Single Lady.

412 15 1
                                        

Kapag single ka, wag munang lumandi. 

 Kapag naman kakabreak lang, wag agad agad hahanap ng iba. May ibang babae kasi na kapag kakabreak lang o kakatapos lang sa isang masakit na nakaraan eh dinidibdib yung process ng pagmu-move on. Hindi lang halata, bakit? kasi kapag tinanong mo sila ng

"Naka move on ka na?"

tapos ang isasagot ng babae

"Oo naman, ako pa?"

Well sa ibang tao lang niya maaring sabihin mo, pero kapag bestfriend or malapit ang nagtanong sa kanila ang sasagit nila.

"Hindi pa beh eh. *insert sad tone here.*"

See? Ang hilig mag pretend talaga ng mga babae. 

Eh kasi nga nasasaktan. 

So, kapag single ka ngayon, huwag kang masyadong magmadali sa mga bagay. Just go with the flow girl! Mas masaya kayang single kasi walang commitment. Masasaktan ka pero hindi naman sobra. Hindi mo namang maiiwasang maging bitter kapag may nakita kang mag jowa na naglalakad sa park tapos kulang na lang ipanalangin mo na magbreak sila agad.

BITTER?

Ganyan minsan ang babae. Bakit ba nagiging bitter? Kasi nasaktan.

Umasa.

Nag assume.

Pinaasa.

Mga ganun. Kaso, masama maging bitter. I mean, hindi ka naman forever ALONE! Meron kang kaibigan na pwedeng magpasaya sayo. Kaya akala mo alone ka kasi single ka, hindi ka marunong mag appreciate ng ilang bagay. Just be happy, magugulat ka na lang at mari-realize mo na kahit maliit na bagay ay mahalaga.

Don’t stress. Do your best. Forget the rest.

Be patient and stay STRONG! I-enjoy mo lang ang pagiging single just enjoy yourself! Be happy. Kapag masaya ka na sa sarili at nasa paligid mo. Hindi mo namamalayan dumadating na yung hinahanap mo. :)

---

A/n:

More love advices! Nasa works ko po yung Love quotes and advice's. Free to read. <3

/Ordineri.

GIRLS TALK!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon