Ang pagmamahal sa bayan ay isang napakalaking tungkulin ng bawat tao. Isa itong tungkulin na dapat pahalagahan at isapuso.Hindi dapat ito iwalang bahala nalang at iwaglit sa buhay. Napakahalaga nito sa bawat buhay ng mga tao, dahil ito ang tanging magagawa o tulong na maibibigay mo sa sa bansang kinalakihan mo . Maraming paraan para maipakita ang pagmamahal sa bayan. Pwedeng magsimula sa tahanan, igalang at sundin ang mga nakakatanda. Mahalin ang bawat miyembro ng pamilya. Sa paaralan, awitin ang pambansang awit nang may paggalang at dignidad, mag-aral ng mabuti at huwag liliban o magpahuli sa klase. At sa kung saan mang parte ng pilipinas dapat maging makatao, tulungan ang mga nangangailangan ng tulong at mahalin sila ng buong puso.Maging makadiyos , magsimba tuwing linggo, lumapit sa diyos at humingi ng tawad at magpasalamat.
Maging makalikasan , magtanim ng mga puno, iayos ang mga basura sa nabubulok at di nabubulok , at pangalagaan ang tubig at mga hayop.Ito ang mga ilang paraan para maipakita ang pagmamahal sa bansa. Kaya dapat lahat ng mga tao isagawa ang mga paraan na ito dahil dito natin naipapakita ang pagmamahal sa bansang sinilangan.
😊😊
YOU ARE READING
My Activity In Literature
RandomGrade 10, 11, 12 + 1st Year College My literature works