Broken hearted Girl.

960 23 6
                                        

I know that i love you but let me just say. I dont wanna love you in no kind of way. ~
beyonce.

Sabi nila sobra daw masaktan ang isang babae. Lalo na emotionally. All girls born sensitive. Kaya madali silang masaktan. Masaktan sa mga bagay na sineryoso nila ng sobra. (if you know what i mean.)

Saan ba sila nasasaktan? Una, kapag binabaliwala sila pagdating sa buhay pag-ibig nila. Yung tipong hindi na-appreciate mga ginagawa nila. Ma-effort ang mga babae. In simple things or bigger one.

Kahit na yung ibang mga babae. Mukhang matapang. I assure you! Yan pa yung pinaka mahina. Ganyan naman ang girls eh. Madaling magtago... magtago ng nararamdaman.

Those fake smiles. Lahat na ata master ng isang babae yan lalo na pag may problem pa sila. Hindi ba't yung iba iniiyak? Ang mga tipo ng ganitong babae kapag may masakit deep inside in her heart doon pa tatawa. Para ng baliw kakatawa. But dont get me wrong, iiyak yan maya-maya. Why? Dinadaan na lang nila lahat sa ngiti.

Behind those smiles is a broken heart. Ang bilis kasi nila malungkot. Lalo na kapag dinibdib nila? Hindi sila maka-concentrate sa isang bagay. Maka-focus man, pero hirap sila.

Ang babae once nna masira ang puso nila. Yung iba nagbabago in a good way. But sometimes, yung iba. Hindi maganda ang pagbabago.

Once kasi masira ang puso nila, hirap silang maka move on. Ang babae, sinasabi niya man na naka move on na ako. But... deep inside. Masakit pa din sa kanya. Then dyan yung iiyak sila everynight. Iiyak sila at sisisihin yung sarili nila kunwari, kasi nagbreak sila agad. Iisipin niya siya ang may kasalanan.

Iba nga kasi masaktan ang babae. Huhugot sila ng sobra yung tipong bawat sabihin niya double meaning. Ang babae kasi, sobra nga magmahal. Sobra magbigay. Kaya ayun, inaabuso naman ng iba. Kaya ang ending? Ayun iniwan sila, na wala ng natira para sa sarili nila.

Pero iba din naman kapag naka move on na sila.

Dito na uusbong yung changes na sinasabi ko. Kasi madaming magbabago. Unahin natin physically.

Gaganda sila. Haha totoo to. Gaganda sila to the point na crying manang girl turn into Dyosa. Ewan ko, pero naniniwala ako sa kataga na kapag nakamove on ang babae gumaganda.

Emotionally? Tiwala? Doon nagpe-fade ang meron sila sa lahat ng tao. Yan hirap sa babae. Pag niloko ng isang lalaki sasabihin nila pare-parehas lang naman yang mga yan! But, don't blame them kapag nasasabi nila yun. Nasaktan lang sila. Yun lang. It takes one man to prove to one girl na mali ang paratang niya pagdating sa mga boys. Na may isa pa ding matinong lalaki ang hindi manloloko sa kanya.

So.

Tandaan: Huwag niyo sirain ang puso ng isang babae. Umiyak man sila. Naghabol. Umasa. Nagmukhang tanga. But one thing i assure you someday? Magugulat ka na lang sa pagbabago na magaganap sa kanya. Iba magising sa katotohanan ang babae. :)

GIRLS TALK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon