REASON 5: Hindi pa naka-move si AKO

55 1 0
                                    

'YAN TAYO EH! Kaya single pa rin si AKO dahil hindi pa siya maka-move on! Rejection.. Dumped by your partner.. whatsoever! I know na mahirap maka-move on talaga, bes! Minsan umaabot pa ng millennium years eh! Okay lang 'yan bes! Hindi basta mawawala 'yung sakit pero subukan mo naman mag-move on!

Paano ba maka-move on? Well, di ko alam. Ikaw lang makakagawa nyan at hindi ako. Sabi nga 'kung gusto may paraan, kung ayaw T@NGA KA!'... WAIT!! Tama ba? HAHAHHAHAHAH Tawa na lang natin si Past!

Nagkagusto ako kay Crush nung elementary pa ako kaso hindi ko pa rin siya nakakalimutan hanggang nag-college na ako. Paano kasi... NASA IISANG LUGAR LANG KAMI!! Minsan nga nakikita ko siya sa terminal ng jeep. GWAPO KASI BES AT MABANGO YUNG PABANGO NIYA! Ehem! Umamin din ako sa kanya na gusto ko siya dati sa FB para matapos na ang pagkagusto ko sa kanya at matuldukan na talaga! SINEENZONE AKO NI CRUSH! Di man lang nag-react or masabihan ako na 'sorry di kita type' kasi tatanggapin ko talaga na hindi kami pwede ni crush! Kaso... kaso... SINEEN LANG NIYA AKO!! Sakit bes.. Di naman ako umasa na magustuhan niya ako noh! O baka naman kasi.. KINILIG SI CRUSH KAYA HINDI SIYA MAKAPAG-REPLY! Joke! Well, ilang days ko hintay yung reply niya kaso.. WALA TALAGA..

-Saturday-

ME: "May aaminin ako sayo at matagal na kita gusto." [seen by 15 minutes ago]

ME: Sorry! Dare 'yan sa akin ng kaibigan ko! [seen by 1hr ago]

-Wednesday-

ME: Sige na! Aamin na ako! Gusto kita talaga! [seen]

-Another Monday-

ME: JOKE LANG! [seen]

Parang t@nga lang noh?! Dahil dyan, blinock ko siya sa sobrang kahihiyan na ginawa ko sa kanya. For few months, in-unblock ko na siya tapos inaadd ulit siya kaso di niya inaaccept. So, cancel friendship request si AKO! Hays! OO NA T@NGA NA AKO!! Move on na ako kay crush kaso siya pa rin talaga. May mga nagkakagusto sa akin at may nagugustuhan din ako kaso wala eh.. SUMUKO SILANG LAHAT SA AKIN! Masyado akong boyish at cold at... TAENA! WALANG PAKIRAMDAM DAW! EDI WOW NA LANG SI AKO!

Hindi nga interesado si crush sa akin. So, tinanggap ko na lang na hindi niya ako gusto. Move on na si AKO! Kaso kahit anong gawin move-on ko, nandito pa rin siya. I dunno.. Kung hindi niya ako inaasar at pinagtitripan nung Grade 2 to Grade 6 kami or bago kami mag-highschool edi sana wala akong nararamdaman na feelings from that person! Kung hindi nagtatanong mga kaklase ko at mga fan niya noon kung gusto ko siya, edi sana hindi ko marealize na kung anong meron sa kanya. Kung hindi nagpatulong sa akin yung mga kaklase ko na bigyan siyang slambook at sagutin mga tanong doon at para malaman ang mga gusto niya, edi sana di ko alam 'yung tungkol sa kanya. Birthday niya.. favorite color.. etc.! Kung hindi lang nagkaroon ng issue nung grade 6 pa kami at inaasar ako ng mga kaklase ko na may gusto ako sa kanya, edi sana hindi ko ginawa 'yung sumigaw ako ng 'HINDI KO GUSTO SI *crush*' at umiiyak at nakita ko siya na... na.. nagulat at di mo mapinta 'yung itsura niya habang nag-walk out si ako.

After that day... after our graduation.. nagkita kami sa computer shop at nag-sorry. Di ko alam kung bakit ako nagsorry... EWAN!! BAKIT NGA BA AKO NAG-SORRY!!

ME: *Smile* 'Yung nangyari pala sa school.. 'yung napasigaw ako.. alam ko nandoon ka.. Anyway, sorry pala..

HIM: *tumawa* Hahahahaha Okay lang 'yon. Magsorry ka sa mga kaklase natin.

ME: Susubukan ko kung makikita ko pa sila.

HIM: Dapat lang.

ME: Sige! Invite kita sa debut ko ha!

HIM: *tumawa* Sige ba

'Yung ngiti niya... di ko maintindihan.. pero di ko alam kung bakit siya tumatawa kapag kausap ko siya... MUKHA BA AKONG CLOWN SA PANINGIN NIYA?! Kaya nga naiinis ako sa kanya eh! Marami pa akong ikekwento about sa kanya pero dapat maka-move on na ako pero.. he gaves me a wonderful memories during my elementary days. Sa lahat ng memories, ELEMENTARY DAYS ANG HINDI KO MAKAKALIMUTAN!

TEKA! NASAAN NA BA TAYO?! Oo nga pala.. MOVE ON NA 'TEH AT 'KYA! Kung hindi kayo maka-move on... how about to make a story about him/her? Malay mo sumikat ka pa! At malay mo.. mabasa pa niya 'yang story mo!

Anyway, di ko alam kung bakit hindi ako maka-move on kay crush.. ANY COMMENTS? Help naman guys XD Joke lang. Hanap ako ng anime na pwedeng gawin na jowa! JOKE LANG!

Masyadong maikli 'tong "Reason 5: Hindi pa maka-moveon si AKO" kasi nga di pa ako maka—Lol! Nakamove on na nga ako! SA KATUNAYAN MAY BAGO AKONG CRUSH.. SI MIDORIMA!! Nakilala ko siya sa dati kong university. May salamin na may tape sa left side tapos lahat ng gamit niya puro green. Ang cute niya! Lagi ko siyang nakakasabay sa shuttle but later on, hindi ko na siya nakita :( pero alam ko kung saan siya nakatira! NAKITA KO SIYA NA PUMUNTA SA BAHAY NILA NUNG KAKATAPOS KO LANG BUMOTO NUNG 2016! AKALAIN MO!! Anyway, sana makita ko ulit siya sa susunod na botohan.

Bakit SINGLE pa rin AKO hanggang ngayon? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon