Chapter 5

91 9 16
                                    

Dedicated to chunnietine

After ng pangyayaring iyon ay binigyan
muna ako ni Andres ng space dahil
alam niyang nagtatampo ako sa kanya.

Ewan ko kung bakit ganito ako mag
react.

Ang alam ko ay Crush ko lang naman
siya.. Ang kinakatakot ko ay baka higit
pa dun ang nararamdaman ko..

Kasalukuyan akong nasa tea shop
ngayon at ako nalang mag-isa.

Pinauna kona si Aliyah umuwi dahil
alam kong pagod na siya. Napatingin
ako sa relo ko 11: 40 pm na.

Napagdesisyunan ko na umuwi at ng
naisarado kona ang shop nagulat ako
ng makita si Andres sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah."

"Sinabi sakin ni Aliyah na narito ka kaya
sinundo na kita dahil delikado na ang
umuwi ng ganitong oras." Sabi naman
niya.

"Hindi mo naman kailangan pumunta
dito kaya ko namang mag-isa."  eh totoo naman eh buong buhay ko ako lang mag-isa ako lang ang nagpalaki sa sarili ko kaya naman maaga akong namulat sa totoong mundo.

Maglalakad na sana ako kaso pinigilan
niya ako.

"Binibini wag mo naman akong iwasan
ng ganito. Hindi ko kaya." Sabi naman
niya.

__

Nasa park kami pansamantala at kami
lang ata ang tao dito.

"Patawarin mo ako sa hindi ko pagdalaw
sa iyo nung mga panahon na kailangan
mo ng karamay." Sabi naman niya.

"Ayos na yun.." mukhang wala na akong
magagawa eh.

Napangiti naman siya at nagtitigan kami.

Mamaya ay inilapit niya ang mukha niya
saakin at naramdaman ko ang halik niya.
Nagulat naman ako sa ginawa niya. Kaya
naman nakamulat lang ako.

"Binibini..."

Bigla naman akong napatayo. Hala
ano yun bakit may ganun?!

"Binibini--"

"Ba't mo ginawa yun?" Tanong ko sa
kanya. Sinubukan kong pakalmahin ang
sarili ko. Inhale.......exhale....... inhale..... exhale...

"Binibini sapagkat mahal kita.." Gulat
naman akong napatingin sa kanya.

"Ano?" Para makasigurado. "Mahal kita."
Sabi niya ulit.

Hindi naman ako makasagot nakanganga lang ako.

"Alam kong masyadong mabilis ang lahat
para sayo. Pero totoo ang mga sinasabi
ko. Akala ko simpleng paghanga lamang
ang lahat ngunit napagtanto ko na mahal
kita."

Hindi ko kayang magsinungaling na
ganon din ang nararamdaman ko para
sa kanya. Lumapit ako sa kanya at
niyakap ko siya.

__

Gumising na ako at feeling ko ang ganda
ganda ng araw ko ngayon.

Bumangon ako at nag-inat. Kinuha ko
ang phone ko at sinaksak yun sa speaker
namin.

Pinatugtog ko ang In the name of love
ni Bebe Rexha at ni Martin Garrix.

Habang nagtutupi ng kumot ay di ko
maiwasan na kumanta at sumabay
sa music.

"Huy bes anyare sayo?" Napailing naman
ako habang nakangiti. "Good mood ka
ngayon ah." Napatango ako syempre
naman dapat happy lang no.

"Tara na nga bes kumain na tayo." Yaya
niya sakin. "Teka wait lang." Sabi ko at
kinuha ko yung suklay at nag suklay ako.
Kinuha ko rin yung powder at ginamit
din iyon.

"Teka nga bespren! Iba ka ngayon ah
san ka pupunta? Himala at nagayos
ka bago lumabas ng kwarto." Di ko
nalang siya pinansin at lumabas na
ako.

"Magandang umaga." Sabi ko sa kanya.

"Mas maganda ka sa umaga, Samantha."
Kinilig nanaman ako. Okay sa ako na
talaga ang maharot dito. "Teka nga!"
Bigla namang umepal si Aliyah sa
harap namin.

"Ano yung narinig ko? Bakit may pick-up lines sa umaga? Don't tell me." Sabi niya
tapos nanlaki ang mga mata niya.

"Kayo na?!" Sigaw niya. "Oo." Nakangiti
na tugon ni Andres. "Omg! Girl taken
kana pala ba't di ko man lang alam yan
hah! Ba't di mo ako in update sa status
mo?" Hay nako sabi ko nga ba.

"Kagabi lang naman naging kami." Kyahh!
Di ko mabanggit ng ayos kasi kinikilig
ako.

First time ko to my gosh sarap sa feeling.

"Kumain na tayo nagluto ako ng paborito
mo Samantha." Pumunta kami sa kusina
at kumain.

A Hero In A Modern Time 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon