CHAPTER 6

18 1 1
                                    

Chapter 6

Bumuntong-hininga muna ako bago tumayo. Lumapit ako sa pintuan para silipin ang bulto ni Rain na papalayo. Bakit siya nagmamadaling umalis? Anong nadiskubre niya? Napalingon ako sa bandang taas nang marinig ang kaluskos. Tumakbo ako sa gilid ng hagdanan ng maramdaman ang pagbaba ng tao galing sa itaas. Nakita ko ang maraming dugo sa damit niya. Paano siya na papunta rito? Sinundan niya ba kaming dalawa ni Rain kanina? Dumerecho siya sa kusina. Narinig ko ang ragaslas ng tubig galing sa lababo. Nakita ko kanina ang duguan niyang kamay habang pababa siya. Anong ginawa niya sa itaas? Siya ba ang may kagagawan nitong lahat? Dahan-dahan akong lumapit sa kusina. Nasa gilid ako ng pader. Sinilip ko siya kung anong ginagawa. Kumuha siya ng tubig sa ref para uminom. Mabilis akong tumago ulit nang bumaling siya sa direksyon ko. Kumakabog ang puso ko habang naririnig ang paglalakad niya. Palabas na yata siya ng kusina. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa sobrang kaba. Anong gagawin ko? Narinig ko ang halakhak niya. Alam kong nasa likuran siya ng pader,katapat ko lang.

"Are you afraid of me? I'm not affected. Don't be so nervous. I heard your heartbeat...napakabilis." Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa kusina. Nakangisi siya sa'kin. May hawak-hawak siyang panyo na pinang-pupunas niya sa basang kamay.

"Paano ka nakarating dito? Sinusundan mo ba kami ni Rain?" She chuckled. Tinuro pa niya ang kanyang sarili.

"I'm bothered. I feel like you two was in dangered. I'm sorry." She look sincere. Nagsasabi naman siguro siya ng totoo. Pero...paano niya nalamang nandito kami? Mas nauna ba siyang makarating dito kesa sa aming dalawa?

"How do you find this place? Mas nauna ka ba sa aming makarating dito?" Tumango siya. Lumapit sa ref para ipatong sa ibabaw nito ang panyong hawak niya kanina. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Napaatras ako nang lumingon siya sa'kin. Bakit nakakaramdam ako ng takot sa kanya ngayon? Sinantabi ko ang pangamba. Pinilit kong ngumiti.

"Nakita ko si Rain kanina sa taas. Tatawagin ko na sana siya kaso napansin kong nagmamadali siyang makababa habang hawak-hawak ang laptop. Yung hawak niyang laptop ay sa akin. Dala-dala ko ito habang hinahanap kayo." So, may alam siya tungkol kay Doctor Lagdameo. Can I ask her?

"Kilala mo ba si Doctor Lagdameo? 'Di ba scientist ka?" Sinenyasan niya akong sumunod papuntang sala. Umupo siya sa couch kaya umupo rin ako sa tabi niya. Binuksan niya ang laptop. Nanlaki ang mga mata niya nung makita ang sinearch naming dalawa ni Rain kanina. Nakita ko ang paglunok niya bago tumingin sa'kin.

"Hanggang saan na ang nababasa niyo?" Tinuro pa nito ang laptop sa harapan namin. "Hanggang doon lang sa baka si Doctor Lagdameo ang may kagagawan sa nangyayari ngayon sa mga tao. Totoo ba?" Hindi siya nakapagsalita. Pinagmasdan ko siya. Ang lalim ng iniisip niya. Kinuha ko ang laptop sa harap para magbasa ulit. Hindi 'yon napansin ni Lilleth dahil tulala pa'rin siya.


"Ang sabi sa nang kapwa niya doctor ay marami raw tinatago si Doctor Lagdameo. Isa na dito ang ginawa nilang ekspirimento kasama ang isang scientist. Nagtagumpay sila. Kumuha sila ng isang tao...mali,dalawang tao para subukan kung eepekto ba ito sa tao sa isang araw lang. Kaso nabigo sila. Nawalang bigla ang likido. Pinahanap ni Doctor Lagdameo ang nawawalang likido kaso nabigo silang mahanap ang salarin. Hanggang sa mamamatay si Doctor Lagdameo sa loob ng kanyang laboratoryo."

Hindi ko natapos ang pagbabasa dahil hinablot sa'kin ni Lilleth ang laptop. Nanginginig ang buong katawan niya. Hinawakan ko ang balikat niya para pakalmahin. Ganitong-ganito ang inasta ni Rain kanina. Hindi kaya...may nadiskubre rin siya?

"Okay ka lang ba Lilleth? Your shaking. Take a rest...I can handle this." Umiling-iling siya. Bigla siyang tumayo tsaka humarap sa akin. Nandoon pa'rin ang panginginig ng buong katawan niya.

Virus in the City ➡️ HIATUS ⬅️Where stories live. Discover now