CHAPTER TWO

740 25 1
                                    


Naiinis na inihagis ni Lynette ang hawak na papeles sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Lynette," tawag ni Joanne mula sa pinto ng maliit niyang cubicle. "Narito na 'yong i-interview-hin mong messenger."

Mabigat ang katawang naupo siya sa swivel chair. "Na-interview mo na ba siya?"

"Oo. Pumasa na sa akin kaya ikaw na ang mag-final interview."

"Ay, naku! Kapag ganitong hindi kaya ng division messenger natin ang needs ng mga sales agent, talagang kailangan ko nang mag-hire ng tao. Tingnan mo nga ang mga papeles na 'yan?" Itinuro pa niya iyon sa kaibigan. "Hindi naisama dahil puno na raw si Nante for today!"

"Cool ka lang." Napangiti na lamang si Joanne sa kanyang panggagalaiti. "Lahat ng bagay, may solusyon. In fact, narito na nga ang solusyon mo." Nagbuntong-hininga si Lynette at kinalma ang sarili. "All right, papasukin mo na kung sino man 'yang aplikanteng 'yan."

"Sandali at tatawagin ko."

Hindi naglipat-saglit, isang mataas at matipunong lalaki ang bumungad sa pinto ng kanyang cubicle. He was half-smiling na tila nag-aalangan.

Nagtama ang kanilang mga mata at pakiramdam ni Lynette, bumara ang kanyang puso sa kanyang lalamunan. Hindi maipaliwanag ni Lynette kung bakit bigla siyang nakadama ng paninikip ng dibdib at ng mainit na sensasyong tila apoy na kumalat sa kanyang katawan.

"Miss Lynette Concepcion?" untag ng simpatikong aplikante.

Saka lamang siya nahimasmasan. "A-ako nga. Tuloy ka."

Humakbang papasok ang lalaki. Hindi maiwasang pansinin ni Lynette ang katakam-takam na paghakab ng may kasikipang polo-shirt nito sa maskuladong katawan.

Katakam-takam... now, where did that word came from? kompronta ni Lynette sa sarili.

"P-please take your seat." Palihim siyang bumilang ng lima upang kalmahin ang eratikong tibok ng kanyang puso. "Nasaan ang application form mo?"

"Heto ho." Iniabot sa kanya ng lalaki ang isang pirasong papel.

Disimulado niyang pinagmasdan ang litrato ng lalaki.

He was good-looking, nobody could doubt that. Almond-shaped ang mga mata, matangos ang masinop na ilong and his lips... mamula-mula iyon at tila nangangako ng isang matamis na halik.

Now, how did I know that? Paano niyang idi-differentiate ang isang matamis na halik sa matabang o maasim? In her twenty-five years, hindi pa niya naranasang umibig. In her twenty-five years, she never allowed any man to kiss her nang labis pa sa halik sa noo o sa pisngi.

Itinaas ni Lynette ang paningin upang itutok sa mga matang nakapako sa kanya. She felt the urge to avoid his gaze pero pinigilan niya ang sarili. He doesn't have to know kung gaano katindi ang epekto nito sa kanyang sistema.

"Aidan Marc Villanueva, twenty-six years old." Binasa niya ang ilang datos. "According to your application form, second year college lang ang naabot mo sa probinsiya?"

"Oho."

"Galing ka pala sa J&J Enterprises?"

Tumango ang lalaki. "Messenger din ho ang dati kong trabaho."

"Then, bakit ka umalis do'n? At bakit mo naman naisipang dito mag-apply sa halip na sa malalaking kompanya na mas maganda ang benepisyo?"

"Umalis na kasi si Mr. Espejo, ang immediate boss ko. Hindi ko ho gusto ang bago kong amo kaya nag-resign ako. At saka kaya ko ho naisipan na dito magtrabaho'y para magkaroon ako ng oras na makapag-aral sa gabi. Gusto ko ho sanang mag-enroll sa susunod na semestre, kung pupuwede sana," hindi kumukurap na sagot ni Aidan.

No Money, No Honey (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon