thirty-three

232 8 0
                                    

minhyun

nagising ako nang makaramdam ako ng isang kamay sa balikat ko. "hijo, gising."

napatingin ako sa paligid. mukha siyang antique na style na restaurant at bawat tables, may isang malaking c curved na sofa. at sa oras na ito, ako lang ata ang customer.

nasaan ako?

"mukhang naparami ang inom mo ah. kainin mo na yang hangover soup mo, ini re-heat uli namin yan kasi kanina pa yan." paliwanag ng may kaedarang babae.

"salamat po." sabi ko.

argh. ang sakit ng ulo ko. wala akong maalala. paano ba ako nakapunta rito?

kinain ko na ang soup na nasa harap ko. hmm, masarap hindi tulad ng ibang hangover soup.

"buti naman at nagustuhan mo. nagustuhan rin kasi ng girlfriend mo yung inorder niya." salita ni ahjumma.

"girlfriend?"

"oo, yung nagdala sayo rito. umalis yun kanina pero sabi niya na babalik raw siya."

pumikit ako at pilit na inaalala kung sino.

"i don't want to be selfish but i want you all for myself."

aerry...

"mukhang naalala mo na. wag kang mag-alala, nabayaran na ang kinain mo. sige, mauna na ako't maghuhugas pa ako ng pinggan. hintayin mo nalang yung girlfriend mo."

"hindi ko po girlfriend yun."

"sige kaibigan nalang."

nginitian ako ni ahjumma bago naglakad papasok sa isang room.

i finished my soup, kinain ko narin ang hangover candy na nasa table. gabi narin pala.

i checked my watch and saw it was already 11:30.

saan kaya pumunta si aerry? kinapa ko ang bulsa ko pero wala akong nakapang phone. paano ko makontak 'yun?

napatingin ako sa labas nang nagsimulang umulan. baka mapano ang babaeng 'yun. tatanga-tanga pa naman.

naghintay ako ng ilan pang minuto hanggang sa may kumulbit sa akin. yung guard ata.

"sir magsasara na po kami sa shop."

tumango ako at naglakad na palabas. paglabas ko ay napansin kong walang masyadong dumadaan na mga sasakyan rito at wala ring malalapit na buildings o bahay. tanging isang waiting shed lang ang nakita ko.

tumakbo ako papunta dun at sumukob. naupo ako naghintay pa sa babaeng 'yun. saan naman kaya pumunta yun? gabing-gabi pa, baka di yun pamilyar dito mamaya mawala pa 'yun or baka mapano sa daan-

damn.

walang tayo (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon