CHAPTER ONE

1.7K 40 0
                                    


Tumaas kaagad ang kilay ni Lynette nang makita ang manliligaw ni Joanne, her best friend of four years na nakilala niya sa kompanyang sabay nilang pinag-apply-an noon. Dalawang taon na rin ang nakararaan mula nang magdesisyon silang magsama na lamang sa isang apartment upang makatipid silang pareho sa upa ng bahay.

Tila naman gumana rin ang internal antenna ni James; naramdaman nito ang kanyang presensiya. Bumaling sa direksiyon niya ang lalaki at nang makita siya ay agad na napalitan ng pagkadismaya ang umaasam nitong ekspresyon sa mukha.

"Maybe next time," sabi ni Joanne sa lalaki matapos na paraanan ng tingin si Lynette.

Nadagdagan ng panlulumo ang pagkadismaya sa mukha ni James. Sa halip na maawa, bahagya pang napaismid si Lynette. Joanne deserved someone better-hindi isang simpleng accountant lamang. Kahit ba division secretary lang si Joanne, may kabuhayan naman ang pamilya ng kaibigan sa probinsiya.

Sa kagandahang taglay ni Joanne, hindi malayong makasilo pa ito ng mayaman at de-kalibreng lalaki. Iyong magbibigay rito ng buhay na pinapangarap din ni Lynette para sa sarili.

Nagbuntong-hininga si James. "Sige. I have to go now but don't worry, ihahanap kita ng messenger tulad ng pangako ko."

Tumayo na ang manliligaw ni Joanne at kahit halatang naaasiwa, napilitan din itong magpaalam sa kanya.

Ni hindi ito kinibo ni Lynette. Sa halip, ngumiti pa siya ng ngiting may halong pang-uuyam.

Nang makalayo si James ay saka hinarap ni Lynette ang kaibigan. "Hoy, Joanna, ano 'yong narinig ko?"

"Alin sa mga narinig mo?" matamlay na tanong nito habang inililigpit na ang basong ininuman ni James.

"Nagpapahanap ka nga ba ng messenger sa mokong na 'yon?"

"Eh, hindi ba't iyon ang dilemma mo... ang magkaroon agad ng sarili mong messenger? Gusto lang naman kitang tulungan kaya nagpahanap na rin ako sa iyo."

"Kung ang magrerekomenda'y iyang manliligaw mong pulpol, aba'y mas malamang na sumablay!"

"Puwede ba, Lynette? Kahit na sino pa ang magrerekomenda, ang importante'y magkaroon ka na agad ng tao. Ikaw nga itong madalas magreklamong nade-delay ang division messenger natin sa pagde-deliver ng papers sa clients mo. Besides, kung makakuha ka ng mahusay, puwede mo na ring siyang utusang mangolekta ng tseke."

"Bahala ka." Pinalis ni Lynette ang isang kamay sa hangin. "Basta make sure that you screen him first bago mo ipasa sa akin for interview. Dahil kung galing din lang kay James, sigurado akong mahina!"

"Ito naman..." Tila nasaktan ang kaibigan sa kanyang sinabi. Dala ang iniligpit na baso't platito, pumasok na si Joanne sa kusina. "Masyado ka kung manlait ng kapwa."

Tumaas na naman ang mga kilay ni Lynette sa tenth floor. Sinundan niya si Joanne. "Hmm... don't tell me na nai-in love ka na sa accountant na 'yon?"

"Of course not!" halos bayolenteng tanggi ni Joanne.

"Kaya ba ine-entertain mo na siyang mabuti kapag dumadalaw rito?"

"Nababaitan lang naman ako kay James kaya kahit na paano, hinaharap ko siya."

Ewan ni Lynette kung dinadaya lamang siya ng pandinig pero... may fondness nga ba sa tinig ni Joanne kapag binabanggit ang pangalan ng lalaki?

"Diyan nagsisimula iyan." Humalukipkip si Lynette. "Kung ako sa iyo, sa halip na magsayang ka ng oras kay James, si David ang harapin mo. The guy is from a rich family at kung siya ang makakatuluyan mo, you don't have to work at all!"

No Money, No Honey (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon