Chapter 2

71 1 0
                                    

Disclaimer: Some names and identifying details have been changed to protect the privacy of individuals. 

___________________________________________________________

"Thank you for that presentation, Mr. Mendoza and good luck." nakangiting sabi sa akin ng isa sa mga panel habang palabas mula sa audio-visual room.

"Thank you rin po, ser." nakangiti ko namang tugon.

Panghuli ako na nag-defend ng tanghaling iyon. Napahinga ako ng malalim habang muling pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto na parang hindi pa rin makapaniwala na nakaraos na din. It's a wrap! sabi ko sa sarili habang isa-isa kong kinolekta ang mga kopya ng outline na may comments and suggestions na ng panel.

Palabas na ako ng kwarto ng masalubong ko si Ms. Jen, coordinator ng internships namin.

"Please, see me at 1PM for the schedules of your internship." sabi nito sa akin.

"Okay po."  tugon ko, habang inaayos ang pagkakayakap ko sa mga folder.

***   ***   ***

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Conflict ito sa thesis. Wala talaga silang awa." pag-aatungal ko habang seryoso akong nakatitig sa kopya ko ng schedule ng internships paglabas namin ng sa faculty room.

"Sinabi mo pa, tsong. Last year na lang natin dito talagang may pahabol pa na pagdurusa." pagsang-ayon ni Mark.

"Buti na lang kayo ang naging ka-grupo ko. Kayo na ang bahala sa akin, ah? Hehehe." pang-aasar naman ni Ken. "Aba. Talagang hindi mo pala napapanindigan yung headband mo 'no bro? Pa-Daniel Padilla ka na." sabay hagod sa buhok ko.

"Elem me nemen, bewel. Keilengen desente teye tegnen."pabiro ko namang tugon habang palabas na kami ng building.

"Kasama pa ba 'yan sa ordinansa sa kapatiran nyo?" malikng boses na tuya sa akin ni Mark.

"Yep. Along with other sets of rules. Kase, I signed something like a contract before entering the training apartment ."

"Grabe na yata yan, tsong. Hanggang kailan mo paninindigan yan?" tanong naman ni Ken.

"Dunno. Basta. God's will daw 'to, eh. So far, this something has been the closest to what I have been searching for ever since." tugon ko.

"Hmmm. English." may panlalaking-butas ng ilong na tugon ni Mark.

"You're all weird to me, tsong. Kakaiba talaga kayo." pahayag ni Ken.

"Tell you what, guys, it's all weird to me, too. But something's telling me to stick to it, I just don't know kung hanggang kailan." pabulong kong tugon sa dalawa.

"Huwag na nga nating pag-usapan yan. Kamusta kayo kanina sa DotTO?" tanong sa amin ni Ken.

"Wow. Ano'ng pauso yan, tsong? Sana abisuhan mo kami bago ka pum-unch-line nang makapaghanda man lang kami." sarkastikong tugon ni Mark.

"DotTO, Defense of the Thesis Outline. Sinira mo ang joke." atungal ni Ken.

"Ah. Okay. Tawag na ako ng excavation team. Ang deep ng joke, ipapahukay ko lang.", panunuya ko kay Ken.

"Salamat talaga, guys. Napaka-supportive niyo. Naiiyak tuloy ako." sabay tapik niya sa pisngi namin ni Ken. "Pero, seryoso, kanina medyo nagisa ako ng panel. Ang dami nilang tinanong."

"Ako din, Buti na lang inalalayan ako ng adviser ko." sagot ni Mark.

"Dahil siguro last ako kanina, parang wala na yata silang gana na magtanong. Nakakapagtaka lang." pag-aalala kong tugon..

ThesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon