Halos isang oras na akong paikot-ikot
dito sa gubat pero di ko parin nakikita
si Andres.Nagulat ako nung parang umikot ang
paligid at nag iba na ulit yung itsura
ng lugar.Nagulat ako ng makita ko si Andres na
nakaluhod sa gitna habang naka gapos.
May mga sundalo din sa gilid na may
hawak na baril."Andres!" Sigaw ko. Napatingin naman
siya sakin at napangiti. "Samantha."
Mahinang bulong niya pero kahit ganon
narinig ko parin siya dahil malapit ako
sa kanya.Bigla naman akong hinuli nung isa at
tinali rin ako."Bitawan niyo siya!" Utos pa ni Andres
na puno na ng sugat ang buong katawan."Kunin ang lapastangan na babaeng ito."
Salita naman nung isang lalaki na sa
tingin ko ay ang leader nila.Hinila naman nila ako. "Hindi bitiwan
niyo ako! Andres!" Sigaw ko pa."Paputukan siya!" Bigla naman akong
nanghina ng tuluyan na nilang binaril
si Andres."Hindi!" Umiyak na ako ng todo. "Hindi!
Andres!" Sigaw ko. Nakawala naman ako
sa hawak ng mga gwardya. Tumakbo ako
papalapit sa katawan niya."Hindi Andres mahal ko..Wag mo akong
iwan.. pano nalang ang pangako mo sa
akin na hindi mo ko iiwan." Iyak ko kahit
alam kong hindi niya na ako naririnig."Hayaan niyo na yan. Iwanan na natin
sila." Sabi nung leader at umalis na sila
habang tumatawa. Ang kapal ng mukha
nila! Ipinagpalit lang ng dahil sa pera!Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang
sa nanghina nalang ako at nawalan ng
malay..__
"Bes gising na aalis na ako!"
"Si Andres! Si Andres wala na siya Aliyah
pinatay na siya!" Iyak ko at hinawakan ko
si Aliyah sa braso kita ko ang pagkagulat
sa mukha niya."Si Andres patay na siya.."
"Wala na tayong magagawa Samantha.
Nangyari na ang dapat mangyari wala
na tayong magagawa pa."Niyakap niya nalang ako at umiyak ng
umiyak.May nahawakan naman ako na bagay
sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakita
ko ang isang papel.Samantha.
Binuksan ko naman iyon at binasa..
Samantha aking mahal,
Alam kong mababasa mo ang sulat na ito kahit wala na ako sa mundong ito.
Una sa lahat nais kong magpasalamat
dahil hindi mo ako pinababayaan nung
mga panahon na ako ay hindi mo pa
kilala.Samantha, sana ay mabuhay ka ng
masaya. Mabuhay na walang inaalalang
lungkot, pighati at poot. Sana ay lagi kang
nakangiti. Sana ay lagi kang masaya kahit
ako'y wala na. Hindi ko nais na sa ganito
mauwi ang ating pag-iibigan. Ako'y lubos
na nagkulang sa iyo aking mahal.Sa ganitong situwasyon man nauwi.
Pero ang aking pagmamahal sa iyo ay
hindi maglalaho sapagkat ito'y nakabaon
na sa aking puso. Maraming salamat sa
lahat lahat. Tandaan mo na lagi akong
nasa tabi mo. Lagi kitang babantayan
at ika'y aking gagabayan.Te amo mi bella dama. Adiós.
Hanggang sa muli nating pagkikita Mi
Amor
- Andres BonifacioUmiiyak ako habang binabasa ang sulat
niya. Maraming salamat din sayo Andres
ng dahil sayo natuto akong umibig kahit
saglit lang. Nawa'y masaya karin palagi
kung nasaan ka man ngayon.Salamat at paalam, Andres Bonifacio.
___
Ouch sakit talaga. Hay buhay okay lang
yan Samantha nandito pa kami at si
Aliyah.Don't worry guys makatarungan ang
ending nito promise!And i present the theme song of A Hero
In The Modern Time.Consequences by Camilla Cabello.
Pakinggan niyo itong song na to. Iiyakan
kayo. Bagay na bagay ang song na ito
para sa story na ito. Panoorin niyo rin
ang Music video nito iiyak talaga kayo
promise.Na LSS na rin ako eh. Sakit kasi.
BINABASA MO ANG
A Hero In A Modern Time 1 (Completed)
FanficMeet Samantha Nicole A. Ignacio a simple girl living in a Simple life. But it will change if she meets Andres Bonifacio. kilalanin natin ang Supremo. At abangan ang takbo ng buhay nito pag nakilala niya ang babae na nabubuhay sa Modernong panahon.