Disclaimer: Some names and identifying details have been changed to protect the privacy of individuals.
____________________________________________________________
Bukod sa kape, may isa pa akong itinuturing na stress-buster.
The closest thing so far to what I've been searching for ever since that moment back in high school. Nang mabasa ko ang The Purpose Driven Life ni Rick Warren may namuong kakaiba sa loob ko. Parang may nauhaw na kailangan kong hanapan ng maiinom. May dumadaing na kailangan kong patahanin.
Hanggang sa mag-kolehiyo na ako.
Sa unang boarding house na tinirhan ko, doon ko unang napawi yung uhaw na iyon. Sa isang Bible study group.
Nagtuluy-tuloy ang paglalakbay ko mula ng araw na iyon. Sa loob ng isang linggo, gabi-gabi ay kasali ako sa iba't-ibang Bible study group ng iba't-iba ring church group sa campus. Adik lang.
Sa loob ng maikling panahon, natikman ko ang iba't-ibang flavors ng pamatid-uhaw na iyon and to cut the story short, heto at tatlong taon na nga akong miyembro sa church group na ito.
I happened to have committed to this group when I first attended an Encounter God Retreat Weekend in their church.
Sa halagang 200 pesos, magbabago ang buhay mo! ~ member 1
You wouldn't want to miss this kung para kay God naman. ~ member 2
Kung kaya nating aksayahin ang weekends natin para sa ibang bagay, bakit hindi natin ibigay ito kay God? Seek ye first! ~ member 3
Some of the stuffs they said.
Kakaiba nga naman ang mararanasan mo doon.
May seminar-workshop sa unang araw about spiritual stuffs like the nature and stages of sin, spiritual warfare, and confession of sins (sa portion na ito, bibigyan ka nila ng randomnly selected na partner na pagsasabihan mo ng lahat ng iyong mga pagkakasala (kailangan mong sabihin LAHAT para maputol ang bondages at stronghold ni satan sa buhay mo. *pun may or may not be intended*) at saka niyo ito isusulat sa isang papel. Pagkatapos pupunitin niyo ito ng sabay-sabay with your fellow attendees, itatapon ang mga napirasong papel sa isang bonfire at saka kayo sisigaw ng "I WILL NEVER EVER ALLOW MYSELF TO BE IN BONDAGE TO SIN AGAIN!!!" at saka na kayo magtatatalon/magsisisigaw/magwawala sa saliw ng mga tugtugin ng Christian band na PlanetShakers dahil malaya na kayo. *again, pun may or may not be intended.* Day 1 palang iyan.
Day 2. Right after Sunday service, itutuloy ang session. This time, ipapanood sa mga attendees ang isang YouTube clip ng The Passion of the Christ directed by Mel Gibson. Ito yung montage ng mga gruesome scenes depicting the sufferings of Christ in the movie na may background music ng Via Dolorosa na may annotations explaining the reasons why Christ did what he did on the cross. Sa portion na ito, nag-iiyakan na ang mga nanonood- may nakokonsiyensiya, may speaking in tongues, may halos mahimatay. Pagkatapos ng isang oras na iyakan at mga "there, there *tapik/himas sa likod*" at settled na ang madla, magsasalita na ang pastor. Tatayo na ang mga attendees mula sa pagkaka-indian seat at mananalangin to accept Christ in their life as Lord and Savior and to receive the anointing of the Holy Spirit habang nilalapitan sila ng mga leaders sa church at papahiran ng langis sa noo habang nananalangin din. Ilang saglit pa ng stress debriefing at tapos na. Christian ka na.
Some of the stuffs they really do.
Fast-forward. From being one of those attendees 3 years ago, naging leader na ako. Leader ako ng mangilan-ngilang Bible study groups sa mga dorm sa campus namin. At ito ang isa ko pang stress-buster.
![](https://img.wattpad.com/cover/21497771-288-k678780.jpg)
BINABASA MO ANG
Thesis
Non-FictionSa pagbuo ng isang thesis, kalimitan ay nagsisimula ito sa isang hypothesis na maaaring isang pahayag o katanungan. And when you've reached the end of your study, you make the conclusion that either rejects the null hypothesis or fails to reject it...