Chapter 4

6 0 0
                                    

Dinala ako ni Teoh sa rooftop ,at dun niya kinwento ang lahat

Siya pala yung ex ni sharina yung kasuntukan ni wakwak kahapon
Hindi ko kasi nakita yung muka niya kaya hindi ko nakilala.

"So dito kana mag aaral? " tanong ko sa kanya

"Oo"

"Magkikita pala tayo araw araw "

"Bakit ayaw mo? "

"Hindi ah na miss kaya kita" ginulo ko ang buhok ni Teoh "una nako,may pasok pa ko, bye "

"Teka Zafarie"

"Eh? "

"Sunduin kita mamaya? "

" sige"

------------------------------------------------------

Nang mag ring ang bell ay nag uwian na, tinext ko na rin si teoh dahil susunduin niya daw ako.

"zafarie, mag co commute ka? "

"Ah hinde, susunduin ako ni Teoh "

Hindi ako sinusundo o hinahatid ng sasakyan sa bahay, pinag cocommute lang ako para daw makaranas ako ng hirap

Pag dating namin sa parking lot ay nakita ko si Wakwak at Sharina

Mukang ang saya saya nila, tuwing nakatingin ako sa kanila naiinis ako pero merong part ng puso ko na natutuwa kasi totoong bagay silang dalawa.

Umalis na si Jamie at calvin kaya tatlo nalng kaming natitira

"Ahh Zafarie di ka pa uuwi? " tanong ni sharina

"Hinihintay ko si Teoh eh, ah kanina pala nakwento niya lahat sakin, ahhh sorry"

"Ano kaba hindi mo kailangan mag sorry nakausap ko na siya at ayos na kami. Magkaibigan nalang kami "

"Ganun ba "

Bigla nalang may nagpark sa harapan ko na sasakyan at lumabas dun si Teoh.
Astigggg niya talaga mag drive. Inalalayan niya kong pumasok sa kotse niya

"Bye "

"Bye"

Isasara ko na sana ang bintana nang magsalita si wakwak

"Hoy Zafarie! Umuwi ka nang maaga!"

" Alam ng daddy niya na ako susundo kay Zafarie ," sabat ni Teoh

"Talaga paano? " gulat na tanong ko sa kanya

" Nung iniwan mo ko sa rooftop pumunta ako sa bahay niyo "

"Ahh, oh paano? Una na kami ingat kayo, bye WAKWAK"

Bago kami tuluyang umalis ay inawanan ako ng masamang tingin ni Wakwak.

-----------------------------------------------------------

Hinatid ako ni Teoh sa bahay namin, akala ko magtatagal pa siya kaso umalis din ,may family dinner daw kasi sila.

"Mom nandito nak---- Wakwak? "

Nagulat ako nang makita ko si wakwak sa bahay namin,

"Oh anak nandiyan kana pala, sasabay satin si Jackson sa dinner ,halika na nang makakain na "

Naunang umalis si dad kaya tumabi ako Kay wakwak para makiusisa

"Wakwak ano ginagawa mo dito? Na miss mo bako?ikaw ahhh" pilya kong sabi sakanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin

"Ilayo mo nga yang mukha mo sakin "
Tinulak niya ko ng bahagya saka naunang maglakad

-----------------------------------------------------------
Matapos ng Dinner namin ay nagprisenta akong ihahatid ko si wakwak sa labas.

"Ahh Dad hatid ko napo si wakwak sa labas"

" ah sige, iho mag iingat ka ah, ikamusta mo ako sa parents mo "

"Sige po Tito, mauuna napo ako"

Hinatid ko siya sa gate t, hahatakin ko sana siya kaso ang bilis niya mag lakad tapos dare daretsyo pa siya sa sasakyan niya, pero dahil desperada ako pag sakay niya ay sumakay din ako sa front seat katabi ng driver seat.

"Bumaba kana " masungit na sabi niya

"Sandali may tanong pako eh " Matiim niya akong tinitigan at inantay na mag salita.

"Bakit ka pumunta sa bahay ?"

"Bawal ba? "

"Hindi naman, nagtataka lang ako "

"Bumaba kana "

"Sandali lang" pigil ko sa kanya

" ano nanaman? " naiinis niyang tanong. Sumeryoso ako dahil sigurado akong masasaktan ako sa itatanong ko, pero kailangan ko tong gawin, dahil kung mahal ko siya palalayain ko siya.

"Wala ka ba talagang nararamdaman para sakin ?" Seryosong tanong ko, habang nag aantay ng sagot niya ay nanginginig nako.

"Meron naman "

Natulala ako sa sinabi niya. Kung ganun, mahal niya din ako, aaaaaaaaaaaaaaah to too bato ? Bake nama----

"Inis"

"Hu-"

"Naiinis ako sayo "

Natameme ako at anh tagal mag proseso ng utak ko sa sinabi niya ,kung ganun may nararamdaman siya kaso inis

"Baba na " seryosong sabi niya

"Gusto mo ba nalumayo ako? " lakas loob Kong sabi

"Gabi na Zafarie ,bumaba kana " naiinis niya nang sabi

"Kung ganon, gusto mo nga, Makinig ka Jackson James Valez, papalayin kita dahil mahal kita. Pero sana wag mo kalimutan na naging kaibigan din kita. Pangako simula bukas hindi nakita guguluhin, iiwas nako tuwing makakasalubong kita. Wag ka mag alala wakwak dahil mahal kita hindi ko na hahayaang mag kita tayo uli "

Emosyonal kong sinabi lahat ng nararamdaman ko sa kanya saka bumaba, hindi ko na siya inantay na makasagot pa. Ang sakit pala nang ganto.

A/N : Okay lang yan Zafarie naiintindihan kita, nandiyan naman si Teoh. Fighting #^_^#

Doctor Wak WakWhere stories live. Discover now