CHAPTER 2
Let It Rain
--RAIN--
Tapos na ang klase and Nate didn't attend the half of it. Kalungkot no? Just when I'm being so sad about our situation.. Then, he won't show up. Disaster.
Lumabas na lang ako ng room at sinuot ang earphones ko, I listened to some songs but mostly ballads. Errr... Bakit ba kasi ang lakas ng drama ngayon?
Tinignan ko ang parking lot mula dito sa fourth floor, wala pa din si Nate sa tabi ng kotse niya. But, his car is there. I was walking down stairs when my phone vibrated.
I read the text: 'Don't go to the parking lot, yet. Be there later 5:30PM. Okay? Believe me on this.'
Nangunot ang noo ko, it's a text from Nate and I have no idea on what he is talking about. Hindi na ako nag-reply at naghintay na lang dito sa ikatlong palapag, waiting for Shinn, of course.
Sakto, bumukas ang pinto at naglabasan na ang mga mag-aaral then my eyes caught someone... A tall, handsome guy. Waah! Bawal ako manlandi, I'm in the middle of drama.
Nanatili akong tulala sa lalaking iyon then Shinn snapped her fingers in front of me, "Hoy! Hoy! Ulan, sinong tinititigan mo?" Tanong niya sakin. "Aha! Si Kaleb!"
"A-Ano? Anong Kaleb ka dyan? Eh, ni hindi ko nga yon kilala, e!" Sabi ko sa kanya.
"Si Kaleb yung sinusundan ng titig mo, e! I'm pretty sure!"
"At pano mo naman nalaman ang pangalan niya?"
"Like hello? We're classmates and duh, he's popular. Nag-transfer lang siya last week tapos may fanclub agad. Tinde, no?"
"I see.." Sabi ko. He seems so mysterious. I mean, I never saw him with some of his friends when he went out of the room.
Bumaling ulit ako sa nagsasalitang si Shinn. "Bakit ka ba nandito sa third floor? Di ba dapat hinahatid ka na ni Nate sa inyo?"
Napataas ako ng kilay. "Ah... Kasi, mamaya na lang daw ng 5:30PM kami magkita sa parking lot, e." Sabi ko sa kanya.
"Gusto mo tara muna sa field? Paanuorin natin ang soccer game nina Zeke?" Yaya niya sakin at wala na akong ginawa kundi ang um-oo.
___
"Kyaaaah! Kaya mo yan, Zeke~!" Cheer ni Shinn kay Zeke. Tss. Hindi pa naman to game, e. Practice palang tapos grabe, mag-cheer. Tsk.
Ang boring kaya! Mas masaya manuod ng mga lalaking nag-DO-DOTA! Ang boring, e! Sipa lang sila ng sipa ng bola tapos takbo dun, takbo dyan!
Tapos, ang ingay-ingay pa nitong katabi. Parang ewan. Hindi naman ako natutuwa. "Shinn, manahimik ka nga dyan!" Buyaw ko sa kanya.
Natahimik naman siya at nag-pout, yak! Nyehehe! Bigla naman nag-alarm ang phone ko. It's already 5:15PM, maglalakad pa ako papuntang parkin lot.
Tumayo na ako. "Oh? Aalis ka na?" Tanong sakin ni Shinn. Napangisi naman ako, "Ay, hindi, hindi. Kaya nga tumayo, e." Pamimilosopo ko.
"Lumayas ka na nga, Ulan!" Sabi niya sakin at tinawanan ako. Umalis na ako sa field at naglakad papuntang parking lot.
Medyo matagal akong naglakad since malaki ang university. It's exactly 5:30PM nang makarating ako sa parking lot. Then, I saw Nate near his car.
Lumapit ako sa kanya at nginitian ko siya, "Sorry nga pala kanina, ha? Nung iniwan kita kumain nang mag-isa..." Sabi ko.
Then I continued, "Medyo nagulat kasi ako sa mga sinasabi mo, e. Eeh, baka naman nagloloko ka lang kaya.. Sor--"
BINABASA MO ANG
I, Myself, Loving You
Teen FictionIt's a story about a girl named Rain Valentine Llanes. She is just your average high school student but there is something that you should know about her; she never cried in front of everyone. Not even once because she's known to be the girl who cri...