Disclaimer: Some names and identifying details have been changed to protect the privacy of individuals.
____________________________________________________________
"Hello, tsong?"
"Hello? Chris? O, ano'ng meron?" sagot ko sa cellphone habang inaayos ang IV line ng pasyente.
"Nandito kami ngayon sa site. Mag-se-set-up na kami para sa thesis mo."
"Ha? Talaga? Teka, alam niyo ba ang gagawin? May kopya ba kayo nung outline?" medyo nataranta kong tugon sa kausap.
"Meron naman, tsaka kasama namin yung isa sa panel mo, si ser Bautista. Siya na lang daw ang mag-su-supervise sa amin dito."
"Ah. Okay... pero sana nandyan ako bago niyo umpisahan. Ako dapat ang nag-aasikaso dyan, eh." Teka. Bakit si ser Bautista? ang bigla ko tuloy naisip.
"Oo sana... kaso, medyo aburido na si ma'am, tsong. Bakit daw hindi ka pa nakakapag-set-up. Hindi ka na daw niya mahihintay."
"Ganu'n ba... nahihiya naman akong magpaliwanag niyan. Sa Sabado ko pa lang niyan matitignan yang ginawa niyo. Nandito ako sa OJT hanggang Biyernes." tugon ko habang ini-inject ang gamot sa IV line.
"Okay. Alam ko naman ang sitwasyon mo, tsong. Bilang assistant mo, ako na muna ang mag-mo-monitor dito hanggang makabalik ka. Libre mo na lang ako ng lunch sa pulang bubuyog."
"Ow siyuuur."
"O pa'no, tawag na kami nina ser. I-te-text na lang kita mamaya kung ano na ang mga nagawa namin dito. Bye!"
"Okay. Salamat ulit."
Natigilan ako habang ibinubulsa ko ang cellphone. Hindi ako sanay na iba ang gumagawa sa dapat na trabaho ko. Or much worse, yung pinapakialaman ang trabaho ko na walang paalam sa akin. Alam ko naman na parang inuupahan lang ako sa thesis na ito na ideya nila with all the funding and stuff, pero kahit na inuupahan lang ako, siguro naman may karapatan akong malaman ang mga nangyayari. Sana man lang inabisuhan nila ako na sila na ang gagawa. Sana man lang nagtext si ma'am o ang adviser ko the day or night before. *cries in a corner*
Natapos ang linggo ko na hindi ako mapakali. Dahil na rin sa hiya, si Chris ang binomba ko sa text messages kakatanong ko kung ano ang mga ginawa nila.
Pakiramdam ko, para akong lumabas lang saglit para umihi at pagbalik ko sa naka-paused ko na laro, iba na ang tumira. Asar.
At napag-alaman ko nga mula sa kanya na it all went well.
Ako: *insert not sure meme here*
*** *** ***
Sabado. Tumambad sa harapan ko ang isang kasuka-sukang tanawin: Spongebob Squarepants na tinagalog. May gahd.
Pagkatapos kong ihanda ang mga gamit ko for record taking and documentation, pumunta na ako sa site.
Bumungad sa akin ang hamak na set-up ko sa thesis.
May gahd. Nope. Nope. Nope.
*insert dramatic sound effects here*
*** *** ***
"Ser, mali ho ang nai-set-up sa site.", sabi ko sa adviser sa cellphone habang naglalakad ako paikot sa site.
"'Yan na nga rin ba ang sinasabi ko. Teka, nandyan naman si Mr. Bautista nung gawin nila yan, ah. Bakit kaya nagkagano'n? 'Di bale, inform ko na lang sila about this."
"Okay po."
"For the mean time, i-prepare mo na lang muna yung ibang materials mo sa study habang inaayos yan."
"Sige po. Okay lang po kaya na palitan yang nagawa nila?"
"Itatanong ko sa kanila. We can either stick with it and just revised the methodology or we start over."
"Sige po. Nakausap ko na po yung mga pupuntahan ko para sa mga iba pang kakailanganin sa thesis."
"That's good. For now, iyan na muna ang asikasuhin mo. If you have other concerns, i-text mo na lang, may inaasikaso kasi ako dito."
"Okay po. Salamat."
*insert dramatic sound effects here*
![](https://img.wattpad.com/cover/21497771-288-k678780.jpg)
BINABASA MO ANG
Thesis
Документальная прозаSa pagbuo ng isang thesis, kalimitan ay nagsisimula ito sa isang hypothesis na maaaring isang pahayag o katanungan. And when you've reached the end of your study, you make the conclusion that either rejects the null hypothesis or fails to reject it...