Dedicated to MS_ARCHAEOLOGIST
Kasalukuyan kaming namamasyal nina
Aliyah kasama si Andres. Dito kami sa
UST namasyal dahil medyo pahapon na.
Maganda dito sa UST nagagandahan
ako sa ambiance ng lugar na ito.Parang gustong gusto ko ang lugar na
ito. Madaming halaman at iba pa."Teka lang Sam ah! May nakita akong
gwapong chinito." Sabi ni Aliyah at bigla
siyang tumakbo at kung saan pumunta."Huy Aliyah!" Tawag ko pero di niya ako
nilingon. Hay nako baka kung san yun
pumunta.Napatingin naman ako kay Andres na
ngayon ay seryoso ang tingin. "Bakit
Andres may problema ka ba?" Tanong
ko sa kanya. Napatingin siya sakin at
napailing.Lumakad naman kami hanggang sa
makarating na kami sa Arch of the
Centuries. Napangiti naman ako ng
makita ko iyon."Binibini... Nais ko lang magpasalamat
sa iyo dahil pinatuloy niyo ako sa inyong
tahanan kung hindi dahil sa inyo.""Wala akong matutuluyan ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa inyo lalo na sa iyo. Ngunit... Kailangan kong bumalik sa
nakaraan kung saan talaga ako nagmula.
Sa panahon kung saan ako nararapat na
mabuhay... Pero malaki ang pasasalamat
ko sa diyos dahil nakilala ko kayo...." Sabi
niya."At malaki ang pasasalamat ko dahil
nakilala kita.." sabi naman niya na
ikinapula ng mukha ko.Inayos niya ang buhok ko na nakaharang
sa mukha ko. "Aalis kana agad." Sabi ko
sa kanya. Napangiti siya. "Hindi. Hindi
muna." Sagot niya. "Halika na binibini
baka bumalik na si Aliyah."Andres Bonifacio
Kakauwi lang namin galing sa aming
pamamasyal. Nakahiga na ako sa aking
higaan habang nakatitig sa mga bituin
sa langit.Hindi ko maiwasang mapangiti ng aking
maalala ang magandang mukha ni Sam
kanina habang kami ay nasa Plaza Santo
Tomas.Maganda si Samantha at mabait ngunit
sana ay simpleng paghanga lamang ang
aking nadarama sapagkat baka dumating
sa punto na ayaw ko nang umalis sa tabi
niya. Sana ay lagi kong masilayan ang
maganda niyang mukha.Sapagkat isang hakbang na lamang ay
maari ng.... Mahulog ang loob ko sa
kanya.Samantha Ignacio
Hay mukhang napasarap ang tulog ni
Aliyah ah. Hindi ako makatulog ng
dahil sa iniisip ko..Si Andres ay kakaiba sa mga lalaking
nakilala ko. Mabait, matiyaga, masipag,
matalino at matapang. Hindi nga malabo
na siya'y kabaliwan ng mga babae.Pero ano ba itong nararamdaman ko?
Baka nga may crush na ako kay Andres.___
"Magandang umaga binibini." Bati niya
saakin. "Maagang umalis si Binibining
Aliyah sapagkat may kailangan daw
siyang asikasuhin sa tea shop." Sabi
niya.Dumeretso ako sa banyo at naligo.
Kailangan ko ng pumasok sa tea
shop ngayon baka ma late ako.After kong maligo as usual nagbihis na
ako ng uniform. Inayos ko ang aking
bag at biglang tumunog ang phone ko."Hello?"
"Hello Samantha this is me Direk John.
Ngayon na pala magsisimula ang set
natin." Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero
direk may shift po ako ngayon." Gusto ko
talagang pumunta ng shooting kaso..."Don't worry na. Nasabi ko na kay Aliyah
na may shooting tayo ngayon. Pumayag
naman siya. Kaya sasabihin ko sa'yo
kung saan tayo sa Intramuros ngayon."
Binaba niya na ang phone at napangiti
ako. Mukhang matutupad ko na ang
mga pangarap ko.__
"Manong dito nalang po." Itinigil naman
niya ang kalesa na sinasakyan namin.
"Salamat po." Tumango lang siya at
umalis na. Mukhang dito ata yun.Pumasok ako para magtanong kung
dito nga ang exact address na sinabi
ni Direk."Oh, you're here na pala Miss tara na at aayusan na kita." Sabi nung isang lalaki pero hindi siya mukhang make up artist mukha siyang kidnaper.
Nagulat ako nung bigla akong itinali ng
lalaking iyon. "Bitawan niyo ako ano ba!"
Sabi ko habang pumapalag mukhang
na uto ako ng mga ito ah."Ano miss. Uto uto ka ata eh ang bilis
mong maniwala. Pero wala kanang
takas ngayon.""Kuya parang awa mo na. Wala akong
ginagawang kasalanan sa inyo." Sabi
ko habang umiiyak."Pasensya na miss... pero wala kanang
magagawa." Umiyak nalang ako ng
umiyak. Pumasok naman ang isang
lalaki at may dala siyang latigo.Ay diyos ko. Sana ay tulungan niyo ako
sa ano man ang pwedeng mangyari sana
ay may magligtas saakin.Binuhat naman ako ng dalawang lalaki
at iginapos sa lubid. Bigla ko namang
naramdaman ang paghampas noon sa
akin. O shems! Uso pa pala ang ganito
akala ko electric chair o kaya firing squad
ang gagawin nila.Nakaramdam ako ng ilang hampas at
halos mapahiga na ako sa sobrang sakit
ng buong katawan ko. Sira na rin ang
damit na suot ko.Nagulat ako nung may isang lalaki na
sumigaw at parang may something.Nanlalabo na ang mga mata ko ng dahil
sa kaka iyak. "Diyos ko! Binibini ano ba
ang nangyari sa iyo?!""A-Andres.." halos hindi ko na masabi
ang pangalan niya dahil parang tumagos
yung mga tama sa kaloob looban ko."Binibini, patawarin mo ako kung nahuli
ako ng dating." At tinangal niya ang mga
tali sa kamay ko. Ng matangal ay agad
niya akong kinalong."Binibini lumaban ka.." Napansin ko na
may mga sugat din pala siya sa pisngi
at dumudugo ang kanyang mga labi."Binibini pakiusap lumaban ka. Wag kang
susuko..." Umiiyak na siya at binuhat niya
ako. Unti unti ng nandilim ang paningin ko.___
"Bestfriend! Gumising kana parang awa
mo na oh!" Nakarinig ako ng iyak ng
babae at si Aliyah yun."Ano ba Aliyah ang ingay mo." Sabi ko
Sa nanghihinang boses. "Bespren buhay
kapa!" Tapos bigla niya akong niyakap.
"Aray!" Napasigaw ako nung mahawakan
niya ang mga sugat ko."Ay sorry!" Sabi niya. "Nasan si Andres?"
At luminga-linga pa ako sa paligid."Bes, ayos lang siya. Nasa condo siya
para kunin ang iba mong damit. Babalik
din siya agad." Sagot naman niya at
umupo siya sa isang sofa malapit sa
kama ko."Bes ayon sa mga police. Isang sindikato
ang mga gumawa sa iyo niyan marami
narin silang nabiktima. Pasalamat ka
dahil ikaw lang naka survive sa kanilang
lahat." Sabi naman niya."Pasalamat karin kay Andres dahil siya
ang naglitas sa iyo." Patuloy naman niya.Nagulat naman kami nung bumukas ang
pintuan. "Binibining Samantha." Sabi niya
at agad siyang lumapit saakin."Kamusta kana? Ayos ka lang ba?"
"Ehem. Lalabas muna ako ah tatanungin
ko lang yung doktor." Sabi ni Aliyah at
lumabas siya.Napatingin ulit ako kay Andres at agad
na nanligid ang mga luha ko."Salamat at patawad.." nagulat naman
siya sa mga sinabi ko."Bakit ka humihingi ng paumanhin?"
"Patawad kasi.. napahamak kapa ng
dahil sa'kin. Ng dahil sakin nalagay
pa sa panganib ang buhay mo." At
tuluyan ng bumagsak ang mga luha
ko."Binibini. Karapatan ko ang iligtas ang
buhay ng mga tao dahil isa yuon sa mga
responsibilidad ko. Lalo na ikaw dahil
espesyal ka saakin at ayaw ko na ikaw
ay nasasaktan." Nagulat naman ako sa
sinabi niya."Ingatan mo ang sarili mo. Wag mong
hahayaan na malagay sa panganib ang
buhay mo sapagka't handa akong i alay
ang buhay ko para sa iyo..."
BINABASA MO ANG
A Hero In A Modern Time 1 (Completed)
FanfictionMeet Samantha Nicole A. Ignacio a simple girl living in a Simple life. But it will change if she meets Andres Bonifacio. kilalanin natin ang Supremo. At abangan ang takbo ng buhay nito pag nakilala niya ang babae na nabubuhay sa Modernong panahon.