Rose natutulog pa kasi"sagot naman ni Daphnie sa akin
Sinamahan ako ni Daphnie patungo sa kwarto ng anak ko.
 
                    Daphnie's POV

Hindi pa namin napag-usapan ang namamagitan sa amin . Inuuna pa kasi namin si Nathalie . At hindi ko alam kung sino ang pinahawak sa kompanya niya .
Pagdating namin sa kwarto ni Nathalie ay gising na ito at kasalukuyang pinapakain ni Nanay .
" Okay na ba ang pakiramdam mo anak ?"tanong ko kay Nathalie  .
" Oo naman po Mama magaling na po ako . Mama pwede ko na bang malaman kong sino siya . Diba siya ang nag donate ng dalawang bag ng dugo para sa akin?"mahabang sabi ni Nathalie
Lumapit ako sa kinauupuan ni Nathalie.
"Baby wag kang magalit kay mama huh ? Siya yung papa mo. Hindi mo man sabihin na nangungulila ka sa kalinga ng isang ama ay alam kong malungkot ka. Patawarin mo ako anak."umiiyak kong sabi at niyakap ko si Nathalie
Lumapit si Adrian na hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Baby , a-ako ang daddy mo. I'm sorry kung matagal ko kayong nakita hindi sinasadya ni daddy . I'm sorry."umiiyak na sabi ni Adrian
Tumingin ako sa anak ko at nakita kong nakatulala ito . Hindi siguro ma process sa utak niya sa napaka mura niyang edad .
Maya -maya pa ay bigla itong yumakap sa ama nito at umiiyak.
"I miss you so much  daddy . Hindi naman ako galit sayo eh , alam ko pong may rason ka kung bakit po ang tagal mo kaming nahanap ni Mama . At ngayong nandito kana ay ipangako mong hindi mo na kami iiwan."sabi ng anak ko habang umiiyak at yumakap pa rin sa ama .
"Pangako baby hinding- hindi ko kayo iiwan."sabi ni Adrian

Nakita ko si Nanay Rose na nag pupunas ng luha habang nakamasid sa amin . Hindi man niya sabihin alam kong masaya siya para sa amin .
Matapos ang ma dramang pangyayari ay naghintay muna kami ng isang gabi bago ma discharge si Nathalie.
At sa gabing iyon din ay hindi na mahiwalay ang mag - ama .

Ngayon na kami pwedeng umuwi at nagliligpit na kami ng gamit . May pinuntahan pa si Adrian at babalik din iyon.

A/N:
       Sorry po kung maikli lang ang UD inaantok na kasi si okz. May trabaho pa po ako bukas at hindi po ako masyadong magpuyat. Yun lang po and thanks. Lovelots Oloy 😘😘

A Wife's  Secret Where stories live. Discover now