Dedicated to StrangelyAnonymous
"Ingatan mo ang sarili mo. Wag mong
hahayaan na malagay sa panganib ang
buhay mo sapagka't handa akong i alay
ang buhay ko para sa'yo."Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang
mga sinabi niya. Handa daw niyang i
alay ang buhay niya para sa'kin pero
bakit?"Bes kumain kana oh. Nagluto si Andres
ng pagkain para sayo.""Nasan siya?"
"Hindi ko alam." Sagot niya.
"Ano?!" Napasigaw ako ng wala sa
oras. "Pasensya na bes ah. Wala
kasi siyang sinabi kung saan siya
pupunta." Sabi naman niya.Kinain ko nalang ang dala ni Aliyah na
pagkain at hinintay ko si Andres na
dumating.Ngunit gabi na ay wala parin siya. Napatingin naman ako sa relo.9:30pm tapos na ang visiting hours. Dismayado akong nahiga at natulog.
__
Ilang araw narin akong nandito sa ospital
pero wala. Hindi dumadalaw si Andres.
Nakaramdam ako ng pagtatampo ng
dahil sa pinapakita niya."Bes tara na umuwi na tayo sa condo."
Kaya naman napangiti ako ng kaunti.__
Pagdating namin sa condo ay agad kaming sinalubong ni Andres.
Wow! All the time nandito lang pala siya!
Ni hindi man lang siya dumadalaw! Di man lang niya naisip ang nararamdaman
ko! Walang sulat! Walang kamusta! Kahit
ano wala!Padabog kong binaba ang bag ko at
dumeretso sa kwarto.Aliyah Mariano
Hala galit ang bespren ko. Matindi pa
namang magalit yang si Samantha. Tsk.Napatingin naman ako kay Andres na
ngayon ay mukhang malungkot ang
mukha."Ayan kasi hindi mo siya dinalaw galit
na tuloy yan sa iyo." Hindi naman sa
kinokonsenya ko siya pero dapat alam
niyang galit sa kanya si Samantha."Mukhang mahihirapan ka niyan.." sabi
ko pa sa kanya."Pasensya na dahil di ko kayo nadalaw
sapagkat naghahanap lamang ako ng
paraan para makabalik sa panahon ko."
Pagso--sorry niya."Desidido kana talagang bumalik sa
panahon mo?" Tanong ko sa kanya."Oo.." malungkot niyang tugon.
Napatingin naman ako sa pintuan ng
kwarto namin ni Samantha at nakita
kong nakasilip siya dun habang umiiyak.Nung napansin niyang nakatingin ako
sa kanya ay sinarado niya ang pinto.Mukhang tinamaan na si Samantha kay
Andres..Samantha Ignacio
Nakahiga lang ako sa kwarto ko habang
umiiyak nakarinig na ako ng ilang katok
pero di ko yun binubuksan.Bakit ganun? Lahat nalang ng tao na
mahalaga sakin ay iniiwan ako..Kagaya ni papa na maagang namatay
ng dahil sa sakit na Tuberculosis at si
mama naman ay namatay ng dahil sa
breast cancer.. si lola ganon din. Halos
wala ng natira sakin. Buti na lamang ay
nandyan si Aliyah. Kung wala siya ay
walang wala na ako ngayon.At ngayon isang importanteng tao pa
ang mawawala sakin at iiwan ako..."Samantha buksan mo ang pintuan."
Sabi pa ni Aliyah pero di ko yun bubuksan
bahala sila diyan..Narinig ko naman ang pag galaw ng
doorknob kaya naman nag taklob ako
ng kumot."Samantha..." Si Andres pala..
"Alam kong masama ang loob mo sa
akin. Pero wag mo naman idamay ang
iyong kalusugan. Kumain kana pakiusap."
Sabi niya sakin pero wala ayoko kumain."Samantha nararamdaman ko na aalis
na ako sa panahon na ito---""Bakit ba lagi nalang ganito?! Bakit lagi
nalang akong nasasaktan?! Bakit lagi
nalang akong iniiwan.." Di ko na kaya
feeling ko sasabog na ako sa galit at
sa lungkot."Lagi nalang ba ganito ang takbo ng
buhay ko paulit ulit na nasasaktan..""Binibini.. ayaw kitang iwan ngunit wala
akong magagawa kailangan bumalik ako
sa panahon na aking kinagisnan." Sabi
naman niya.Umiyak nalang ako at naramdaman ko
na niyakap niya ako pero agad din akong
kumalasAyaw ko na pagod na akong masaktan
at maiwan...
BINABASA MO ANG
A Hero In A Modern Time 1 (Completed)
FanfictionMeet Samantha Nicole A. Ignacio a simple girl living in a Simple life. But it will change if she meets Andres Bonifacio. kilalanin natin ang Supremo. At abangan ang takbo ng buhay nito pag nakilala niya ang babae na nabubuhay sa Modernong panahon.