My Chubby Bunny

17 1 0
                                    

Alam mo yung nakakairita men? Eto yun eh, yung dati niyayakap nya ako okay lang tapos ngayon, sobrang naiirita ako? Halaaaaa. Oo crush ko lang sya at inaamin ko yun sa sarili ko. Pero Mahal? Di naman ata eh. Tapos nung nakaraang araw, sa twing lalapit ako sa kanya magtititigan muna kami tapos mamumula na sya tapos sasabihing "Grabe ang init pala" tapos iiwas sya ng tingin tapos aalis na. Pssssh. May sakit ang bestfriend ko kawawa naman.

"Best! Tignan mo yung Best natin! Nilalagnat ata!!" Sabi ko kay marta.

"Kahit kaylan talaga gunggong ka, tignan mong kinikilig ang Kumag tapos sasabihin mong nilalagnat? Kahit kaylan talaga wala kang alam!" Tapos sinamaan nya ako ng tingin. Hala anong ginawa ko? 1st day nya siguro ngayon.

Dumukot muna ako ng chocolate alam kong magugustuhan nya to.

"Oh eto chocolate!" Tapos hinagis ko sa kanya.

"Yey!! Paano mo alam na 1st day ko?"

"Wag kang tanga Bestfriend kita."

"Awwwww.. love you! Hinding hindi ko na talaga aagawain sayo si ace your loves mo!" Tapos tuwang tuwa pa sya.

Shem namumula ata ako. Yiiiieeh oo na kinikilig lang naman ako eh hahahaha! Lande!

"Anong aagawin mo ako kay Alex? Ano yun Best?" Tapos tinignan nya ako ng may pagtataka. Halaaa paano na ituuuuuuu!

"Aaah kasi naikwento sakin nito ni Alex na may project kayo sa English? Yung Romeo and Juliet? Gusto kasi ni Alex na magJuliet kaya naisip ko na kayo na lang yung magpartner tapos kunyare ako yung kontrabida mwahahahaha!!" Tapos nagevil laugh sya doon na parang evil talaga.

"Totoo ba yun best?" Tapos tumingin sya sakin and then again napatingin ako sa blackhole nyang mata oh Lord please eto na ba yung sign? Please answer me right now.

"Aha alam ko na Lord! Kapag umulan ng Pagkalakas lakas ibigsabihin eto na po yung sign nyo ha?" Bulong ko ng pagkahina hina. Hahahah kala mo Lord ha ang init init kaya :3

Tapos biglang dumilim ang kalangitan at biglang kumulog ng pagkalakas lakas na para bang sinasabi ni Lord sakin "Aba makulit kang Bata ka, ayan na nga eh, paulit ulit na lang ako nagbibigya ng sign ha? Slow mo ah." Hahahahaha eh kasi ang lakas talaga ng kulog eh.

"Tara na dun na tayo sa room baka umulan pa" yaya sakin ni Best at ni Patis

"Ayaw ko, may dapat akong malaman." Pagmamatigas ko.

At ano pa bang nangyare edi nabasa ako ng bonggang bongga! Waaaaaah! Lord sorry na ha? And Thank You po Lord!! Naniniwala na po ako sa inyo na sya na talaga ang para sakin <3

"Oy Best basang basa ka na nga tuwang tuwa ka pa? Yung totoo ano meron sa tubig ulan ngayon?" Sabi sakin ni Ace my loves OHMYG!! <3

"I love you My Chubby Bunny!!!" Sigaw ko kay Ace tapos niyakap ko pa sya ng pagkahigpit higpit tapos hinarap ko sya tapos yung mukha nya sobrang nagtataka na nagwworry na ewan. Hala baka nga hindi nya ako gusto pero sya yung tinadhana sakin ni Lord eh. Nararamdaman ko yun sya na talaga.

"Ay pasensya na ha?" Tapos namumula na ako tapos naiiyak ako kaya yumuko na lang ako. Buti na lang at basa pa mukha ko kaya hindi nya napansin. Nahihiya ako eh. Sobrang nakakahiya yung ginawa ko. Sht naman eh. Lord alam kong eto na sya oh. Alam kong sya na talaga. Sabi mo sakin diba? Pero bakit ganto ? Lord may tiwala ako sayo na sya na nga sadyang naguguluhan lang po talaga sya siguro ngayon.

Nagulat na lang ako nung inangat nya ulo ko tapos ngumiti at sinabing "Ang daya mo naman. Dapat ako yung unang magtatapat eh, bakit ikaw yung nauna? Ang daya daya mo. Atlis ngayon mutual na ang feelings natin sa isa't isa ah? So can we make it official My Chubby Bunny?" Tapos lumuhod sya sakin.

Now or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon