CHAPTER 3

16 3 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko. Nasaan ang mga magulang ko? Asan si Allyssa-yung kapatid ko? Bakit sobrang tahimik dito?

Tumayo ako sa kama na kinahihigaan ko. Nung nilibot ko ang mga mata ko napagtanto ko na nasa hospital ako. Anong ginagawa ko dito? Sumakit ang ulo ko ng may maalala. Naaksidente nga pala kami nila daddy. Pero nasaan sila?

May nakita akong damit na nakalagay sa couch. Siguro iniwan ito ni mommy o kaya ni Allyssa. Nagbihis muna ako bago lumabas pero laking gulat ko ng walang katao-tao sa loob ng hospital. Ano bang nangyayari dito?

May narinig akong kaluskos galing sa kabilang pasilyo ng hospital kaya pinuntahan ko ito. Bubuksan ko na sana ang bibig ko para magsalita ng makita ko kung ano ang ginagawa nila. Lahat sila binabalutan ng dugo sa katawan habang may kinakain ng kung ano. Aalis na sana ako ng may nadasig akong vase. Ang lakas ng impact ng pagkakabasag nito kaya sakin napunta ang atensyon nila.

Sabay-sabay silang tumingin sakin. Matatalim ang tingin at labas ang mga ngipin na may kasamang dugo. Ano sila? Bakit sila nagkakaganito? Iniwan nila ang pinagkakaabalahan nila para pumunta sa akin. Nung tiningnan ko kung ano yon isang tao na wala ng buhay pero laking gulat ko ng bumangon itong bigla. Oh My God!

Paatras ako ng paatras para makalayo sa kanila pero ang bilis nilang makalapit sakin kaya nagtatakbo na ako palabas ng hospital. Anong gagawin ko? Ano ba ang mga iyon? Ano bang nangyayari sa lugar na ito?

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi alintana na sinusundan nila ako. Iyak na ako ng iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Saan ako pupunta? Saan ako magtatago? May natitira pa bang katulad ko dito.

Hindi ko nakita ang nakatumbang poste sa harap ko kaya nadapa ako.

"Aray!" daing ko.

Nakita ko silang bumilis ang takbo papunta sakin. Naamoy yata nila ang dugo na lumabas sa binti ko. Tumayo ako pero natumba uli ako. Ano nang gagawin ko? Mamamatay na ba ako. Pumikit nalang ako ng ilang metro nalang ang pagitan nila sa akin. Bahala na kayo panginoon.

Naghintay ako ng ilang minuto pero walang sinuman sa tatlo ang lumapit sakin. Patay na ba ako? Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang lalaking nakatayo sa harap ko. May bahid din ng dugo ang buong katawan niya. Katulad ba siya ng humahabol sa akin? Tumingin siya sa gawi ko. At nagulat ako sa nakita ko. Magkaiba ang mata niya. Sa kanan katulad ng mata ng normal na tao,kulay brown ito pero ang kaliwang mata niya katulad ng mga mata na humahabol sakin kanina. Ano naman siya?

Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko pero hindi ko iyon hinawakan. May bahid din ng dugo ang kanyang mga kamay. Natatakot ako sa kanya. Baka isa rin siya sa kanila. Nagulat ako ng hawakan nalang niya bigla ang kamay ko at nagsimulang magtatakbo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Saan niya ako dadalhin?

"Sino ka? Anong nangyari sa lugar na ito? Isa ka ba sa kanila?" Imbis na sagutin ako tumakbo lang kami ng tumakbo. Hindi siya nagsasalita.

"Lahat na ba ng tao dito katulad ng nanghahabol satin?" Hindi parin siya sumasagot. Kaya tumahimik nalang ako at pasimpleng pinunasan ang mga luha na kumawala sa mata ko kanina. Akala ko kasi magiging katulad na din nila ako.

Tumingin ako sa likod namin at laking tuwa ko ng wala na yung humahabol sa amin. Nakita ko na din kung saan kami pupunta. Isa itong malaking bahay pero bahay pa ba kung tatawagin. Mali ako,isa itong mansyon. Dere-deretso kami pumasok sa loob ng mansyon. Pagkapasok namin tska lang niya binitawan ang kamay ko.

"RAIN! SINO YANG KASAMA MO?" Nagulat ako ng may sumigaw laging sa itaas. May hawak itong baril. Parehas kaming nakatingin sa babae na sumigaw kanina.

Virus in the City ➡️ HIATUS ⬅️Where stories live. Discover now