Chapter 6

5 0 0
                                    


Pag dating sa clinic  ay tama nga ang hinala ko,  nandun yung tatlo,  si Calvin, Wakwak, at Sharina.

"Maupo ka " padabog akong inupo  ni  jamie

"Anong nang yari  sa kanya  ?" Tanong ni Calvin

"May yelo ba kayo? "

"Huh?  Ano ba nangyari Kay Zafarie "

Hindi ako tumitingin sa kanila dahil ayokong magtama ang paningin namin ni wakwak

"Tignan mo yung pisngi niya "

"Patingin" nag init ang ulo ko nang magkunwari si Sharina

Ang haliparot na babaeng to, Nakuuuu kakalbuhin kita

"Mukang masakit yan " kunwaring nag aalala pa niyang sabi

"Awww mukang masakit nga " sabi naman ni Calvin

"Ilapat mo  to " nagulat kami nang may hawak nang yelo si wakwak

"Sige salamat, aalis nako, halika na jamie" nagmamadali akong umalis sa clinic.

-------------------------------

"Teka -te -teka nga Zafarie " pilit   na inaalis ni Jamie  ang kamay ko sa braso  niya

" hayyys dalian mo, "

"Ano bang nangyayari sayo? "

"Sa garden ko ikukwento "

"Nababaliw na ang best friend ko"

Hinatak ko siya hangang sa makarating kami sa garden. Kinuwento ko sa kanya mula sa simula  hangang sa sinampal ako ni Sharina.

"Ano,  eh bat parang  nag aalala pa siya  kanina,?  Ang plastic na yun!  Kakalbuhin ko ang babae na yun "

Pinigilan ko siya nang akmang tatayo siya

"Sandali,  wag na jamie plsssss!"

"Hayyy!  Nakakainis ka naman eh,  basta pag inulit niya  yun,  mapapatay  ko siya "  galit niyang sabi
"Ano nang plano mo  ?,iiwasan mo talaga  si Jackson? "

"Yun ang gusto niya eh "

"Ang sama naman pala ni Jackson  "

"Kalimutan mo na yun Jamie  ,teka acquaintance  party na sa sabado ah, ay partner kana  ?" Pag iiba ko sa usapan

" Malamang si Calvin! "

"Ay oo nga pala "

"Ikaw, sino partner mo? "

"Pwede naman outsider diba,  pamangkin naman siya ng may ari  ng school eh "

"Malamang!  Sino ba yan? "

"Si Teoh!  Aayain ko siya  ,halikana kukunin ko gamit ko "

"Mauna kana, pupuntahan ko si Calvin eh"

"Sige bye "

Tumayo ako at tinungo na ang daan papunta sa classroom naiwan ko kasi yung  bag ko. 
Naglalakad ako sa Hallway ng bigla akong hatakin muntikan nako sumigaw pero tinakpan nito ang bibig ko. Pinasok ako nito sa classroom na walang tao, sa sobrang  kaba ko ay kinagat ko ang kamay nito para makita ko ang muka nito at natigilan ako ng makita ko ang muka niya

"W - wak wak? "

"Tsk,  its hurt " sabi niya habang hinihimas ang kamay niya

Lumapit ako para tignan yun

"Patingin, " nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita kong namula ang kamay niya

"Sorry wakwak, tinakot mo kasi ako"

"Tsk, kahit kailan ka "

"Teka, bakit mo bako hinatak,  kala ko ba gusto mo kong lumayo sayo?  "

"May sinabi bako?  Ikaw lang nag desisyon ng sarili mo eh "

"Ano? "

"Maupo ka, gagamutin ko yang pisngi mo"

"Huh?  Okay nako, alis nako" astang aalis ako ng hatakin niya ko at sapilitang pina upo,  may pinahid siya sa pisngi ko  at hinihipan niya kaya naamoy ko ang hininga nya

"Sino ba gumawa sayo nito?  "

"Huh? "

"Who  did this  to you? "

"Ahh wala yan"

"Tapos na,  kahit hindi mo sabihin malalaman at malalaman ko yan"

"Okay namn ako eh "

" ako hindi,  sa susunod matuto lang lumaban. Gumanti ka ba? "

"Hindi " napayuko nalang ako

"Bakit naman? "

"Nagulat ako eh "

"Tsk, sige na, wag mo nako iwasan naiinis lang lalo ako sayo saka mag iingat ka na sa susunod. Ihahatid na kita. "

Natameme ako sa mga sinabi niya. Teka si Wakwak ba talaga yun?  Kakaiba siya ngayon, ano kaya nakain niya author?

A/N: aba malay ko!  Wahahahah pero kinilig ako kay JAckson ah halatang nag alala siya, ginamot pa niya yang pisngi mo.

Doctor Wak WakWhere stories live. Discover now