thirty-eight

268 11 0
                                    

aerry

ilang beses ko pang napindot ang doorbell sa bahay nina minhyun bago iniluwa ang isang may kaedarang babae.

"hi po. ako po pala si-"

"anak! ang laki mo na." sabi niya sabay yakap sa akin.

"po?" paglilinaw ko.

ang advance mag-isip ng nanay ni minhyun. tinawag agad akong anak. kaya pilit nalang akong ngumiti at niyakap siya pabalik.

natigilan kami sa pagyayakapan nang may nagsalita, "ma!"

"minhyun anak! bakit ka pa lumabas sa kwarto mo? bumalik ka doon at humiga ka lang sa kama mo."

pero imbes na sagutin ang nanay niya ay hinarap ako ni minhyun at tinitigan ng malamig.

"anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin.

"pinapapunta ako ni-"

"RIE! I'M GLAD YOU'RE HERE NA!" sigaw ni ate sujin.

nakipagbeso muna siya sa akin bago kumapit sa braso ng mama nila.

"just in time. paalis na kami ni mama, maiwan na namin kayo."

"anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"ah, nilalagnat kasi si minhyun kaso ayaw niyang pumunta sa ospital. while we're out, pwede bang samahan mo muna siya rito?" pakiusap niya.

"hindi ako bata." rinig kong komento ni minhyun.

tss, nilalagnat pala tapos nandito imbes na nagpapahinga sa kwarto niya. pero kasalanan ko naman kung bakit siya nilagnat. iniwan ko siya dun tapos umuulan pa.

"okay lang po." sagot ko.

nginitian ako ng nanay at kapatid ni minhyun kaya sinuklian ko nalang. pagkaalis nila ay nagsimulang maglakad si minhyun pabalik sa kwarto niya ata.

"pwede ka nang umalis." malamig niyang tugon sabay sara ng pinto niya but i was fast, naiharang ko ang paa ko.

"kasalanan ko kung bakit ka ganito at pag hindi mo ako hahayaan, hahantingin ako ng konsensya ko."

"so kaya ka nandito dahil guilty ka?" tanong niya.

nandito ako dahil concerned ako.

"oo, guilty ako kaya nandito ako."

tahimik siyang humiga sa kama niya at tinalikuran ako. i walked towards him. hinarap ko siya sa akin and touched his forehead.

"oh gosh nalliya ang init mo!"

"pwede ba umalis ka na?! stop acting like you're concerned!" sigaw niya sa akin kaya i was taken aback.

nakayuko ang ulo ko nang lumabas ako sa kwarto niya. but that doesn't mean na aalis ako. minhyun's family didn't have a maid in the house so we were all alone here, walang aalaga sakanya kung aalis ako.

tumungo ako sa kabilang room which i think is the guess room. naghanap ako ng facetowel sa cabinet and good thing may nahanap naman ako. i went to their kitchen and filled a basin with lukewarm water. while i was at the kitchen, i cooked porridge.

pagbalik ko sa kwarto ni minhyun, he was asleep. pagkatapos kong binasa sa tubig ang towel ay piniga ko ito at nilagay sa noo niya. but i guess that made him woke up.

ang bilis ng senses niya. or was he even sleeping? nakatingin ako sakanya nang bigla niyang idinilat ang mga mata niya and our eyes met.

"bakit ka nagpaulan? may nakita akong waiting shed sa tapat nung shop. pero bakit ka naulanan?" tanong ko.


"i was looking for you."


hindi ko mapigilan ang pagkapiga ng puso ko. this guilt is haunting me.

"bakit nandito ka parin?" kalmado na niyang tanong but his voice seemed sad.

"i'm here to help you." sagot ko.

"you're not helping me. you're making it harder for me to let go of you."

"ano bang pinagsasabi mo?"

"come on aerry, hindi ka ganun katanga."

i avoided his gaze and stared at the floor.

"kunin ko lang muna ang porridge sa kusina." paalam ko.

nagmamadali akong lumabas sa kwarto niya and went straight to the kitchen. napasandal ako sa kitchen counter because i felt my knees shaking. napahawak ako sa dibdib ko, i was almost out of breath. tsaka ko lang napansin na walang pendant malapit sa chest ko.

oh gosh nalliya!

ang necklace ko.

walang tayo (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon