Prologue

169 3 1
                                    

Disclaimer: Some names and identifying details have been changed to protect the privacy of individuals.

____________________________________________________________

Katulad ng nakasanayan ko na, wala na akong pakialam kung naibigay ko ba ang 100% ko sa pagkakataong ito. Parehas lang din naman ang kalalabasan.

Habang paakyat ako sa hagdanan papunta sa opisina ng adviser, sa pagbuklat-buklat ko ng dala kong folder ay may napansin akong typo: THESIS OUTLIE by Gabriel D. Mendoza--- "Aba. Bakit di ko 'to napansin?", ang bigla ko nalang nasabi. "Bahala na nga."

Sa pagtapat ko sa pinto ay biglang lumabas mula dito si Charmaine, na as usual ay abot-tenga ang ngiti na nagmamadaling umalis. Nagtataka ko itong sinundan ng tingin habang paalis ito. Parang hindi kasi iyon katulad ng tipikal niyang gawi. Muli ko na lang itinuon ang atensyon ko sa dala kong folder at inayos-ayos ito habang nagpatuloy ako sa loob ng opisina.

"Ser, heto na po yung outline ko." ang bungad ko sa adviser, saka ko ito iniabot sa kanya.

"Okay. Ito ba yung version na sinabi mo na may dinagdag kang bago?" ang tanong niya habang binuksan ang folder.

"Ah, opo. Bale yung nasabi ko nga po na version nung mga taga Nigeria, yung one week na experiment lang, dun ko po ibinase yang nasa outline."

"Mukhang masyado atang mabilis yung one week lang. Siguro i-extend natin ng hanggang one month yung duration ng experiment."

"Ah, sige po.", tumango ako saka napatingin bigla sa mga kamay ko na nagkulay blue dahil sa kakahawak sa folder kanina.

"Sana maumpisahan mo na ito agad sa darating na first sem. Maganda na yung maaga mo matapos yung study mo para wala ka na masyadong inaalala." pagpapatuloy nito.

"Oo naman po. Kaso, magiging problema po namin niyan ang schedule. Inayos na po kasi ni Ma'am Jen ang sked ng internships, nilagay niya na every Wednesday to Friday. Tapos po pala, nag-set na rin po si Ma'am Cherry ng sked ng comprehensive exams namin na Mondays and Tuesdays daw po. So, weekends lang po ako libre." ang mahaba kong paliwanag habang pinag-kikiskis ang mga palad ko para matanggal ang blue na mantsa.

"Iyan ang problema sa revised curriculum. Pero, tignan natin kung magagawan natin ng paraan--- teka nga pala. ", saglit siyang natigilan sa pagsasalita, napangiti at saka nagpatuloy, "Ito ay kung interesado ka lang naman. Sa isa pang study na ito, may asisstant ka na gagawa ng study habang nasa internship ka."

"Po?" bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Mga studies ito na funded ng research department ng university. Si Charmaine, kinuha na yung isa kanina." dagdag nito.

"Ah. Talaga po?" reaksyon ko habang napapatango..

Nagpatuloy pa ito, "Nakausap ko kase ang ate mo tungkol dito. Bilang dean ng college natin, gusto kong makatulong sa mga graduating na katulad niyo lalo na sa thesis. Nilinaw ko naman sa kanya na talagang popondohan nila ang study at magha-hire sila ng asisstants."

Sa ilang minuto na iyon, biglang pumasok sa isip ko ang maging praktikal. Hindi kami katulad ng mga kaklase ko na may-kaya sa buhay. Sa apat na taon ko sa kolehiyo, sinikap ko'ng huwag maging pabigat sa pamilya. Siguro, isa ito sa mga pagkakataon na ibinibigay ng Diyos para magawa ko ulit maging praktikal, magawa ko'ng makatulong kahit papaano, magawa ko na huwag maging pabigat. Kaya, walang pag-aalinlangan ay nakapag-desisyon agad ako---

"Sige po, papalitan ko na."

"Baka sabihin mo pinilit kita? Sigurado ka?" may pag-aalalang tanong ng adviser ko.

"Opo. Mas praktikal na po ang isang ito. Sigurado na mas maaasikaso po ito.", ang paliwanag ko kasama ang isang pilit na ngiti.

"Okay, then." tugon nito sabay abot sa isang papel na naglalaman ng title ng study mula sa research. Dagdag pa niya, "Please, see Mr. Bautista for further instructions. Subukan mo na rin manghiram sa kanya ng mga journals para magamit mo as references--- " bigla itong napatingin sa orasan, saka nagpatuloy, "'Yan na muna for now, in case you need something i-text mo na lang ako, may meeting pala kami sa president's office."

"Noted. Sige po. Salamat po.", saka na ako nagpaalam dito at dali-daling lumabas na ng opisina.

Habang palabas na ako sa building, nag-iisip ako ng iba pang dahilan para i-justify na maganda nga ang naging desisyon ko. Kung tutuusin nga naman kasi, parang too good to be true ang thesis na ito, hindi ba? Popondohan na, may kasama pang asisstants, kumporme pa sa hectic na schedule ko. At saka pa pala, hindi naman sa kung ano man, makakasama ko pa pala sa study na ito ang dalawang leaders ko sa church- ang adviser ko sa thesis, si Mr. Cruz na head pastor namin at ang asawa niya. Tatlong taon ko na silang nakakasama sa ministry, medyo matagal-tagal na rin pala. Kaya, sa palagay ko, bukod sa mga gawain sa ministry, magkakatulungan din kami dito sa thesis.

Kaya lang, kapag darating ang mga ganitong oportunidad, ayokong masyadong nagtitiwala. Madalas kasi, kapag parang napakaperpekto ng dating ng isang bagay, may twist na nangyayari. Ewan ko ba. Suki na ako sa ganito. Pero sayang naman kung papakawalan ko pa ito, 'di ba?. Parang blessing naman kasi ito, mahirap namang tanggihan. Saka, kahit saan ko tignan, this time, it seems as if the odds are in my favor.

'Yun ang akala ko.

ThesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon