Kapag sila ay ---

692 19 3
                                    

Kapag sila ay...

#1 umiyak. *1*

Asahan mo na aagos ng tawa sa mukha niyan. Tatawa ng ang weird weird ng dahilan. Hindi mo alam minsan ang babaw lang naman biglang tatawa. Tapos maya-maya iiyak na yan. GANYAN kasi ang girls, mas prefer nila tumawa muna sa umpisa bago iiyak. Well ganyan talaga,  asahan mo na kapag bigla silang tumatawa, sila pa yung may mabigat na problema. At sila pa yung gusto ng umiyak.

#2 NASAKTAN.

Asuall, ano nga ba ang babae kapag nasaktan? Iiyak gabi-gabi. Torturing her self. Lalo na kakain ng kakain. Depress sila, sa lungkot lalo na sa pagkain. Ganyan kasi kapag nasasaktan sila, manunuod ng mga drama movie hangga't madala sila ng flow nung story. Iiyak na naman. Aalalahanin lahat ng broken memories, aalalahanin yung mahal nila tapos iiyak ulit.Walang kasawaang iyak.

#3 INIWAN

Iiyak na naman. Walang katapusang iyakan. Sisihin sarili. Maghahabol. (Dipende sa sitwasyon) Magmumukhang tanga. Lahat na, lahat gagawin para lang huwag sila iwan ng taong mahal nila. Lahat ng babae gagawin wag lang sila iwan ng mahal nila. Nakakatuwa yung mga babaeng ganito, hindi dahil sa mukha silang tanga. Kung hindi pinapatunayan nila yung pagmamahal na pinaglalaban nila.

#4 NAG MOVE-ON

Yari na kapag nagmove on sila. Iba sila magising, magising sa pangyayari. Magising na may magtutulak sila na tama na. Tigil na! Mukha ka ng tanga.Doon sila magigising at mistulang kakalimutan ka na lang. Ewan ko lang, kapag may nakikita akong babaeng nagmu-move on. Gumaganda sila. Ganoon na lamang pala talaga nagagawa ng pagmu-move on no? Physically, emotionally, mentally lahat! Isasama sa pagharap mo sa panibagong bukas.

#5 na- INLOVE

Ngumingiti ng walang dahilan. Tatawa ng hindi mo alam. Masipag sa lahat ng bagay. Yung tipo bang manghahampas ng katabi kapag kinikilig. Ano pa ba ang pinaka simpleng sagot? Blooming sila. Yung tipong hindi na sila sumisimangot. Panay ngiti na lang ang makikita mo sa kanya. 

#6 Binaliwala.

Maghahabol. Mage-effort kahit na mukha na ngang tanga pinapatunayan pa. (Sorry girls!) May mga kilala akong mga babae na kahit na binabaliwala sila. Their always there. So if i were you boys, stop taken them for granted. Masakit kaya sa damdamin ng babae yun. Although yes! Sasabihin nila na Oo *OKAY LANG :)* Pero hindi mo alam...... umiiyak na yan.

#7 umiyak, nasaktan.

Sabi nila, mahalaga ang luha ng bawat isa. Even if girls, boys, gay, lesbian or whatsoever. Lahat ng luha natin mahalaga walang excempted. Ang saya di ba? Ang meaning kasi ng luha kapag lumabas ito sa mga mata ng bawat tao asahan mo kaakibat ng luha na yun yung part na masakit. Na nasaktan ang isang tao. Ang luha, ang hirap pigilan. Lalo na kapag sumisikip yung dibdib mo. Ang sakit sakit ng nararamdaman mo na halos hindi mo na kaya. Kaya huwag mong pigilan, mas mahirap. 

#8 Nag-EFFORT.

Asahan mo kapag nageffort sayo ang babae.Ang ibig sabihin special ka para sa kanya. Kumbaga, importante ba. Bihira lang din mageffort ang babae. Bihira man, pero kapag ginawa nila yun, sagad-sagad naman. Sobra-sobra. Kaya pahalagahan natin yung mga ganitong babae, appreciate those efforts. Hindi naman nila hinihiling na bigyan din sila ng effort ng tao na ginawan nila nito. Ang gusto lang nila ma-appreciate mo ito. Ikaw na lang bahala kung gusto mo din ibalik sa kanya.

#9 NAGMAHAL.

Gagawin lahat. Kaway-kaway naman sa mga babaeng nagmamahal dyan. *insert yakap here*

----

KAPAG SILA AY,.... ♥

GIRLS TALK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon