Chapter 12

5 0 0
                                    


Jackson POV

Napangiti ako sa naisip ko pero napalitan nang inis nang maalala ko yung nangyari sa party. Pakiramdam ko gusto ko manapak nang tao pati sarili ko gusto kong sapakin.

Napasinghap nalang ako at natulog na. 

---------------  KINABUKASAN-------------------

Pag gising ko ay naligo agad ako kahit linggo ay kailangan ko pumasok sa school para pag usapan ang thesis namin at gagawa din kami ng bullitun board para sa section namin.

Pag dating ko sa school ay walang ganang students kasi linggo ngayon, section lang ata namin nandito ngayon saka si kuya guard.

Pumunta ako sa classroom namin at nandoon na ang lahat. Busy sila at may kanya kanyang gawain, lumapit ako sa president ng section  namin at nanghingi ng gawain, sabi niya tulungan ko si Sharina.

Block section  kami kaya hindi kami  lumilipat kada subject, Teacher ang nag aadjust para mag turo,  pag silip ko kay Sharina ay nakapatong to sa upuan dahil may dinidikit siyang  design  sa bandang taas ng board.

"Ako na diyan " prisinta ko

"Oh Jackson,  Ako na dito, hawakan mo nalang yang upuan baka bumagsak ako eh " mahinhin na sabi niya na nakangiti pa, tsk parang walang nangyari kagabi ah

" okay "

Hinawakan ko ang upuan hangang sa matapos siya, Nagulat ako ng hindi siya  nag sabi na bababa na siya kaya na out of balance akong inalalayan siya. Napahiga ako at nakapatong siya sakin. What the F*ck!!!!  Ang pangit  ng position namin, halos lahat ng classmate namin nakatingin samin at tumatawa

"Yieeeeeeeee kayo ah "

"Sabi mag design, hindi mag landian "

"Uyyy hokage"

"Sa gabi ginagawa yan "

"Tigil na yan, gumawa na kayo,  puro pa sweet "

"HAHAHAHAHAHAHAH"

Dahan dahan kaming tumayo at bumalik sa ginagawa na parang walang nangyari pero ang totoo, Naiinis ako, gusto ko patayin yung  mga  nang aasar samin, 

"Sorry"

"Okay lang" walang ganang sagot ko.  Nakakainis ito ! Di kasi nag iingat. Pakiradam ko tuloy sinadya niya yun

Ewan ko ba ,pero feeling ko naiinis nako tuwing kasama ko si Sharina , yung una hindi naman , dahil mabait siya pero simula nang halikan ko siya para magtigil yung Ex niya na friend ni Zafarie ay nag iba siya , feeling niya kami talaga , pero friend lang talaga kami ,sinabi ko kay Zafarie na kami dahil gusto ko lang malaman ang reaksyon niya. Pero alam kong alam niya na wala lang yon.

Minadali namin ang paggawa kaya nang matapos ay pumunta na kami ni Sharina sa Library dahil gagawa na kami ng Thesis ,Chapter 2 na kami kaya medyo madali nalang yun.

Wala akong kibo na ginagawa yung thesis namin , pag nagtatanong siya sinasagot ko nang tipid yun pero nang matapos kami ,nag tanong siya na hindi naman related sa thesis na ginagawa namin

"Bakit parang wala ka sa mood "

"Huh? Ah- yun ba?  Kulang ako sa tulog  ,sorry"

"Okay lang, gusto mo lumabas mamaya, Date tayo "

Nagulat ako sa kanya,  kakasabi ko lang na kulang ako sa tulog oh!  Anak ng tokwa naman eh!  Saka date?  Bakit naman kami mag de date? 

"Next time nalang, wala kong gana eh "

"Sige na Jackson masaya yun, mag shopping tayo "

Wtf??  Shopping??? 

" Hehe ayoko eh"

"Saglit lang naman eh " nag beautiful eyes pa siya, tsk ang KULIT!

" Tapos na pala tayo,  alis nako,  ayoko ayain mo nalang mga friend  mo "

Tatayo na sana ako nang bigla niyang ibalibag yung libro

Gulat akong tumingin sa kanya

"BAKIT KABA GANYAN?  SASAMA KA LANG NAMAN AH!  " sigaw niya saka ako iniwan

Eh???  Bakit naman siya nagagalit? 

A/N: Desperada ka masyado Sharina?  Grrrrr qiqil mo si ako

Doctor Wak WakWhere stories live. Discover now