2: M.Y. San Sky Flakes Anniversary

22 3 1
                                    

Ugh.

Napahawak ako sa flat kong ulo kasi sumakit ang flat kong utak. Ano bang nangyari bakit ang sakit ng flat kong utak?

Inalala kong mabuti ang nangyari at isang malaking pagkakamali yun kasi naalala ko yung huling kumain sakin. The fvck! So gross!

Pinilig ko ang flat kong ulo at kinalimutan muna yun. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong nasa isang bahay ako.

Matutuwa na sana ako kasi hindi sa isang basurahan ako napunta kaso yung bahay na napuntahan ko ay mukhang basura plus 'tong panget na kaharap ko ngayon na sobra kung makatitig sa yummy kong katawan.

"Hoy! Hindi mukhang basura ang bahay ko at lalong lalo na hindi ako mukhang basura!" giit nitong panget na taong ito. Ay wait, I she even a fvcking human?

Ay pvtang ina! Nanlaki ang mata ko at napatayo bigla. She hear me! The fvck! It's a miracle! Hulog siya ng langit--- ay mali! Pinatapon siya ng lupa para mapakinggan ako!

"Gago 'to ah! Kakainin na nga lang kita, ang ingay mo" ani nito kaya nanginig ang flat kong katawan.

"Hala! 'Wag mo kong kainin! Parang awa mo na!" pagmamakaawa ko.

Hindi niya ko pinakinggan at basta na lang ako kinuha at binuksan. Naglakad siya patungo sa nakakadiri niyang upuan at binuksan ang bulok niyang TV.

"Kanina ka pa lait ng lait ah -_-" biglang sabi nito.

Hala shet! Nababasa niya ang flat kong isip!

"So, ano ngayon kung nababasa ko?" poker face na sambit nito.

Kinuha niya ako at itinatapat sa mukha niya kaya nagpuppy eye--- nagbiscuit eyes ako para mas lalo akong gumwapo.

"Hindi ka gwapo."

Umiinit bigla ang flat na ulo ko. Ako hindi gwapo? Fuck you ka--

"Fuck you ka din." walang emosyon nyang sabi sakin kaya uminit na naman ang flat kong ulo feeling ko toasted na siya ngayon.

"Bwiset kang pangit ka! Witch! Ambaho mo! Dami mong pimpols!!! Kainin mo na lang ako para makalaya na ko sa kapangitan mo!!!" sigaw ko sa mukha nyang tadtad ng tigyawat.

"Problema mo sa pimpols ko?" sabi niya sabay hawak sa pimpols nya, hinimas himas nya pa yun. The fvck!? "Pahid ko 'to sa'yo eh, gusto mo?"

Napatahimik ako. Tangna. Tumutulo na ang flat kong luha galing sa flat kong mata. Gago 'e. Pinahid ba naman yung bagong putok na pimpols niya sa bibig ko? T^T

"Maingay ka kasi kaya ganun." sabi niya.

"P-p..please k..kainin m-mo na l..ang a..ko.." pagkasabi ko nun bigla siyang tumawa na pang witch. Witch nga talaga siguro 'to.

Pagkatapos niyang tumawa na parang tanga nagpoker face ulit siya. "I change my mind. Hindi na kita kakainin."

Napanganga ako. Huhuhu! Ilang years ko makakasama 'tong witch na panget na 'to. Wahhh!! I wanna die!

Magsasalita na sana ako ng biglang napukaw ng atensyon ko ang sinasabi sa balita. Itinuon ko ang atensyon ko sa TV.

"Ito ang 8th anniversary ng M.Y. San SkyFlakes Crackers!"

8th anniversary na pala ang SkyFlakes! 8 years na pala akong nabubuhay sa mundo huhu.

"Oh 'bat umiiyak ka jan?" biglang  tanong nitong witch na 'to. Hindi ko sya nilingon.

"Eh.. k-kasi ma-masaya ako e-eh.. Huhuhu" iyak ko.

"Ang drama mo." sabay irap sakin.

Waahh! 8 years na kong paulit ulit na nabubuhay huhu nakakasawa na! Ayoko na ring maging flat huhu! Gusto ko namang magkaroon ng shape ang katawan ko. Gusto ko namang maranasan na mamatay. Yung mamatay na ilang years pa bago ma-reincarnate o mabuhay muli.

Nakakasawa ng masakit araw-araw. Gusto ko namang sumaya. Gusto ko namang maranasan ang iba't-ibang bagay. Nakakapagod na kasing maging sky flakes. Lagi ka na lang nilang kinakain. Gusto kong maranasan kung anong feeling ng kumakain. Hay sana maging tao ako. Parang ang saya kasi kapag ganun.

"If that's what you want. Okay. Your wish is my command." sabi nung panget na witch kaya napalingon ako sa kanya.

"What do you m-mean, w-witch?" tanong ko.

Tumingin siya sa mata ko, bakit ganun? Bigla siyang gumanda sa paningin ko? "I'll make you a human."

And by that, tumayo na siya at dinala ako sa kusina niyang marumi. Inilapag niya ako sa lamesa. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya.

May kinuha siyang kulay green na liquid na nasa isang bote at kinuha niya rin yung kulay black at yellow. Pinaghalo niya yung tatlong liquid na yun tapos ay hinaluan niya ng worms, piece of hair at kung ano ano pang nakakadiring ihalo dun.

Hinalo halo niya yun.

"De gawa hing nyao tao nire." paulit ulit niya yang sinasabi.

Nagdilim ang buong paligid at nagkaroon ng ilaw sa malaking palayok na pinaglalagyan ng mga hinalo niya kanina.

Tumaas ang balahi-- ay wala pala ako nun. Tumaas ang dapat tumaas sa katawan ko.

Mas lalo pang binilisan ni ugly witch ang pagsabi ng.. "De gawa hing nyao tao nire. De gawa hing nyao tao nire."

Huhu natatakot na ko pero hindi ko pwedeng ipahalata kasi baka sabihin nitong ugly witch na 'to na bakla ako. The fvck lang.

Halo lang ng halo si witch ng biglang matamang tumitingin ito sa'kin.

"B-bakit?" tanong ko pero ngumisi lang siya kaya naman tumaas talaga ang mga dapat tumaas sakin.

Itinuro ako ni witch at biglang sa isang iglap nasa kamay na agad niya ko. Wah! Magic!

"And lastly.." she said at walang alinlangan akong itinatapon sa palayok.

The last thing I saw is yung pimple ni ugly witch na may nana.

----

Chapta 2 is done. I'll try translating my story in english for my foreign readers. But I'll translate it when it's done.

Thanks readers.

Sky Flakes CrackersWhere stories live. Discover now