"Naiwan ko sa kotse 'yong bobby pins na gagamitin sa buhok mo," sabi ni Joanne matapos busisiin ang mga paper bags na baon nila. "Siguro naman, you can manage to dry your hair for a while. I'll be back in a sec."
She could have hired a professional hairdresser para sa okasyong iyon pero hindi ginawa ni Lynette. Gusto niyang alilain to the fullest ang kanyang dakilang kaibigan. tutal naman ito ang responsable kung bakit magaganap ang kasalang iyon.
"Bilisan mo lang, Joanne! Baka magbago pa ang isip ng groom ko."
Tatawa-tawa ang kaibigan na lumabas ng hotel room na inokupa nila.
Saglit niyang ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa mahabang buhok. Nang mangawit ay pinagmasdan ni Lynette ang sarili sa salamin.
Alam ni Lynette na maganda siya but she was never conceited. Yet, at this moment, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang bride sa history ng mga ikakasal.
Muling bumukas ang pinto... at nabitin ang ngiting namimintana sa kanyang mga labi nang makita ang imaheng nadagdag sa repleksiyon ng salamin.
For a moment, nanatili lamang siyang nakatitig dito, hindi makapaniwala. Nang hindi maglaho ang inaakalang aparisyon, unti-unting pumihit si Lynette sa pagkakaupo sa stool ng dressing table.
And there she was. Smiling at her with tears in her eyes.
"W-what are you doing here?" maang na tanong ni Lynette sa babaeng nanatili lamang sa pintuan.
"G-gusto lang kitang makita... sa huling pagkakataon, bago ka ikasal..."
"Papaano mong nalaman na ngayon ang kasal ko? How did you know I was here?"
"I was informed by your husband-to-be." Nakangiti pa rin nitong pinahiran ang mga luhang nalaglag na sa pisngi.
"S-si Aidan?"
"He contacted the lawyer na nangangalaga sa trust fund mong hindi nabawasan. Through him, nakuha niya ang address ko sa States."
Walang nararamdamang galit si Lynette para sa tunay na ina. Ni wala siyang nadaramang anuman. Pero sa kung anong dahilan, may kaligayahang unti-unting kumakalat sa kanyang dibdib dahil sa presensiya ng ina sa mismong araw ng kanyang kasal.
Now, she could fulfill her greatest dream.
Tumayo si Lynette at iniwan ang stool. Humakbang siyang palapit sa ina, na taas ang noo at may ngiti sa mga labi.
Huminto siya sa harap nito. "I made good, didn't I?"
"Yes... yes, you did." Muling natigmak ng luha ang mga mata ng ina. "L-Lynette... can I... hug you for moment?"
Hindi agad siya nakasagot sa kasimplehan ng hiling ng ina.
"S-sige na, anak." There was fear in her mother's eyes, takot sa inaasahang pagtanggi. "N-ngayon lang... and I will never bother you again."
Ikinibit niya ang mga balikat. "Go ahead."
Parang isinibat na palasong mahigpit na yumakap ang ina sa kanya. Yumugyog ang magkabilang balikat nito sa mga pinalayang hikbi. Hinagkan nito ang kanyang mukha—mabilis, maigsi, maraming mga halik.
Hanggang sa mamalayan ni Lynette na siya man ay lumuluha na rin.
"S-salamat, anak..." bulong ng kanyang ina bago tuluyang tumalikod.
Pinigilan ni Lynette ang isang hikbing tumakas sa kanyang lalamunan. "I... I just want to ask you something."
Nahinto ang ina sa tangkang paglabas na ng silid. Pumihit itong paharap sa kanya.
"Why... why did you gave me away? Wasn't I worth the fight you raised for my father?"
"Oh, honey, you were! Kinailangan ko lang gawin 'yon dahil—"
"Gusto mong balikan ang kasaganaang maipagkakaloob sa iyo ng ama mo." It was an accusation.
Marahas itong umiling. "Anak, hindi kita kayang buhayin. I was so young then, at wala akong alam na trabaho. Wala akong alam gawin kundi alagaan kayong mag-ama. Nang mamatay ang tatay mo, I was lost. I wish I could have brought you up with only my love, but it wasn't enough. You needed food, you needed things I couldn't provide.
"Nang ibigay kita sa kinagisnan mong mga magulang, you were so tiny. Payat na payat ka, galisin, at may sakit. It broke my heart to let you go, but you see, anak... I don't have any choice."
Hindi na napigilan ni Lynette ang mga hikbi. Parang prisang nabuksan ang kanyang mga luha. She realized now that she was mad at her for giving her away, itinatanggi niya lamang sa sarili.
But not anymore. It was as if may isang toneladang tinggang nawala sa kanyang dibdib. Isang toneladang tinggang pumipigil sa kanyang lumipad sa mga dako ng kaligayahang hindi pa niya nararating.
Bago pa niya namalayan, nahagip na ni Lynette ang magkabilang balikat ng kanyang ina. This time, siya na ang yumakap at nagtanim ng maliliit na halik sa mukha ng ina.
"C-can you be my mother... again, mama?"
Pareho pa silang nag-iiyakan nang pumasok si Joanne sa silid, dala ang kahon ng mga bobby pins na gagamitin sa kanyang buhok.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Joanne. Pagtatakang agad ding nasubhan nang magpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Marahil ay napansin ng kaibigan ang malaking pagkakahawig nila ng nakatatandang babaeng kanyang kasama.
Kinuha ni Lynette mula kay Joanne ang kahon ng bobby pins at iniabot sa ina.
"Can you help us fix my hair, mama?"
Bilang sagot, lalo lamang lumakas ang mga hikbi ng ina.
TUMUGTOG ang wedding march. Nagsimula ang entourage sa marahang paglakad.
Inip na inip na si Aidan. Pakiramdam niya, isang libong taon na siyang nakatayo sa harap ng podium na nasa gitna ng malawak na laguwerta ng bahay na magiging pugad nilang dalawa.
Nang sa wakas ay matanaw niya si Lynette, halos dumikit sa magkabilang tainga ni Aidan ang gilid ng kanyang mga labi.
For there she was, looking great and elegant—beautiful and happy—habang kaagapay nitong naglalakad ang ina.
It was Lynette's mother who gave him his bride.
"Take care of my daughter, young man," bilin nito bago muling niyakap ang anak.
"I will, ma'am, for the rest of my life."
HINAWAKAN ni Aidan sa siko si Lynette. Iginiya siya ng lalaki paharap sa solemnizing officer na magkakasal sa kanila.
"Dearly beloved, we are gathered here today..."
Natigilan ang nagkakasal nang biglang-bigla, walang kaabog-abog niyang pinihit si Aidan sa mga balikat at ginawaran ng maikli subalit malalim na halik sa mga labi.
Humugong ang tawanan, ang bulong-bulungan, ngunit tila hindi iyon alintana ni Aidan.
"What was that for?" nababaghan-nangingiting tanong ng lalaki.
Nangislap ang mga luha sa mga mata ni Lynette. "For making this moment the greatest day of my life."
BINABASA MO ANG
No Money, No Honey (COMPLETED)
RomanceDriven, dubious and ambitious -- iyan si Lynette Concepcion. She will work her ass off just to get what she wants in life at walang puwedeng humadlang. E ano kung tumibok ang puso niya sa hampas-lupang si Aidan? Abala lang ito sa pangarap niya...