REASON 3: Hindi pa ready si AKO

62 1 0
                                    

Isa sa pinakaayaw na rason ng mga babae at lalaki mula sa taong gusto nila pero sana tanggapin nila 'yan! Porket di pa siya ready, HANAP KAAGAD NG IBA? SO, ANO YON? LOKOHAN LANG BES?

Kung hindi pa siya ready, learn to be patient. Tiis-tiis muna. Kung sinabi niya stop na natin 'to, tanungin mo siya kung sure na ba siya? Ask mo din siya kung pwede mag-stay pa friendship ninyo. Kung ayaw niya ng friendship at gusto niya lumayo ka sa kanya. Sorry, tanggapin mo na lang kaysa magmukha kang engot sa kakahabol sa kanya. Pero.. PLEASE LANG WAG KANG HAHANAP NG IBA MUNA!! CALM KA LANG BES!! SIGE LANG IIYAK MO LANG YAN! OKAY LANG YAN! Kung maghahanap ka kaagad ng iba, magmumukhang rebound yung taong nahanap mo na kapalit sa kanya. OO REBOUND!! KASI DI MASUKLIAN NI HPR (Hindi Pa Ready) YUNG FEELINGS MO SA KANYA AT HINANAP MO YON SA IBA KASO INIISIP MO PA SIYA! Your heart needs some rest. Mahirap magkaroon ng sakit sa puso!

Kung hindi ka pa ready, bes.. wag kang dumintansya sa kanya and act like natural o katulad nung nag-uusap pa kayo. Yes, yung awkward nandoon pa rin pero as soon as possible.. PLEASE WAG KANG MAGBAGO! Kapag napansin niya 'yung pagbabago, lalayo ng lalayo 'yan hanggang sa 'who u?' parang back to strangers ulit kayo! Pero baka goal mo siguro 'yan.

H: I wanna tell you the truth.

ME: What is it?

H: I like you

ME: Thanks for that feelings but I'm not ready for that. I'm kinda busy nowadays. I like you too but as a friend only.

H: I see.

ME: If I hurt your feelings, it's better to accept the fact.

H: I know. I hope that we're still friends

ME: I hope so. *sigh* I don't have enough time to open this account. You can talk with me in my main account.

H: Sure.

Actually, hindi na niya ako kinausap at nag-inactive kaagad siya. I'm sure iniisip niya na 'dapat ko ba siya kausapin? Nireject niya ako eh. Wait ko chat niya sa akin'. Samantala ako naman 'kakausapin ko ba siya? Baka maistorbo ko lang siya sa ginagawa niya at saka busy ako eh'. See? Wala ni-isa sa amin ang nag-chat. Di ko kasalanan kung di ko siya makausap. Marami akong iniisip at busy talaga ako!

Kung pareho kayo na may feelings sa isa't isa at hindi pa kayo ready, okay lang 'yan bes. Act natural katulad nung nasa convo ni A at P sa 'Reason 1: Hard-to-get si AKO'. Yes, gusto nila ang isa't-isa kaso hindi pa sila ready. May mga what if sila at doubts. Tapos marerealize nila sa isa't isa hindi sila pwede. Kaya walang nangyari na 'TAYO'. At ayon nga, si A single pa rin at samantala si P may jowa.

Bakit SINGLE pa rin AKO hanggang ngayon? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon