Disclaimer: Some names and identifying details have been changed to protect the privacy of individuals.
____________________________________________________________
Maingay akong napahikab habang nakaharap sa monitor ng computer. Agad naman akong tinignan ng katabi ko'ng nagfe-Facebook, pero hindi ko na lang ito pinansin. Nakapangalumbaba, muli kong tinignan kung maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga na-download kong reference materials pati ang mga web addresses na pinanggalingan nila. Medyo dissappointed akong napabuntong-hininga dahil walang ibubuga ang thesis na ito kahit saang anggulo ko pa tignan. Walang ibubuga. Kase:
There are currently a few number of researches to support the information stated and are intended to be proven in this study. The said researches which primarily focused in measuring the gross, histologic and organoleptic effects have proven that the use of the material yielded little to no significant effects because of its low nutritional value. Moreover, the material is currently produced only in some certain parts of the country, thus, the low supply resulting in the high market price, hence contributing to high incidence of cost and low profit index.
Na-i-imagine ko na ang mukha ng panel kapagkasabi ko nito sa defense.
As usual, hindi na ako pinagbayad ng tita ko na may-ari ng computer shop. The perks of being a kamag-anak nga naman. Pinambili ko na lang ng kape ang dapat na ipinambayad ko.
7:43PM ang sabi sa orasan ng tindahan. Kailangan ko na palang magmadali.
Habang hinihigop ang kape, nakapamulsa ang isang kamay, sinimulan ko na ang maglakad papunta sa bahay ng adviser ko--- hindi para sa thesis, kundi para sa bible study. Siya nga rin pala ang spiritual father ko.
Every Wednesday at 8:00PM naka-schedule ang bible study namin. Lesson 8 na ngayon sa sinusundan naming module: The Church and Your Commitment. Third to the last lesson na ito, para makatapos na ako sa School of Leaders 2. Ako lang ang natirang estudyante sa level na ito, ang nanatiling matatag mula sa orihinal na 24 na magkakaklase.
Habang naglalakad, saglit akong napatigil sa isang tulay. Napansin ko ang tumaas na tubig ng ilog dahil sa pag-uulan ng mga nakaraang araw. Mabilis din ang agos nito.
"Agos.", sabi ko sa isip ko. Bigla ko ring naisip ang magiging agos ng buhay ko sa susunod na mga buwan: ang pagkayari ng thesis at internship after 9 months, graduation at the 10th month, magkaroon ng trabaho bilang instructor sa college approximately 6 months later, ang ministry (concurrently), ang pangarap kong maging pastor after some trainings (approximately after a year siguro pero depende pa rin sa maraming factors), at pagkatapos... pagkatapos... that's all folks! Thanks for watching! *curtains closing*
Pero... ganito lang ba ang agos ng buhay ko? Parang may kulang.
*** *** ***
Nagsitahulan ang mga aso sa bahay ng adviser ng makarating na ako. Ilang saglit pa ay pinagbuksan na ako ng pinto at magiliw na pinatuloy sa loob ng bahay.
"Magandang gabi po." pagbungad ko.
"Nagdinner ka na ba?" tanong ng adviser.
"Ah opo. Kumain na po ako."
"Okay. Tara. Du'n na tayo para agad tayong makatapos." sabay senyas nito patungo sa kwarto nila ng asawa niya.
Paunawa: Ang kwartong ito ang naging classroom namin para sa bible study simula ng ako na lang ang matira sa batch namin. Mas convenient kasi ito para sa adviser.
Pilit ang ngiti ko habang nagtuloy sa loob. Kahit ilang beses na kasi akong nakapunta dito, hindi mawala sa akin ang maasiwa: una, dahil sa hiya (syempre), at pangalawa, dahil sa isang hindi ko maipaliwanag na force. Wala naman akong lahing manghuhula, pero malakas ang instinct ko kapag may kakaiba sa paligid.
Pasok sa kwarto.
Upo sa kama.
*Pakibasa muli ang paunawa sa itaas. Your welcome*
*** *** ***
Pasado alas-nuebe na ng matapos kami. Medyo hinihingal ako... kanina ko pa kasi nilalabanan ang force na iyon sa paligid.
Tatayo na sana ako para magpaalam nang biglang may maalala ang adviser---
"Ma, hindi ba may mga journals ka diyan sa laptop? Yung sa study niyo sa research? Baka pwede mong bigyan si Gab para magamit niya dun sa thesis." sabi nito sa asawa na nasa may sala.
"Ah, oo. Teka lang, pa.", tugon nito.
Ilang saglit lang ay pumasok na ito sa kwarto dala ang bukas na laptop. Naalala ko ang dala kong flash drive at nilabas na ito mula sa bulsa.
Dumiretso ito sa adviser ko sabay hinawakan ito sa mukha at hinalik-halikan ito. Tumitig ito sa akin pagkatapos. *insert a considerable amount of awkwardness here ___ and here ___.*
Well, that escalated too quickly. Sabi ko sa sarili. Biglang napasakmal ako sa flash drive na hawak ko. Conceal, don't feel, don't let them know. Let's go, let's go! I can't take it anymore! Nakuha ko pang makapag-compose sa oras na iyon---
"May flash drive ka ba?" bigla nitong tanong sa akin.
"Ah, opo. Heto po." sabay abot ko sa flash drive.
"Wala ba itong virus?" mabilis na tanong nito habang pina-plug ito sa laptop.
"Ah, wala naman po." mabilis ko ding tugon dito.
"Ika-copy ko na lang lahat nung materials. Basta gandahan mo yung introduction mo sa thesis. Ibida mo ng mabuti itong research sa defense niyo." pagpapatuloy nito habang nakaharap sa laptop. Pagkatapos ay ibinalik na ang flash drive sa akin.
"Okay po. Aayusin ko po. Mauuna na po ako, ser, ma'am. Salamat po ulit." may pagmamadaling pagpapaalam ko.
"Okay, sige, brad. Mag-iingat ka na lang sa pag-uwi." tugon naman sa akin ng adviser.
*** *** ***
Paglabas ko ng bahay ay nakahinga ako ng malalim dahil hindi halos ako makahinga kanina dahil sa awkwardness sa paligid.
Palakad-takbo akong inilayo ng mga paa ko sa lugar na iyon.
Habang unti-unti ng bumagal ang mga paa ko ay ni-rewind ko sa isipan ang mga nakita ko.
I want to obtain some substantial evidence to verify my suspicions. This, along with my previous evidences, will be labeled as 'Exhibit E'.
Kung ikukumpara natin ang tagpong nasaksihan kanina sa mga teleseryeng napapanood, masasabi nating iyon ay isang gawi ng isang karakter na nais iparating sa isa pang karakter ang isang pagbabanta, isang akto ng pagpapaselos gamit ang di-berbal na pangungusap---
Wait, what? Selos? Sa akin? WTF? (Water The Flowers)
Sanay naman akong makakita ng ganoon, pero, the weirdness is strong with this one.
Kinailangan ko tuloy ulit ng kape at ng isang kahit anong magpapadistract sa akin mula sa internet. Kaya bumalik ulit ako sa computer shop. Saka ko na rin tinignan ang mga files na ipinasa sa akin.
Nakapangalumbaba ulit sa harap ng monitor, napansin ko ang pop-up message pagkasalpak ko sa flash drive--- threat has been detected!
Ah. Okay. Short-cut virus.
Maingay ulit akong napahikab. Agad na namang napatingin ulit sa akin ang katabi na kumikinang na ang mukha kaka-Facebook, pero hindi ko nalang pinansin.

BINABASA MO ANG
Thesis
Non-FictionSa pagbuo ng isang thesis, kalimitan ay nagsisimula ito sa isang hypothesis na maaaring isang pahayag o katanungan. And when you've reached the end of your study, you make the conclusion that either rejects the null hypothesis or fails to reject it...