Sa mundong ginagalawan ng mga tao
Napakaraming biyaya ang natatanggap ng bawat isa
Biyayang kanilang hindi inaasahan ngunit sa huli ay kanilang ipinagpasalamatan
Sa puong maykapal na nasa kalangitanNang ako ay namulat sa mundo ng may asawa
Wala akong ibang hiling kundi magkaroon ng isang anak
At sa huli nga ako ay nagdalang tao, aking iningatan ng siyam na buwan sa aking sinapupunan
Lubos kong pinasalamatan ang diyos dahil sa biyayang kanyang pinagkaloobNang aking nasilayan ang maliit niyang mukha
Walang humpay na galak ang aking nakamtan
Nang siyay aking unang nahawakan todo ingat pa ako para hindi sya masaktan
Buong gabi ko tinititigan ,hindi nagsasawang siyay masilayanSa kanyang paglaki aking minahal ng lubusan
Binigay lahat ng pangangailangan , edukasyon man at ibang kagamitan
Hanggang ako ay nabubuhay sa mundo asahan nyang andito ako karamay niya sa hirap at ginhawa
Dahil siya ang natatanging ginto ng aking buhay at siya'y biyaya ng diyos na aking hiniling.
YOU ARE READING
My Activity In Literature
RandomGrade 10, 11, 12 + 1st Year College My literature works