SBCians sana alam natin ang commitment sa oras na sumali tayo ng isang club. Kapag dumating naman ang pairings, kayong dalawa ng partner mo ay may tungkulin sa isat-isa. Ang book club po ay hindi isang play ground na kung anong larong salita na lang ang ilalagay mo sa story ng ka-partner mo. Once and for all, be responsible. Ayusin natin ang task natin. Mabilis po dumating ang karma. Baka mamaya, katabi mo na pala.
Kung hindi mo naman mababasa ang story ng ka-partner mo, pwede mo po siyang i-pm para alam niyang may reason ka.
Sa mga members naman na may problema sa ka-pair nila, pwede niyo po kaming sabihan.
Minsan, kami na ang nahihiya sa mga members na gumagawa ng task sa abot ng makakaya nila tapos matatapat sa partner na mema lang. Mema-lagay. Mema-sabi. Mema-comment para kunwari nagbasa sila. Sana wala na akong mabasang:
"Wow ang ganda po ng story mo."
"Lipat na ako sa next chapter."
"Taray ng name niya (insert name)."
"Oy naka-chapter two na ako."
Ayos lang sana kung may kasunod iyan kaso hindi nadagdagan, at iyon ang masama. Sarap mag-headbang bigla.
Sugar coating is sometimes good, but most of the time is bad. Paano mo matutulungan ang ka-partner mo kung puro 'maganda' o ano pang magic word na experiment ang ginagawa ang ilalagay mo? Last time I checked, hindi mo rin po nililigawan ang ka-pair mo para bulahin mo.
'Yung isang admin ngayon ng club na ito, maniwala kayo, gala iyan. Kung saan-saan pumupunta. Magugulat ka na lang nakatambay na siya sa wall mo. Kung ayaw mong mapakanta ng 'caught in a lie...' be honest.
Hindi rin po tayo nag-major sa bilangan. Iyong tipong bibilangin kung naka-one sentence o two sentences na siya. Tapos okay na. Proceed to next chapter.
Tapos meron pang magbabasa ng 10:30 then natapos ng 10:32. Wow! Magic. Epislatory po ba ang binasa niyo?
Nandyan naman po ang rules para hindi makalimutan 'di ba?
Iyong iba pong miyembro dito ay nagtatrabaho, nag-aaral o 'di naman kaya ay may big responsibility sa outside world. Pero bakit ginagawa naman nila nang maayos ang task nila? Sana naman matutong gampanan ang isang bagay na pinasok natin. Uulitin ko po. Hindi po tamad ang members dito. Kung trip mo ang mema lang. Baka po hindi ito ang book club na hinahanap mo.
I repeat. Hindi po Mema Book Club ang name ng club na ito. Kaya sana, hindi puro mema na lang ang mababasa kong comments ng mga members. Bigyan po natin ng punto o opinyon na makakatulong sa kanila.
Sa mga members naman po naman po na gumagawa ng task nila nang maayos, maraming-maraming salamat po. Kayo po ang pride ng SBC.
BINABASA MO ANG
Simpleng Book Club 2018
Random"Every writer has the right to shine and be discovered!"
