Chapter 5
"AHHHHHH—-" mabilis ang galaw ng kung sinong nasa loob ng kwartong pinasukan ko dahil mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at dali-dali akong hinila sa ilalim ng lamesa. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero mas malakas siya. Kasama ba 'to sa mga taong may virus? Mamamatay na ba ako ngayon? Lord please,gusto ko pa'ng makita ang pamilya ko.
"Hmm. Hmm." Alisin mo na ang kamay mo sa bibig ko! Hindi na ako makahinga.
"Shhh... Lower your f*cking voice,young lady. Naaamoy nila tayo." Halos magtayuan ang mga balahibo ko dahil sa malamig na boses niya. Who is he? I'll tried to calm myself. Nung ramdam kong ayos na ako,nag-okay sign ako sa kanya kaya tinanggal na niya ang kamay sa bibig ko. Lumingon ako para makita siya. Hindi ko makita ang mga mata niya. Natatakpan kasi ito ng buhok niyang mahaba. Napaatras ako ng ngumisi siya. Nakakakilabot ang ngiti niyang 'yon. Parang may masamang binabalak.
"W-who are you?" Nauutal kong tanong. Gusto kong umiwas ng tingin pero nakakahipnotismo ang mga tingin niya kahit pa natatabunan ito ng buhok niya. Magsasalita pa sana ako ng ilagay niya ang hintuturo sa aking labi. Napaatras pa ako sa ginawa niya pero mabilis niya akong kinabig para mayakap niya. Shit! Masyado siyang malapit. Hindi ako makahinga.
"I said don't talk! Mahahalata nilang may tao rito. Maghintay ka kapag nakalabas na sila." Naguluhan ako sa sinasabi niya. Alam pa ba ng mga ito kung paano magbukas ng pintuan? Niloloko ba ako ng lalaking 'to?!
"Paano sila makakalabas dito? Gumagana pa ba ang utak nila kahit pa naapektuhan na sila ng virus?" Bulong ko pabalik sa kanya. Nasaan na ba si Rain? Speaking of Rain,ano na kaya ang ginagawa niya sa labas ng kwartong ito? Akala ko ba susunod siya sa akin dito?! Pinag-aalala niya ako. Lalabas na sana ako ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.
"Ano bang ginagawa mo?! Gusto mo bang mapahamak?" Bulong pero may diing sabi niya. Ayokong magtagal dito. Paano kung may nangyari ng masama kay Rain? Hindi siya pwedeng maging katulad nila. Tutulungan pa niya akong mahanap ang aking pamilya.
"May kasama ako na nasa labas! Paano kung siya ang mapahamak? Hindi siya pwedeng maging katulad nila! Kaya please,hayaan mo na akong lumabas. Please ..." nanlaki aking mga mata ng yakapin niya ulit ako. Sh*t! Nanananching na siya. Mabilis ko siyang tinulak para makalayo sa katawan ko. At dahil sa lakas ko sa pagtulak sa kanya,natumba yung lamesang pinagtataguan namin. Patay! Mabilis nagsipaglingunan ang mga may virus sa pwesto namin. Nanginginig ako sa takot habang palapit sila ng palapit sa amin. Pumikit ako tsaka sumigaw.
"RAIN! TULUNGAN MO AKO!" Sa isang iglap,madahas na bumukas ang pintuan. Hinihingal na Rain ang nakita ko. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya kaso nagbago agad ang reaksyon niya ng makita ang lalaking nasa likuran ko.
"Allyna,halika ka na!" Tatakbo na sana ako ng may pumigil sa mga braso ko. Madilim na awra ang nakikita ko sa lalaking kasama ko kanina.
"Bitawan mo ako! Sasama na ako kay Rain!" Ngumisi siya tsaka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Lumingon ako kay Rain,pilit kong pinipigilan ang mga luha ko kaso ayaw nilang magpapigil. Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko,at sa isang iglap nakahawak na rin si Rain sa isa kong braso.
"F*ck! Let her go,asshole. Mamamatay tayong lahat kung hindi mo aalisin ang hawak mo sa braso niya" isa na namang nakakapanindig na ngisi ang pinakawalan ng lalaki. Dahan-dahan nitong binitawan ang braso ko pero lumipat 'yon sa kwelyo ni Rain.
"As you wish,my lil brother. As you wish. Allyna don't trust anyone even him."
Kahit nahila na ako ni Rain sa kanya,tulala parin ako habang tumatakbo kaming dalawa. Ano 'yon? May kapatid si Rain?! Bakit niya sinabing huwag akong magtiwala kahit kanino lalo na kay Rain? Ano bang totoo? Kailangan ko bang maghinala sa lalaking kasama ko ngayon? Tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang convenience store. Sobrang tahimik sa loob nito kaya pumasok kaming dalawa. Hapong-hapo ako habang nakaupo sa isang upuan. Naglibot-libot naman si Rain habang hawak parin ang kanyang baril. Nakita ko siyang huminto sa isang ref,puno ng mga inumin. Dahan-dahan siyang kumuha nang bottled water habang nakatingin sa gilid niya. Halatang-halata na maingat siya sa bawat galaw niya. Tumayo ako. Mabilis siyang lumingon para sumenyas na huwag akong lalapit sa kanya. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Hindi kaya mayroong tao sa gilid niya? Bawat hakbang niya hindi mo maririnig. Nakatapat ang hintuturo niya sa kanyang labi nang nakalapit siya sa'kin.
YOU ARE READING
Virus in the City ➡️ HIATUS ⬅️
Gizem / GerilimSome people change. They behavior,they lives and they didn't know whats going on their life. But one girl is different. She's never affect that called virus together with a girl scientist. One boy is affected but his behavior is half. Half virus and...