3: New life

20 2 0
                                    

"Ohhh! Lima pa lima pa! Kasya pa!"

"Tang ina naman nyan, kuya!"

"Bulag ka po ba!? Punong na na tapos magtatawag ka pa ng lima!?"

Napahawak ako sa flat kong ulo. Ang sakit kasi 'e.

"Mga inutil! Mas magaling pa kayo sakin ah!! Ohhh tatlo pa tatlo paaa!!!"

Bakit ang ingay? Nasan ba ko? Hayst! Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakakita ako ng tatlong matatabang babae na naglalaway na sa'kin. The ef!?

"Hi,bebe koi!" napangiwi ako ng biglang syang nag flying kiss sakin. Pero wait sakin ba? O ung may hawak sakin? Tingnan ko nga.

Tumingala ako at tiningnan kung sino ba ang may hawak sakin pero wala akong nakita. Nasa jeep pala ako kaya ang ingay ingay at ang init init.

Nagtaka ako nung itinaas ko ang kamay ko. Mukha kasi itong kamay ng tao. Nangunot ang noo ko nung mapadako ang paningin ko sa isang salamin na gamit nung katabi kong nagmamake up. Nanlaki ang mata ko.

Totoo ba 'to? T-tao na ako? W-wait lang..

"I'll make you human."

Shit! S-so totoo nga!!! Tao na ko! Tao na ko!!

"Tao na kooo!!!" napalakas ang sigaw ko kaya naman napatingin sa'kin ang mga pasahero ng jeep.

'Hala! Gwapo sana baliw naman'

'Oo nga!'

'Okay lang yan, atleast gwapo yiiee'

Napatahimik na lang ako at patagong napangiti.

Pero wait lang.. saan pala ako pupunta?

Lumipas ang maraming minuto at biglang huminto ang jeep. Nagsibabaan ang mga tao at ganun din ako pero napahinto ako ng biglang tinawag ako nung driver.

"Boi! Bayad mo!" sigaw nya.

"Takbo na tanga!" bulong sakin nung isang babae.

Hindi ko na lang sya pinansin at kinapa na lang ang bulsa ng short na suot ko. Pilit na napangiti ako sa driver at walang ano ano'y hinila nung babae ang kamay ko at dinala sa kadiring lugar.

"Sino ka?" tanong ko sa babae.

"Gago ka? Ako ba niloloko mo?" sabi nung babae sabay batok sakin. "Di'ba sinabi ko sayong hablutin mo yung bag nung katabi mo!?"

Nangunot ang flat kong noo.

"Ha? Pinagsasabi mo? 'Di kita kilala" sambit ko rito at akmang maglalakad na palayo pero nakahawak pa pala ang kamay nya sa kamay ko kaya tiningnan ko yun at tinanggal.

Mapapalayo na 'ko sa kanya pero bigla siyang nagsalita.

"Saan ka pupunta?" tanong niya na nagpatanong rin sa'kin.

Saan nga ba ako pupunta?

Nilingon ko siya at nginitian. Nakita kong nangamatis ang mukha niya, para siyang si kamatis laging red mukha ^_^

Naglakad ako pabalik sakanya at inakbayan siya.

"Hehe 'di ko rin alam 'e. Sama na lang ako sayo ^_^" masiglang sambit ko na nagpapula lalo sa mukha niya.

"G-gago.." tinanggal niya ang naka akbay kong braso---yiee may braso na ko! Macho pa!

Naglakad siyang mabilis kaya sinundan ko siya. Mahirap siyang habulin kasi matangkad siya at mahaba rin ang hita niya, kaya medyo tumakbo ako buti na lang at bumagal na ang paglalakad niya.

Nakarating kami sa 'di ko alam na lugar. Nasa tapat na kami ng bahay. Hindi ganun kaliit at hindi rin ganun kalaki. Pumasok siya doon kaya sinundan ko siya.

Malinis ang loob ng bahay. Maayos ang pagkaka ayos ng mga gamit. Nakita kong pumasok siya sa isang kwarto kaya sinundan ko ulit siya.

Ako na rin ang nagsarado ng pinto kasi nakalimutan niya yata. Bigla siyang naghubad ng pang itaas niya na ikinagulat ko. Nakatalikod pala siya sa'kin at ang ganda ng katawan niya. Ang sexy! Parang si coca cola (in bottle) sobrang sexy shet!

Naramdaman ko na parang may tumayo sa katawan ko kaya bigla ako napatingin sa baba ko at may nakita akong naka umbok sa loob ng short na suot ko.

Titingnan ko na sana kung ano ang nasa loob nito pero bigla na lang akong napahiga sa sahig.

"Tang ina mo, Sky! Paka bastos mong gago ka! Sisilipan mo pa ko!" sigaw niya habang nakapatong sa'kin at sapak ng sapak sa dibdib kong hindi na flat.

"Hindi kita sinisilipan!" sigaw ko rin sa kanya at agad na kinuha ang dalawang kamay niya at ako naman ang pumaibabaw sa kanya.

Nakita kong nangamatis na naman ang mukha niya pero hindi ko muna yun pinansin.

"Hindi kita sisilipan, hindi ako maninilip. Ako si Sky Flakes Crackers, ang nag iisang yummy biscuit ng bayan ^.<" and with that bigla na namang nangamatis ang mukha niya na ikinabahala ko na.

Umalis na ko sa pagkakapatong sa kanya at inalalayan siyang maka-upo. Nakatulala't nakanganga siya sa'king nakatingin.

"Hala! Namumula yung mukha mo! Kain ka siguro ng kain ng kamatis kaya ka ganyan! Anong gagawin ko!?" natataranta kong hinawakan ang mukha niya at inilapit iyon sa mukha ko.

Nataranta ako lalo ng biglang nangamatis na naman ang mukha niya.

"Lagot sakin 'yang kamatis na yan!" pagbabanta ko sa larawan ni kamatis na nasa utak ko.

Tiningnan ko ulit siya at nginitian. Nagulat ako ng bigla siyang namatay, buti na lang at nasalo ko yung ulo niya kung hindi baka nauntog na siya.

"Hala! Patay ka na!? 'Di ko pa nga alam pangalan mo patay ka na agad!?" dali dali ko siyang inihiga sa kama niya.

Tinapik tapik ko ang pisngi niya.

"Huy! Gumising ka! Sabihin mo muna kung anong pangalan mo!" sigaw ko sa mukha niya pero patay pa rin siya.

Hayst. Wala na kong nagawa at pinagmasdan ko na lang ang mukha niya. Wala siyang pimples-- ay meron palang isa. Medyo singkit ang mata niya. Tapos yung ilong niya ang cute kasi ang tulis. Maputi din siya parang ako lang. Napadako ang mata ko sa labi niya. Pink kasi ang kulay nito. Ang cute.

Napangiti ako sa 'di ko alam na dahilan at bigla ko nalang hinaplos haplos ang ulo niya.

"Gising na. 'Di ko pa alam pangalan mo. Sabihin mo muna sa'kin.." bulong ko sa kanya. "Mabuhay ka ulit tapos sabihin mo yung pangalan mo sa'kin tapos mamatay ka na ulit^_^" pagpapatuloy ko.

"Angel ba pangalan mo? Or Beautiful Angel? Yun kasi sinasabi ng mukha mo 'e ^__^" pagkakausap ko sa kanya.

"Ano ba kasing pangalan mo?" muling tanong ko.


"Ugly witch.."

---

3 is done! ^.^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sky Flakes CrackersWhere stories live. Discover now