CHAPTER SIX

656 25 0
                                    

Quarter to one na ng hapon. Habang ang mga empleyado ng Global ay nasa labas pa't nagla-lunch, abala naman si Lynette sa paggawa ng proposal para sa isang kompanyang nagbibigay ng housing loan sa mga opisyales nito.

Libang na libang siya sa ginagawa ngunit biglang-bigla, naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura nang malanghap niya ang aroma ng pizza na bitbit ng kung sino mang pumasok sa kanyang cubicle.

Mula sa paperworks ay nag-angat ng mukha si Lynette. Bumuglaw sa kanya ang nakangiting mukha ni Aidan. Tumutulo pa ang basang buhok ng lalaki. may mga patak din ng tubig sa damit at pantalon.

"What happened to you? Naligo ka ba with your dress on?" nagtatakang tanong niya kay Aidan.

"Ang lakas ng ulan sa labas. Sa Shaw Boulevard na 'ko inabutan. Nag-taxi na nga ako papunta rito." Galing ito mula sa pagde-deliver ng kaukulang papeles para sa isa niyang kliyente. Hindi niya ipinapagamit dito ang kanyang kotse para makatipid na rin sa gasoline expense.

"Eh, bakit nabasa ka pa rin?"

"Malakas nga ang ulan. Alangan namang payungan ako ng guard pagbaba ko ng taxi..." Inilapag nito ang box ng pizza sa kanyang mesa. "Mainit-init pa 'yan. Kumain ka muna."

He was so casual na para bang ordinaryo lang nitong gawain ang ibili siya ng pagkain—charge free. Something touched her heart sa thoughtfulness ni Aidan, pero pinigilan niya ang kasiyahang unti-unting bumabalot sa kanyang puso.

"I already ate my lunch," pagsisinungaling ni Lynette. "Itabi mo na lang, merienda mo mamaya."

"Ang sabi ng lola ko, kapatid daw ng magnanakaw ang mga taong bulaan. Ayoko namang isiping magnanakaw ka, kaya please lang... 'wag ka nang mag-deny diyan." Naupo si Aidan sa silyang nasa harap ng kanyang mesa. "May fifteen minutes ka pa bago matapos ang lunch break."

Sa halip na mainis sa pagkaatribida nito, napangiti pa si Lynette.

"How did you know I was lying?" tanong niya.

"Obvious naman. Sa labas pa lang, dinig na ang pagrarambulan ng mga bituka mo sa tiyan." mahina itong tumawa. "Honestly, tinanong ko si Joanne. Tinawagan ko sa phone kanina bago ako umalis do'n sa office ng kliyente mo."

"At bakit mo naman ginawa 'yon?" sadya niyang pinataas ang isang kilay, nanunudyo. Alam ni Lynette na pumapasok na naman siya sa iniiwasan niyang panganib ng laro, but she couldn't help herself.

"Kapag sinagot ko iyan ng totoo, magagalit ka sa akin," simpleng sagot lang ni Aidan. "Kaya sabihin na lang nating ayokong magkasakit ka. Sa ugali mong 'yan na parang wala nang bukas, siguradong pababayaan mo lang ang sarili mo. Lalala ang sakit mo. Kapag lumala, baka maapektuhan ang trabaho mo. At kapag naapektuhan ang trabaho mo, wala ka nang ipapasuweldo sa akin. So—"

"Mawawalan ka ng trabaho." Si Lynette na ang tumapos sa sinasabi ni Aidan. "Ang daldal mo."

"Marami pa 'kong gustong sabihin, kaya lang, magbibingi-bingihan ka lang naman..."

Enough, saway ng isip sa kanyang puso na nagdiriwang sa mga naririnig. It's useless. He can't give you the future you wanted...

"In that case..." sabi na lang niya, playful pa rin. "Shut your mouth and leave me in peace. May twelve minutes na lang ako para kainin ang pizza mo."

Masunurin naman si Aidan. Tumayo na ito.

"Enjoy your meal, ma'am." Bahagya pa itong sumaludo. "Have a nice day."

"TENA," yaya ni Lynette sa kaibigang dinatnan niyang nakatanga sa kawalan at nangingiting mag-isa. "Baka bumuhos na naman ang ulan, aabutan tayo ng traffic sa kalsada."

No Money, No Honey (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon