Chapter 10

5 0 0
                                    

Dinala ako ni Jamie sa kotse  ni Calvin

"Huhuhuhu, nasaan si Teoh"

"May emergency siya eh,ano bang nangyari "

Humagulgol ako dahil pakiramdam ko sa tingin sakin ni wakwak ay sinisisi niya ko,  hindi niya namn alam ang nangyari bakit ganun siya makatingin,  niyakap niya pa ang haliparot na yun.

"Uwi na tayo Jamie "

"Huh? "

"Please  Jamie uwi na tayo" humahagulgol akong  naki usap kay jamie

"Sige sandali, --------Calvin! " narinig kong  tinawag  niya  si Calvin 

"Jamie, bakit?  Ayos lang  ba siya  ?"

"Uwi na daw  siya "

"Sige"

Walang  umimik sa kanila  habang  nasa  biyahe  pauwi  sa bahay  hinayaan  nila  akong  umiyak  ng  umiyak 

"Huhuhuhu, ang sakit  sakit " hinahampas ko ang dibdib nagbabasakali na mawala  ang  sakit  " Ang babaeng  yun!  Ano  bang  meron  sa kanya?  Na kahit  mali  siya  ako  patong  parang  may  kasalanan "

"Shhh, Zafarie  okay  lang " hinihimas ni Jamie ang likod ko

"Ayoko na Jamie  suko na ko ,Ang sakit sakit na talaga"

Hinang hina ako at ayaw tumigil ng mga luha ko hangang sa makarating kami sa bahay.

"Ihahatid na kita sa loob" prisinta ni Jamie

"Wag na Jamie , ayos lang ako" pinilit kong ngumiti

"Sigurado ka ?" Tumango lang ako at bumaba na.

" Mom, I m here !" Sigaw  ko sa bahay  pero walang  sumagot. Lumabas si ate  Nelly galing  sa kusina ,siya  yung  kasambahay na ka close  ko

"ma'am  wala po si Ms. Debelen, pinapasabi niya po na baka 1 week sila mawala"

Tumango nalang ako at umakyat  na, ganyan  talaga sila bigla bigla nalang nawawala dahil  sa  biglaang  meeting.

Pag pasok  ko sa kwarto  ay nahiga ako at ipinikit  ang mga mata  ko. Pilit  kong  nililimot  ang  nangyari kanina pero kahit  among gawin ko ang sakit  sakit  , kitang  kita  ko sa mata  ni wakwak ang pag  aalala niya  kay  Sharina  kaya niya  ko pina alis. Sana malaman niya tunay na kulay  niyang  si Sharina. Gusto  sabihin lahat  ng  baho ni sharina kaso  alam kong  hindi  makikinig sakin  ni  wakwak.

---------------------------------------------------

Nagising ako sa ringtone  ng cellphone  ko kaya kinuha ko iyon  at  sinagot 

"Good  morning  baby "

"Good  morning  dad"

"How are  you? "

"I 'm fine dad, what  do you  want  ??"

"Kasama ko ang aunt mo ngayon  ,naalala mo yung sinabi ko kahapon  ?"

"Eh? "

"Yung kukunin ka ni aunt mo,  gusto  niya  na malaman sagot  mo "

Natigil ako saglit, naisip ko na maganda  din naman sa states  saka malalayo  din ako kay wakwak nun at sa pamamagitan nun makaka move  on ako, ayoko na ipagsiksikan ang sarili  ko sa kanya. Siguro  ito  na ang  oras  para wakasan ang kahibangan ko. 

"Hello, anak! -----still  there? "

"Yes dad, "

"Pumapayag ka?  You  sure? "

"Yes "

"Okay, So bukas ka daw  niya  susunduin. Mag impake kana  baby"

"Okay dad" ibaba ko na sana ang cellphone  nang magsalita uli  si  dad

"How about  Jackson? " natigil ako saglit  saka nagsalita  uli

"Ano meron  sa kanya dad? "

"Nothing  sige bye, I love  you  baby  ,take  care  "

"I love you  too dad" saka  ko binaba ang tawag.

Sana sa pamamagitan nito  maka  move on  na ako , simula bata hinabol habol ko na siya ,satingin dapat nang itigil yun dahil masakit na ,Masakit na masakit. Totoo pala ang sabi nila na pag nag mahal ka ,masasaktan ka.  Loving can hurt.

Doctor Wak WakWhere stories live. Discover now