Chapter 14

5 0 0
                                    


Pag uwi ko nang  bahay  ay  nagpahinga agad ako, ngunit  pipikit  nasana ako ng mag ring  ang  Cellphone  ko

"Hello"

"Si Jamie  to "

"Why  ?"

" K-kasi Tumawag sakin si Zafarie "

"Talaga? " kunwari na walang  gana kong  sagot  , pero  ang  totoo  curious  talaga  ako

"Nasa  States na siya  " malungkot  na sabi  niya 

"Vacation? " pinipilit  kong  patatagin ang loob  ko  pero ang  totoo  kinakabahan  ako  ,alam  ko  ang  ibig  niyang  sabihin  pero  ayoko  tanggapin  ,Baka sakali  lang  na nag  bakasiyon  nga  siya. Saka bakit  naman  siya  aalis?  Baka babalik pa siya 

"I am sorry  Jackson " pinatay  niya  na ang  linya  ,

Hindi  ko  maintindihan ang  sarili  dahil  bigla  nalang  ako  tumayo  at dali  daling lumabas. Napansin ko nalang  na nasa  bahay  na nila ko, tanaw tanaw ang  malaki  nilang  gate.

Pinagbuksan ako ng gate  at  mabilis akong pumasok  , kilala  nako  dito  kaya  nakakapasok ako kahit  kailan ko gustuhin. Pag pasok ko sa bahay nila naabutan ko si Tito na nasa sofa  at  nagkakape.

"Oh iho, napadalaw ka ,maupo ka "

"Sige po" umupo ako sa sofa at sinabi ko ang pakay ko

"Ti--" hindi ko natatapos  ang  sasabhin  ko  nang  magsalita siya

"Umalis na si Zafarie  "

"Bakit po? "

" Alam mong  gusto  ka nang  anak  ko hindi ba? "

"O-po"

"Gusto mo ba siya  ?"

Hindi agad ako nakasagot

"Gusto  mo ba siya  Jackson ?"

"Opo"

"Kung ganon hihintayin mo siya  , isa lang  ang  nakikita  kong  dahilan  kung  bakit  siya  pumayag  na sumama sa aunt niya  ,NASASAKTAN NA SIYA. tuwing  uuwi ako, lagi  sinasabi ng kasambahay namin  na malungkot lagi  si Zafarie  nitong  mga  nakaraang  araw. Pero alam mo kung  ano  kinatatakot ko? "

"A-ano po? "

" Sa pagbalik niya ay wala na siyang nararamdaman para sayo " pagsabi  ni  Tito nun ay tinapik niya  ko saka iniwan

" Sa pagbalik niya ay wala na siyang nararamdaman para sayo"

" Sa pagbalik niya ay wala na siyang nararamdaman para sayo"

" Sa pagbalik niya ay wala na siyang nararamdaman para sayo"

Nag paulit ulit  sa tenga  ko ang  mga  katagang  iniwan  ni tinalang. Para  akong  nanlulumo  at nanginginig  ang  mga  tuhod  ko, 

Hindi naman  ganun  kadaling  mawala  yun  diba?  Hindi naman niya  ko kakalimutan  ng  ganun  ganon  nalang! 

Pero posible  din  yun  , lagi  ko  siyang  pinapahiya  at sinasaktan  at kita ko sa mga  mata niya yun. Hindi ko alam na susuko na siya  edi sana tinigil  ko  na at umamin  nalang

Ano  nang  gagawin ko?  Isa to  sa mga  kinakatukan ko ang magsawa siya  at  kalimutan  ako. Kampante  ako dati  dahil alam  kong mahal na mahal  niya  ko. Ngunit  mali  ako eto ako ngayon  at  iniwan  niya.

Kung  pwede ko lang aminin  sa kanya  na mahal ko siya  dati  ,ginawa ko na ngunit bata pa kami, gusto  ko  munang  maging  successful  na doctor  bago  mag ka love life. Ngunit  ngayon  para  nakong  nawalan  ng  gana  ,pano  ako  makakapag  aral  ng  maiigi kung ang  inspirasiyon  ko ay  iniwan  ako. 

-----------------------------------------------------------

Zafarie  POV

" I am sorry  Jamie " malungkot na sabi ko

"Dahil  ba kay  Jackson? "

"Jamie plsss sorry na "

"ANG DUWAG  MO, !BAHALA KANA "

Binabaan niya ko Maya nanlumong akong  umupo  sa kama. Mula nang  dumating  ako  dito  wala  akong  ginawa  kundi  ang  mahiga  at mag isip.

Kamusta na kaya siya?  Ma miss kaya  niya  ko?  Ano  kaya ginagawa niya?

"Miss na kita "

A/N: ~T_T~

Doctor Wak WakWhere stories live. Discover now