Haaaay.. Ayoko ng ganto! Bumabalik na naman ang sakit ko. Huwag naman sana Lord oh? Please. Para naman sa Taong minamahal ko. Para kay Mama, Marta, at kay Ace. Oh God please Help me.
"Okay ka lang ba Best?" Tanong sakin ni Marta. Oo nga pala wala syang kaalam alam sa Sakit ko. Hindi ko sinasabi sa kanya baka kasi mag-alala pa sya.
"I'm Okay." Maikling sagot ko.
"Tara na pala naghihintay na yung Boyfriend mo dun sa Simbahan. Minsan na nga lang tayo magsimba eh"
"Pwede bang wait lang? May pupuntahan pa kasi ako eh. Pero saglit lang talaga. 1hr pa naman bago magstart yung Mass. I'll be there I Promise"
"Pero nandun na si---" hindi ko na sya pinatapos, tumakbo na lang ako at sumakay sa taxi.
---------
Alam nyo ba kung saan ako pumunta? Sa Kuya ni Ace. Hindi pa kasi sya nakakaalis ng Bansa eh. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko to kahit alam kong masasaktan lang ako pero I must know kung malala na ba talaga yung sakit ko.
"Nandito po ba si Dr. John? John Castañeda." Tanong ko sa Nurse
"Yes She's here but Break nya ngayon so I don't know kung nasaan sya."
"Thank You po" tapos umalis na ako para hanapin si Dr. John
Kung saan saan na ako napadpad pero hindi ko parin sya makita. Saang lupalop na kaya ng Hospital na to yung Kuya ni Ace?
"Nawawala ka ata Ms. Alex?" Sabi sakin ni Dr. John yes nakita rin kita.
"Kaylangan ko na pong malaman kung gaano na po kalala yung sakit ko. Gusto ko na pong malaman kung mamamatay na ba ako. Kung oras na ba para iwan ang kapatid mo hangga't maaga pa para hindi na sya masaktan pa."
"Hey Don't say that Okay? Okay ka lang. Halika doon tayo sa Laboratory, ie-examine kita."
"Opo Kuya." Kinakabahan na naiiyak na ako. Hindi ko alam eh. Natatakot din ako ayoko pang mamatay gusto ko pang magkaasawa, gusto ko pang maging biologist, madami pa akong pangarap na gustong matupad kasama sya. Ayoko pa.
AFTER 1HOUR OF TEST
"Ano na po Kuya?" Gusto ko na ayaw kong malaman. Sht naman eh.
"I-I'm Sorry pero B-base on the Results.. You only have less than 1 year of living. But please don't give up. We can still cure you."
I knew it. MAY TANING NA AKO MAGDIWANG TAYO. Shit. Makikita mo yung lungkot sa mukha ni Kuya. Ako? Eto umiiyak na. Hindi ko na kinaya. Ang bigat sa kaloob looban sobra.
"Kuya sssshhhhhh... Promise?" Yan na lang nasabi ko. Ayokong malaman nila. Ayokong nag-aalala sila. Ayoko.
"Okay I promise in One condition, twice a week pumunta ka sa akin gagamutin ka namin hangga't kaya pa namin. We won't give up on you. Nakausap ko na rin yung Private Doctor mo, tutulungan daw nya ako. Okay?" Tapos nagpinky swear kami at niyakap ko sya. Wala namang malisya eh, pasasalamat ko na lang yun.
"Thank You nga po pala Kuya, sige na po alis na po ako at magsisimba pa po ako Kuya eh. Bye"
-------------
Nandito na ako sa Mass. 30minutes na akong Late yare.
"Oh bakit kakarating mo lang? Bakit pagod na pagod ka? At bakit parang umiiyak ka? May nangyari ba?" Tanong ng Boyfriend ko kahit kaylan napaka protective nito.
"I'm Okay, mamaya na tayo mag-usap ha? Nagma-Mass oh.."
"Okay.. Thank God your here. I Love You!!"
Mahal na Mahal nga nya talaga ako no? Lord paano na lang kung bigla akong nahimatay dyan at nalaman nila ang katotohanan? Ayoko silang malungkot dahil sakin baka pagsisihan ko yun.
Nung natapos ang Misa pumunta naman kami sa Restaurant. Parang Date na rin. Umuwi na si Marta eh baka daw panira sya ng moment.
"Alam mo ba Chubby Bunny kung ano yung pinagpray ko kanina?" Biglang sabi ni Ace sakin, mamimiss ko to kapag namatay na ako peksman :)
"Ano?"
"Na sana akin ka lang hanggang paglaki natin! Na magkakaroon tayo ng 3 Children! Si Athena, si Maria, and si Roy Alexis! Na tatanda tayong magkasama, magmamahalan ng pagkatagal tagal. Alam kong tutulungan ako ni Lord na tuparin yun. At tutulungan mo din akong tuparin ang mga pangarap ko na yun."
tapos niyakap nya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero umiyak na lang ako. Hindi tears of joy eh, yung iyak na sobrang nasasaktan ka. Wala pa nga pero napakasakit na. Paano pa kaya kung actual na? Hindi ko na kakayanin ito.
"Oh Bakit ka Umiiyak Mahal ko?" Sabi ni Ace habang pinapahid ang mga Luhang patuloy na umaagos. Sabi nga nila ang luha ay may 1% of water and 99% of feelings.
"Pinapakilig mo ako eh!!" Sinabi ko na lang para maging okay na ako. Kunyare wala akong sakit, kunyare wala akong nalaman, kunyare magtatagal pa kami.
"Tahan na pala Okay? Papakasalan pa kita." Then he kiss my forehead. I feel so alive! Yeah :D
"Okay. Kain na pala tayo gutom na ang Ahas ko sa tyan hahahaha!"
Kumain kami tapos nagkulitan kami sa loob ng Restaurant hahahaha ang cute lang namin. Nai-inlove na naman ako mwehehehe.
"Tama na pala hahaha!! Tara uwi na tayo?" Yaya ko sa kanya. Bawal nga pala ako masyadong magpagod, kaylangan kong patibayin yung Immune System ko.
"Oh sige tara hatid na kita"
Pumasok na kami sa Car nya at nagdrive sya papunta samin. Ang saya saya nya makasama sobra! Hinding hindi ka mabo-bored peksman.
"So Thank You sa Araw na to. I Love You Chubby Bunny!!!" Tapos nag flying kiss ako hehehe.
"I Love You Too My Chubby Bunny!! Alis na ako babye Mahal ko!" Tapos niyakap nya muna ako at hinalikan nya ako sa cheeks hehehe kilig much :3 tapos umalis na sya.
Pumasok ako sa Kaharian ko. Naligo, naghilamos, nagbasa at humiga sa kama habang nag-iisip na Paano na lang sila kung wala na ako? Iiyak ba sila? Hanggang kaylan na lang kaya ako mabubuhay sa mundong ito? Makakasama ba kita Lord? Sana po. Gusto ko pang maglakad sa aisle at sya nandun sa Altar. Ang saya no? Sana nga mangyari.
---------------
HELLO!! Ang tagal no? Wala eh, wala na kaming wifi and mahirap makasagap ng internet. Huhuhu. So mahirap din mag-UD.
I didn't force you to vote nor comment but anyway Thank You parin po sa mga nagbabasa nito :D :3 short story lang ito, maybe? XD hahaha xD Thank You Po sa mga nagcomment HEHE XD