Anekdota ng aking buhay

10.6K 23 1
                                    

Sa buhay ko maraming nangyari.Mga pangyayaring hindi naman maituturing na maganda at kapupulutan ng aral, pero sa dinami daming nangyari sa buhay ko masasabi kong hindi naman lahat ay pangit meron paring magandang nangyari sa buhay ko. Ito ay nangyari noong ako ay nasa ikawalong baitang ako. Isang pangyayaring nagdulot sa akin ng kasiyahaan at walang humpay na tuwa.

Biyernes ng hapon ng lahat ng studyante ay magsisiuwian na sa kanikanilang lugar. Ako naman ay umuwi rin sa bahay ,may ngiti ang gumuhit sa aking labi. Dahil hindi malayo ang aming bahay mula sa paaralan nakarating ako kaagad sa bahay namin. Pagkarating ko sa bahay nakita ko na may isang pamilyar na motor ang nasa tapat ng aming bahay. Ang motor ay kanya ng aking ama, ang ibig sabihin lang noon ay dumating na si inay at itay sa bahay. Tuwang tuwa akong pumasok sa bahay,dahil sa wakas masasabi ko rin ang noon ko pang gustong sabihin kay inay.

Sa nakalipas na buwan ,sa una pa lang ng pasukan ay nagpursige na ako sa pag-aaral. Nag-aral ako ng mabuti dahil ito lang ang paraan na naiisip ko upang mapagbigyan ako ng aking ina sa aking hiling. Araw araw ay pumapasok ako sa paaralan,hindi nagpapahuli sa flag ceremony at sa loob ng silig-aralan ay ako ay nakikilahok sa mga aktibidad. Kapag may takdang-aralin na ibinigay ng guro ay aking tinatapos pagsapit ng gabi para maipasa kinabukasan ng hindi nahuhuli. Ginagawa ko ito para sa isang hiling na gusto kong matupad pagdating ng araw na makakakuha ako ng mataas na marka sa darating na pagsusulit. Sa pagdaan ng mga araw ay dumating narin ang hinihintay kong araw ito ay ang pagsusulit. Natapos ko rin ng mapayapa ang aking pagsusulit. Sa bandang huli nakakuha ako ng mataas na marka.

Nang mahagilap ko ang aking ina sa kwarto ay agad kong niyakap ito.  Sinabi ko ang magandang balita sa kanya , na noon ko pang gustong sabihin sa kanya. Nang makita ko ang kanyang mukha ay isang malaking ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Malugod nya akong binati sa tinamasa ko. Dahil sa magandang reaksiyon ni nanay ay nasabi ko rin ang aking hiling, ito ay mabilhan ng bagong telepono. Ngumiti ito sa akin at sinabi na bibilhin nya ako ng telepono dahil sa parangal na aking nasungkit.

My Activity In LiteratureWhere stories live. Discover now