Intramuros 2090
Casa Mariano."Ako nga pala si Lola Severina ako ang
apo ni Lola Aliyah na siyang may ari
nitong museo na ito.""Lola Severina... Sino nga po pala ang
nag paint ng painting na iyon?" Turo ng
isang turista ang nagtanong at tinuro ang
painting na nakasabit sa ding ding.Isang babae na nakatalikod at may
koronang bulaklak sa ulo. Nakalabas
din ang braso nito."Ah hijo.. pasensya kana ah. Di ko kasi
alam. Ang sabi lamang ni Lola ay itago
ko ang painting na iyan dahil mahalaga
daw iyan." Kwento naman niya.Samantalang lumapit naman ang lalaki
sa may painting at parang may hiwaga
ito. Parang may kakaiba sa painting na
iyon. Nakita naman niya ang Signature
sa baba na ang nakalagay ay AB.Naglibot nalang siya sa museo at nakita
niya ang picture ni Andres Bonifacio."Kilala mo ba siya hijo?" Tanong ni Lola
Severina. Napatango naman ang lalaki
habang nakatingin sa picture. "Sadyang
inilagay iyan ng lola ko para lamang daw
iyan sa kaibigan niya na si Samantha.""Sino po siya lola?" Tanong ng lalaki.
"Siya ang matalik na kaibigan ng lola ko
simula pag kabata. Sabi naman niya ang
lalaking iyan ang nagpatibok sa puso ni
Samantha. Siya raw ang una nitong pag-ibig." Kwento ni Lola Severina.Nagtaka naman ang lalaki at parang siya
ay nahiwagaan at nagpagtanto niya na
magkaiba ang panahon na pinagmulan
nila."Napakahiwaga ng kwentong iyon hindi
ba?... O siya sige apo. Aalis na muna ako"
Paalam ni Lola Severina.Napatingin naman siya ulit sa picture
at napangiti siya."Ngayon alam ko na." At napatingin siya
sa may painting na babae na nasa harap
lang nang picture ni Andres Bonifacio.Te amo Samantha Ignacio.
- AB.
Dedicated to iambuffalopringles
BINABASA MO ANG
A Hero In A Modern Time 1 (Completed)
FanfictionMeet Samantha Nicole A. Ignacio a simple girl living in a Simple life. But it will change if she meets Andres Bonifacio. kilalanin natin ang Supremo. At abangan ang takbo ng buhay nito pag nakilala niya ang babae na nabubuhay sa Modernong panahon.