Credits to: Diary ng Babae ツ
Yung babaeng parang nanay mo na lage kang sesermonan dahil pumunta ka sa isang lugar na hindi ka nagpaalam at parang nanay mo na palagi kang pagsasabihan na ganito dapat mong gawin o ganyan, siya yung babaeng parang nanay mo na magagalit kapag hindi ka kumain sa tamang oras at palaging babantayan kung ano yung mga ginagawa mo at parang nanay mo kung mag utos. Siya yung babaeng bestfriend mo na magtatampo kapag hindi ka nakapag text agad o naka reply sa mga text niya, nagtatampo kapag hindi kayo nag kita o hindi kayo nag uusap, siya yung babaeng bestfriend mo na kapag hindi ka nakagawa ng assignment o project eh magagalit siya. Siya yung girlfirend mong sobrang mag selos kapag nakikita kang may kasamang ibang babae at siya yung babaeng magtatampo agad kapag hindi mo siya naiisip. Siya yung babaeng kahit childish man minsan eh sobrang sweet naman sayo kung magmahal.
Siya yung babaeng wagas kung magmahal at magpakita ng nararamdaman sayo. Kaya niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano siya ka swerte nung hawak mo ang kamay niya at gusto niyang makita ng lahat kung gaano ka niya kamahal. Yung babaeng kahit nagkita naman kayo kanina eh mamimiss ka agad kapag hindi kayo nagsasama. Siya yung babaeng grabe kung mag alala kung hindi ka nagpaparamdam at palagi kang kinukulit kapag nagiging seryoso ka, naiintindihan ka niya kung kailangan mo din sumama
sa mga kaibigan mo dahil alam niyang kailangan mo ding ng freedom dahil ganun din ang binibigay mo sa kanya. Yun bang babae na kahit madami mang crush ay ikaw padin ang iniisip sa buong araw at ikaw padin ang lalaking nagpapasaya sa kanya.Yung babaeng gagawin lahat malaman mo lang kung gaano siya kasaya kapag nagsasama kayo, naappreciate niya yung mga small efforts na gingawa mo dahil para sa kanya ikaw lang yung lalaking kayang gagawin yun. Yung babaeng pwede mong gawing nanay dahil masarap magluto at marunong mag alaga, yung babaeng bestfriend mo na magtatampo at yung babaeng mamahalin mo ng sobra at siya yung girlfriend mo.
BINABASA MO ANG
GIRLS TALK!
RandomWant to know what's inside of them? Or their secrets? Or why they cry so fast? Want to know? Why don't you just click read and find out? All rights reserved 2014 Want to know all? Then READ GIRLS TALK. ♥