Kaya tayo single kasi nga panget tayo at hindi tayo gusto ng taong gusto natin... WAIT? TAENA PALA NILA! BAKIT? MAGANDA O GWAPO BA 'YUNG TAE NILA? MAKAPAL PALA MGA MUKHA NILA EH!
Joke lang bes! Hindi ka panget! Hindi panget 'yang ugali mo, bes! Sadyang pinapakita mo lang kung sino ka! Cheer up! Hindi nasusukat ang kagandahan at kagwapuhan sa mismong itsura.. nakabase 'yan kung paano ka makisama sa ibang tao! Bakit? Totoo naman kasi.
Inaamin ko sayo bes na may pagka-cold ako at snob.. madaling mapikon at may pagka-badass kung minsan. Kung nareject ako ni crush dahil sa ugali ko, okay lang kasi may tatanggap sa akin kung sino ako (Lol. Mga kaibigan ko at mga pamilya ko syempre!)
Kung sinabi ng taong gusto mo na panget ka.. mataba ka.. mabaho ka.. kaya hindi ka gusto... EHEM! WALANG PERPEKTONG TAO SA MUNDO! Dahil sa mga sinabi niya, magpaparetoke ka na? magpapapayat? Etc.? KALOKOHAN 'YAN BES! Pinapakita mo lang na hindi mo tanggap ang sarili mo! OO BES! HINDI MO TANGGAP KUNG SINO KA! Tapos iiyak ka dyan? TUMIGIL KA NGA! Tanggapin mo 'yang sinasabi niyang taong 'yan! Tanggapin mo kung sino ka! Kung hindi ka niya gusto dahil sa mga bagay na 'yan EDI WOW! Kung babaguhin mo ba sarili mo, tatanggapin ka ba niya? Wait.. HUH? OO? So, okay lang sayo na magpanggap ka na hindi ikaw? Kasi para sa akin, once na may binago ka sa sarili mo, parang nakasuot ka ng mascara. Kinahihiya mo kung sino ka at kung ano ka. Kung naging mag-asawa kayo, unti-unting lumalabas ang tunay na ikaw. Dahil d'yan, unti-unting nagbabago ang lahat. Tapos, kapag naghiwalay kayo, sasabihin mo sa sarili mo na 'anong nangyari? Bakit kami naghiwalay? Binago ko na sarili ko kaso hindi na niya ako mahal.. huhuhuhu'. See? Para kang sira! OO SIRAULO KA BES! Kung sa umpisa palang pinakita mo na sa kanya kung sino ka talaga, edi sana may happy ending ka na!
'Yan ang problema ng tao ngayon! Nagpapanggap na ibang tao kasi sinaktan sila ng taong gusto nila! Hays!
L: Be, kaya ba ako iniwan ng taong mahal ko kasi panget ako?
ME: Oo
L: PANGET BA AKO?
ME: OO
L: ANG SAKIT MO NAMAN MAGSALITA!
ME: Ano gagawin? Magpaparetoke ka na?
L: OO! MAGPAPARETOKE AKO!! HU U SIYA SA AKIN!
ME: Alam mo
ME: Tanggap pa rin kita kahit panget ka
L: Awww di nga?
ME: Oo and I guess.. may ibang tao pa d'yan na tanggap ka kung panget ka
L: Talaga?
L: Binobola mo lang ako eh
ME: Straightforward ako at hindi ko kaya magsinungaling sa'yo
L: Haaaaaaaaaaaaays
ME: Tanggapin mo na lang na panget ka
ME: Kung babaguhin mo ang sarili mo, sa tingin mo ba may mangyayari na pagbabago sayo?
L: OO! MAGUGUSTUHAN AKO NG MGA TAONG GUSTO KO!
ME: Kung nalaman ba nila na fake ikaw? Tatanggapin ka ba nila?
L: Baka tatanggapin naman nila ako
ME: Himala na lang kung tatanggapin ka nila
L: Syempre naman! Gusto nila ako eh
ME: Kung mahal ka talaga nila, tanggap nila 'yung buong katotohanan at 'yung mga nakaraan mo na panget ka
L: SYEMPRE NAMAN! Pero grabe ka na magsalita >:(
ME: Pero kapag hindi ka nila tanggap, nandito ako kasi tanggap ko na panget ka. Kaibigan mo ko at lagi ako nandito para sayo
ME: Kahit nagparetoke as long as nandyan pa 'yung kaibigan ko na nakilala ko o wala na, tanggap pa rin kita bilang kaibigan ko.
ME: Hindi ako katulad ng iba
L: :( Hug mo nga ako!
ME: -hugs you-
L: Kahit sa chat lang tayo nag-uusap, pinapasaya mo na ako
ME: Mukha ba akong clown at napapasaya kita?
L: HAHAHAHAHAHAHHAHA!
ME: Okay lang sa akin na clown ako kahit papaano napapasaya kita :)
Hindi lahat ng tao ay tanggap ka kung sino ka.Pili lang ang tatanggap sayo. At bihira lang mga ganun na tao sa buong mundo.If I were you, mamahalin ko at itetreasure ko 'yung mga ganun na tao kasitanggap nila kung sino ako! Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa isang tao nahindi ako tanggap kung sino ako? Hindi ako ganun! Porket sobrang tagal ko na nagingsingle, aasta ako na parang aso na susunod sa taong gusto ko. Tsk! HINDI AKOASO! RABBIT AKO!!
BINABASA MO ANG
Bakit SINGLE pa rin AKO hanggang ngayon? [COMPLETE]
CasualeMaraming single hanggang ngayon na hindi pa nila nahahanap si THE ONE. Bakit nga ba? Maraming nagsasabi na 'Aral muna bago landi'. Well, tama naman kasi eh. Maraming kabataan na nabulag sa pag-ibig. Maraming kabataan na nabubuntis araw-araw. Maramin...